- 20 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magana gabi po. Bina rin habang nagla-livestream ang isang tindera ng gulay sa Taytay Rizal.
00:07Suspect ang dati o manong asawa ng kanyang amo na sinusumong ng biktima dahil sa pambababae nito.
00:14Nakatutok si EJ Gomez.
00:20Nagla-livestream lang sa social media habang nagtitinda ng gulay ang 23-anyos na babae
00:26sa barangay Santa Ana Taytay Rizal nitong Biernes.
00:30Abala ang biktima sa pagtitinda sa mahigit dalawang oras na livestream.
00:34Pagsapit ng alas 7.30 ng gabi, isang lalaking nakasuot ng sombrero at face mask ang lumapit sa babae.
00:41Bumunot siya ng baril at malapit ang pinaputokan sa ulo ang babae.
00:46Bumagsak ang babae at tumakas ang gunman.
00:49Bumabas na ako dito sa Budiga.
00:56Nagkita ko na lang dun sa alabas na si Ato pala yung nakaandu ko sa ina dun.
01:01Tsaka maraming dugo na nakaano sa katawan niya tsaka sa ulo niya.
01:08Madalas daw mag-livestream ang biktima ng kanyang pagtitinda sa tindahan ng gulay na ito ayon sa kanya mga katrabaho.
01:14Kwento ng isang saksi matapos ang pamamaril, tumakbo ang sospek bit bit ang kanyang baril sa eskinitang ito.
01:23Ayon sa pulisya, magkakilala ang biktima at sospek.
01:27Ito pong ating sospek ay dating karelasyon ng may-ari ng gulayan na boss ngayon po nung ating biktima.
01:40Na di umano, itong biktim po natin is nagsusumbong sa kanyang amo tungkol sa mga ginagawang pambababae nitong ating sospek.
01:55Dahilan para tumindi ang galit nitong sospek doon po sa ating biktim.
02:04Naaresto nitong Sabado ng umaga ang 31-anyos na sospek sa kanyang bahay sa Angono Rizal.
02:10Aminado siya sa pambababae niya na naging dahilan daw ng hiwalayan nilang mag-asawa.
02:16Pero di naman daw siya nagalit sa biktima na nagsumbong umano sa kanyang asawa.
02:21Umamin din ang sospek na nasa Taytay Rizal siya ilang oras bago ang insidente.
02:26Pero itinanggi niya ang pamamaril.
02:28Nung tanghali, pumunta ko doon sa asawa niya.
02:33Nagbayad ako ng pera.
02:40Ang layo po ma'am ng mukha ko doon.
02:42Di ko man magagawa mo gano'n noon ma'am.
02:44Napamahal na sa akin yung bata na yun.
02:46Nasa ligtas na kondisyon ang biktima na nagpapagaling sa ospital.
02:51Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunan ang pahayagang kaanak ng biktima.
02:55Sa Taytay Police Custodial Facility, nakakulong ang sospek na nahaharap sa reklamong frustrated murder.
03:03Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
03:16Nakauwi na po ng Pilipinas si dating DPWH Secretary Manny Bonoan na isinasangkod sa maanamaliang flood control projects.
03:23Kasama si Bonoan sa mga pinatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee para sa pagginig bukas.
03:30Nakatutok si Mav Gonzalez.
03:34Matapos ang dalawang buwan sa Amerika, umuwi na sa Pilipinas si dating DPWH Secretary Manny Bonoan kaninang umaga.
03:41May Immigration Lookout Bulletin Order para kay Bonoan dahil sa investigasyon sa maanamaliang flood control project.
03:48Dating sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na umabot sa mahigit 30 billion pesos ang alokable ni Bonoan sa national budget.
03:58Sinadya rin anya nitong magbigay ng mali-maling coordinates ng flood control project sa Malacanang.
04:03Lumipad pa Amerika si Bonoan noong Nobyembre para samahan ang asawa na magpa-opera.
04:09December 17 dapat ang uwi niya.
04:11Pero ayon sa kanyang abogado, na-delay ang operasyon kaya hindi agad nakauwi.
04:15Former Secretary Manny Bonoan po, ay dumating ngayong umaga, limbo po ng umaga, January 18.
04:24Nanggaling po siya from Taipei.
04:26Kaya po ay nasa Immigration Lookout Bulletin natin.
04:29Kaya po ang kanyang pagdating ay nireport po natin pa agad sa Department of Justice.
04:34So far po doon sa ating tala, wala po siyang reported companion na kasama po niyang umuwi na po.
04:42Kasama niya po ang kanyang spouse na umalis.
04:44Pero ngayon po, nung siya po ay bumalik, wala pong declared and reported na kasama po paawin.
04:52Kasama si Bonoan sa labing dalawang sinagpina ng Senate Blue Ribbon Committee para sa pagdinigbukas.
04:58Kabilang din dyan, sinadating Congressman Zaldico, COA Commissioner Mario Lipana,
05:03at dating Deped Yusek Trigiv Olaivar na mga tumanggap umano ng kickback mula sa flood control projects.
05:08Ayon kay Committee Member, Sen. Kiko Pangilinan, malaki ang papel ng Blue Ribbon.
05:14Ngayong hindi makapagpatuloy sa trabaho ang Independent Commission for Infrastructure dahil sa kawalan ng quorum.
05:20Matapos magbitiw ni nadating Public Works Secretary Babe Simpson at Executive ng SGV na si Rosana Fajardo.
05:26Tip of the iceberg pa lang dahil, di ba, Bulacan.
05:31Pero habang hinihiring kasi natin, marami ang mga nagpapadala ng mga text messages.
05:38Tingnan din ninyo yung Cavite, tingnan din ninyo yung Pangasinan.
05:44Parang nasa transition tayo.
05:47Wala ng ICI, wala ng quorum.
05:50At hindi naman naipapasa pa itong Independent People's Commission.
05:55Although, of course, ang sinasabi ng ibang mga legal experts, nandyan naman talaga yung ombudsman which is in the DOJ.
06:03Kahit daw for later release o hindi kaagad nabigyan ng pondo ang ilang proyekto sa Cabral Files,
06:09kailangan pa rin investigahan.
06:11Lalo't may down payment na umano kahit nasa National Expenditure Program pa lang.
06:15Saan galing yung pera? And most likely, ang ating tansya dyan galing sa mga kontraktor na nag-advance
06:24at naniniwalang makukuha nila na yung proyekto dahil rigged nga.
06:29Meron pa rin katiwalian, meron pa rin komisyon at kickback.
06:35Sagot naman ni Pangilinan kay Sen. Amy Marcos na nagsabing puro senador ang pinupuntirya sa mga anomalya pero walang kongresista.
06:43Inimbitahan silang lahat, di ba? I think 17 ang inimbitahan nung huring hearing.
06:50So, we can tackle that again bukas.
06:53Hindi, dahil nga, well, sinasabing hindi namin, hindi binibigyan ng pagkakataon na maipaliwanag itong mga sangkot na kongresista.
07:07Hindi naman din totoo yun dahil nga inimbitahan sila. Hindi sila kumarap.
07:11Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
07:17Nahanap ng lahat ng naunang naiulat na natabunan ng gumuhong bundok ng basura sa Cebu City.
07:25Kanina kumaga, nakukuha ang pinakahuling labi sa Binali Sanitary Landfill sa tulong ng canine dogs mula sa Iloilo.
07:31Sa kabuan, 36 ang kumpirmadong namatay sa trahedya.
07:36Nakatulong din sa pagtuntun at pag-recover ang mga biktima ang Coast Guard Working Dog na si Kidlat.
07:40Nag-iwan po ng kabi-kabilang pinsala ang Bagyong Ada sa Bicol Region.
07:48At sa Albay, bukod sa Umagos na Lahar, may nasira pang tulay.
07:53Mula sa Manito Albay, nakatutokla si Ian Pio.
07:57Ian?
07:58Pia, bumuti na nga ang panahon dito sa Albay sa paglayo ng Bagyong Ada.
08:05Pero dito sa bayan ng Manito Pia, ito yung kanilang pinoproblema ang pagkawasak ng kanilang Bamboo Bridge ng dahil daw sa bagyo.
08:17Wasak ang bahagi ng Bamboo Bridge na yan sa bayan ng Manito Albay.
08:20Yan pa naman ang nagdurugtong sa poblasyon area ng Itba at Barangay Kawit.
08:25Nasa 20 metro ng tulay ang nasira.
08:28Kwento ng isang residente, mga trosong mula sa bundok ang puminsala sa tulay.
08:32Yung bagyobos na dumaan, malakas yung bahagi dito kaya inanod ng mga kahoy na nakaharang sa ilalim.
08:46Kaya nagiba yan.
08:47Nagbabangka muna ang residente patungo ng poblasyon at pabalik ng Barangay Kawit.
08:525 piso ang bayad kada sakay ng bangka.
08:55Nakabantay naman ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Manito Substation katuwang ang mga bumbero para matiyak ang kaligtasan ng biyahe ng mga sumasakay ng bangka.
09:04Ang problema, bukas, may klase na ang mga estudyante.
09:08Mayro po. Ang mga estudyante may po pag nagtatawid, maalon po tapos mahangin.
09:15Noong pandemia, nasira ang kanilang hanging bridge kung saan may mga nasaktan.
09:19Ang gusto namin, sir, maanoan na ito ng tulay na konkreto.
09:25Sabi, may budget na ito. Sana magawa na itong ngayon na taon na ito.
09:29Bukas, ipapayos na ito.
09:30Pero yung pangmatagalang solusyon, yun po ang sinasabi po nila.
09:34Yun, yun nga sinasabi ko sa kanila na nakausap namin sa tao sa OPAPRO na magda-download sa amin ng 140 million para sa pagpaayos ng tulay.
09:49Ano po magiging tulay na yun?
09:51Concrete na.
09:52Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Office, naka-uwi na ang mahigit 11,000 na lumikas dahil sa Bagyong Ada, kasama na ang mga taga-money nila sa bayan ng Ginubatan.
10:04Nahihirapan daw sa pagtira sa siksikang evacuation center ang pamilya ni Don, pero ang mahalaga ay ligtas sila sa banta ng lahar flow.
10:12Sakaling tumaas sa alert level 4 ang status ng bulkang mayon, makakasama muli sila sa mga dapat lumikas.
10:18So sunod lang tayo sa patakara nila kasi para naman sa kaligtasan ng lahat.
10:22Narating ang barangay Manin nila dahil naayos na ang daanan sa Manin nila Masarawag Channel na nasira nang umagos ang lahar doon dahil sa kasagsaganan lakas ang ulan, dulot ng Bagyong Ada.
10:35Sa barangay Masarawag, puspusan din ang clearing operation para sa mas mabilis na biyahe ng mga motorista sa Ginubatan Mayon Road.
10:43Sa bayan ng Owas Albay, binhana ang mga low-lying areas.
10:51Umapaw na rin ang tubig sa mga palayan.
10:54Nasa 38 pamilya na ang nailikas.
10:57Sa barangay San Andres, halos nasa tatlundang individual na ang nailikas.
11:01Habang lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa lalawigan.
11:05Inasok na rin ang baha ang isang paralan sa lalawigan.
11:08Isang aso naman ang nasagip ng PCG na inanod sa gitna ng baha.
11:13Kinailangan na rin sagipin ang ilang residente sa Virac Catanduanes.
11:18Binabagyuman, tuloy pa rin ang dibusyon ng mga taga-Virac para sa ikapitong dayosisan sinulog.
11:24Kabi-kabi lang pagbaha at paguhon ng lupa naman ang naitala sa ilang lugar sa Sorsogon.
11:29Sa Bagasbas Beach sa Dayat Camarines Norte, malalakas din ang hampas ng alon.
11:38Naglalakihan din ang mga alon sa Kaluwag, Quezon.
11:47Pia, maulap ngayon kaya hindi natin nakikita sa ating likuran yung bulkang mayon.
11:51At dahil nga lumayo na, ang Bagyong Ada, ang tututukan ngayon ng pamahalang panlalawigan ng Albay
11:57ay ang monitoring sa patuloy na nag-aalborotong bulkang mayon.
12:01Katulong siyempre ang Feebox.
12:02Yan muna ang latest mula rin sa Albay. Balik sa iyo, Pia.
12:05Maraming salamat, Ian Cruz.
12:35Maagang nagsinatingan sa Cebu City Sports Center ang mga tao para saksihan ang Sinulog Festival.
12:41Unang isinagawa ang banal na misa bilang pagpupugay kay Senyor Santo Niño.
12:47Sumentro ang homily ni Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma sa pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.
12:54Nagpapasalamat siya na nailayo ang Cebu sa Bagyong Ada.
12:58Si Cebu City Mayor Nestor Archival kasama si Governor Pambaricuatro ang nagbukas ng Grand Parade.
13:05Kasunod nito, umarangkada na ang Sinulog Festival Competition.
13:09Apat-napung grupo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagpakitanggila sa kanika nilang dance routine
13:16alay kay Senyor Santo Niño.
13:18Di alintana ng mga manunood ang panahon at siksikan.
13:22Sa gitna ng mainit na panahon, may ilang performers na nahilo at nawalan ng malay.
13:29Agad naman silang nirespondihan ng mga emergency personnel.
13:32Ayon sa mga opisyal, dahil daw ito sa pagod at init.
13:37Samantala, inununsyo naman ni Mayor Archival na walang pasok bukas sa mga mag-aaral sa buong Cebu City
13:44para daw makapagpahinga ang mga mag-aaral at mga residente kasunod ng pagdiriwang ng Sinulog Festival.
13:52Iban, sa ngayon, nagpapatuloy pa ang performances ng nalalabing mga contingents
13:57na papasok pa dito sa Cebu City Sports Center maging sa rota ng parada.
14:03Inaabangan din mamaya ang grand finale at fireworks display.
14:08Iban?
14:09Maraming salamat, Nico Sereno, ng GMA Regional TV.
14:12Maraming salamat,?
14:14You
Be the first to comment