Flood control na malaking tulong pa sa irigasyon! 'Yan umano ang aasahan ng mga magsasaka sa Claveria, Cagayan dahil sa impounding dam na pinasinayaan ng pangulo. Sinilip din niya ang isang patapos nang tulay na dapat aniya ay gandahan at wag yung bumabagsak.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Flood control na, malaking tulong pa sa irigasyon.
00:04Yan o mano ang asahan ng mga magsasaka sa Claveria, Cagayan,
00:07dahil sa impounding dam na pinasinayaan ng Pangulo.
00:11Sinilip din niya ang isang patapos ng tulay na dapat anyay gandahan at huwag yung pumabagsak.
00:17Nakatutok si Darlene Kai.
00:22Kakulangan ng maayos na irigasyon ang isa sa mga hinaharap ng mga magsasaka sa Claveria, Cagayan, gaya ni Delio.
00:28Kakambal niya ng baha naman kung may ulan o bagyo.
00:32Ginagawa namin ng paraan na parang inakuan yung ilog para magkatubig lang kami.
00:41Pero kapag darating ng tagulan, mawawas out agad.
00:47Kaya nahihirapan po kaming magbukid.
00:50Doong nakaraang anihan nga, kalahati ang lugi ni Delio.
00:54Problema po ma'am.
00:55Kasi aapaw ng tubig, Cagayan mga yan.
00:58E buki rin ba nga yan, aapaw.
01:01Pagkatapos, masisira rin yung palay.
01:04Inaasahang makatutulong ang 700 million pesos Union Water Impounding Dam sa Claveria
01:09na pinasinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:12Kung maulan, dito muna may ipo ng tubig para hindi bahain ang mga taniman.
01:17Layon itong Union Water Impounding Dam na patubigan ang taniman ng mga magsasaka rito.
01:22Pero bukod dyan, na-flood control measure din ito na layong pigilan ng pagbaha.
01:27514,000 cubic meters ang kabuang kapasidad nitong water impounding dam.
01:32Katumbas niya ng mahigit 200 Olympic-sized swimming pools.
01:36Basta't maayos ang pagpagawa, maayos ang disenyo, maayos ang implementasyon, wala tayong makikitang problema.
01:493,600 hektaryang taniman at mahigit 1,000 magsasaka ang makikinabang sa proyekto.
01:55Nakita namin sa helicopter, yung ginagawa dito sa side ng ilog, ang mga revetment para, siyempre, hindi na lalampas doon sa dinadaanan ng ilog, yung tubig.
02:11Makukontrol natin yung takbo ng tubig, hindi na magbabaha, but hindi meron pa tayong makukuhang patubig.
02:18Inaayos na rin ang sistema ng pamimili sa mga ipapagawang farm-to-market roads.
02:22Hindi lang yung kagaya ng dati na palakasan lang, uminsan kung saan-saan napupunta ang farm-to-market road na hindi naman nakakatulong sa ating mga magsasaka.
02:34Kabilang sa mga kokonsultahin ang mga lokal na pamahalaan matapos madiskubring may 105 million pesos na halaga ng mga umanoy ghost farm-to-market roads sa Mindanao.
02:45Tatlong daang farm-to-market bridge din ang tatapusin sa loob ng apat na taon, sabay biro sa katabing si TPWH Secretary Vince Dizon.
02:53Pero ang gandahan niya yung tulay, huwag yung bumabagsak.
02:56Opo, at saka yung maintenance, yung maintenance.
03:04Kakulangan niya sa maintenance ang problema sa mga bumagsak na tulay na pigatan bridge sa Alcalacagayan at Kabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela.
03:12Kaya siniguro nang sapat ang pondo para sa maintenance sa mga tulay sa susunod na taon.
03:17Ganyan din anya ang asahan sa patapos ng Kamalinyugan Bridge sa Cagayan na magdurog tong sa mga bayan ng apari at kamalinyugan.
03:24Paiikliin ang 2.34 billion pesos na tulay ang dati ng mahigit isang oras na biyahe sa 20 minuto na lang.
03:31Dahil sa mas pinatibay at pinagandang disenyo ng tulay, naging 45 tons ang maksimang vehicle capacity nito at may earthquake resistance na aabot sa magnitude 8.
03:42Mula rito sa Claveria Cagayan para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment