00:00Patay na ng matagpuan ang isang ginang sa loob ng kanyang bahay sa Dingras, sa Ilocos Norte.
00:09Inaalam pa ang motibo sa krimen. Nakatutok si CJ Torida ng GMA Way Journal TV.
00:19Nakagapos, may busal na plaster at walang saplot na pangitaas.
00:23Sa kalunos-lunos na lagay na tagpuan ng kanyang bienan,
00:26ang labi ng 39-anyos na si Jacqueline Cabudol sa kanyang bahay sa barangay Lombad, Dingras, Ilocos Norte nitong linggo.
00:34Pinuntahan si Cabudol ng bienan dahil hindi sumasagot sa mga tawag na sa cellphone.
00:39Mag-isa lang ito sa bahay dahil hiwalay na sa asawa.
00:42Sana makonsensya siya. Kasi dalawa yung anak niya na nag-aaral.
00:47Nang suriin, may mga nakitang sugat at pasasa ulo ng biktima.
00:51Inaalam pa kung ginahasa siya o kung ano ang motibo sa krimen.
00:54Pero ayon sa kaanak, nawawala rin ang mga pera at alahas ng biktima.
01:00Nireview na rin ang polisya ang CCTV footages ng barangay
01:03para malaman kung sino ang mga nagpunta sa kanyang bahay bago nangyari ang krimen.
01:08Patuloy ang investigasyon ng polisya.
01:10So as to signs of struggle, sir, hindi kaanong napatagpuan kasi siya dito sa may sala.
01:16Hindi kaanong magulo yung lugar. Wala tayong makikitang any signs na nag-away sila.
01:23Hustisya ang hiling ng mga kaanak ng biktima.
01:27Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, CJ Torida, Nakatutok, 24 Horas.
Comments