00:00Nagbabala ang pag-asa sa pag-iral ng madalian o short-lived La Nina sa susunod na buwan.
00:06At dahil diyan, posibleng maulit ang parada ng mga bagyo.
00:11Ang epekto sa iba-ibang probinsya, alamin po sa pagtutok ni Ivan Mayrina.
00:18Parada ng mga bagyo dito po sa paligid po ng Pilipinas.
00:22Huling linggo ng Oktobre hanggang kalagitan ng Nobyembre 2024
00:25ng pilahan ng Pilipinas na mga bagyong Christine, Leon, Marce, Nika, Ophel at Pepito.
00:33Ang parada ng mga bagyo na nag-iwan ang matinding pinsala,
00:36sinasabi epekto ng Noy nagbabadya ng La Nina ayon sa pag-asa.
00:40At posibleng maulit yan sa mga huling bahagi rin ng taong ito
00:43dahil sa iiral na madalian o short-lived La Nina ayon sa pag-asa.
00:47Inaasahan magsisimula yan sa susunod na buwan.
00:50Itong last quarter ng ating 2025 ay medyo mas maulan,
00:55and higher probability ng above normal rainfall sa mga areas
00:59na identified based on sa forecast dun sa in terms of rainfall impacts.
01:05Agoso pa lang pero nakakasyam ng bagyong dumaan sa Pilipinas.
01:08Ikasampu kung maging bagyo rin ang low pressure area
01:11na nasa Philippine Area of Responsibility sa ngayon.
01:14Sa taya ng pag-asa, dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahan sa Setiembre
01:18at maaaring mapantayan o mahigitan ang paunang forecast
01:22na aabot sa labing siya mga bagyo ngayong taon.
01:25May possibility, sir, dahil kung titignan natin last year po
01:29ay La Nina-like conditions din po tayo during the last quarter ng year
01:33at naranasan natin itong sunod-sunod na mga bagyo
01:36embedded sa intertropical convergence zone.
01:40So may mga gano'n yun pong possible na mga senaryo
01:43at posible pong sunod-sunod man yung mga bagyo
01:46hindi man po necessarily na marami ang ulan na dulot nito
01:52pero yung pong favorable na tropical cyclone development
01:56nandun yun, sir.
01:57Ayon pa sa pag-asa, asahan ng mas maraming ulan ngayong Setiembre
02:00sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa.
02:06Sa Oktobre naman, asahan ng higit sa kananiwang dami ng ulan
02:09sa Metro Manila, Calabar Zone at Bicol,
02:12pati sa buong Visayas, Caraga, Soxargen, Davao Region at Northern Mindanao.
02:17Kaya nakikipahungdayan ng pag-asa sa Department of Agriculture
02:20para paghandaan ng epekto ng short-lived La Nina sa mga pananim.
02:24Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments