00:00Mas dumami pa po ang mga pasaherong biyaheng probinsya para sa holiday break.
00:06Silipin po natin ang sitwasyon sa PITX sa live na pagtuto ni Dano Tingcunco.
00:11Dano?
00:15Pia, lumagpas na nga ng 100,000 ang bilang ng mga pasaherong dumaan sa PITX ngayong araw.
00:22Kaya kung ngayon kayo babiyahe dito, mararamdaman nyo yan sa bungad pa lang ng terminal.
00:27Mahigit 130,000 na nga yung bilang ng mga pasaherong ngayong araw as of 4pm dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange batay sa tala ng PITX as of 4pm.
00:40Wala pang fully booked paglilino ng PITX bagamat nasa 40% na yung bookings pa Bicol at 25% naman pa Visayas at Mindanao.
00:50Sa bungad ng PITX o dito sa entrance, isa sa mga entrance dito sa PITX ay ramdam na yung dami ng mga taong naghahabol sa biyahe bago ang Pasko sa Webes.
01:01Mula sa haba ng pila sa security check hanggang sa gate mismo bago sumakay ng bus.
01:06Ang ilang mga lumuluwas o luluwas ay nagtsatsaga na sa pila.
01:10Kala ko po maluwag dito. Tapos wala na pong masakyan sa amin eh kaya nagdayan na kami dito.
01:18Maghihintay na lang kami kaysa bumalik pa.
01:21Parang dumagsa. Kasi nung hinatid ko yung parents ko dito noong 18, hindi naman ganito kadami.
01:29Noong December 18. Pero ngayon po, ang dami na pong tao. Parang hindi na kami makalakan.
01:35Akit naman tayo sa Quezon City. Bakas naman sa bigat ng traffic sa EDSA kanina ang holiday rush sa mga terminal sa Kamuning at sa Cubao.
01:51Halos walang galawan sa EDSA, lalo dun sa mga bahaging malapit sa mga terminal ng bus kung saan mahaba ang pila ng mga paseherong naghihintay ng masasakyan.
02:00Sa Batangas Port naman, lagpas 6,000 ang mga bumiyahing pasahero kanina hanggang tanghali.
02:06Mas mahigpit on, mas naghigpit na rin sa siguridad ang PNP at pinalawak na raw nila ang police visibility sa mga pantalan, terminal at iba pang transportation hub sa buong bansa.
02:19Pia, sa monitoring naman ng Quezon City Police District ay payapa naman ang kabuang sitwasyon sa mga sakaya ng mga pampublikong sasakyan.
02:28Balik sa iyo.
02:30Maraming salamat, Dano Tinkungko.
02:33Imbis na matuwa, naiyak po ang isang estudyanteng lalaki sa natanggap niyang regalo sa Christmas party.
02:41Haloblock at blouse.
02:43Ikinagalit po ito ng kanyang ina.
02:45Ang nag-viral na insidente niyan, tinuntukan ni Athena Imperial.
02:52Viral ang video ito ng batang labing dalawang taong gulang na umiiyak dahil sa natanggap niyang regalo sa Christmas party.
03:00Ayan, mama, haloblock. Ang bigat niyan, ma'am.
03:03May asma yung anak ko. Hindi ko pinagbubuhat ng mabigat.
03:06Gigil at galit naman ang kanyang nanay sa nakitang laman nito na haloblock at blouse.
03:13Ayan, ma'am.
03:13Pang-babaeng blouse.
03:16Kwento niya, excited pa raw sa regalo ang anak kahit nahirapan ito sa pagbuhat mula sa paaralan hanggang sa kanilang bahay.
03:25Tinulungan pa nga raw niyang anak sa pagbuhat at nagtaka kung bakit ito mabigat.
03:29Nang makita ng anak ang pink blouse.
03:32Ang lumakas yung iyak niya, nang sabi niya sa akin,
03:35Mama, natatanggap ko naman na bakla ako pero hindi pa ako nagsusuot niyan.
03:40Agad kinontak ni Evelyn ang class advisor ng anak at ipinadala rito ang natanggap na regalo.
03:46Pinagsabihan daw ng guro ang estudyante na nagregalo sa kanyang anak at ipinatawag ito at ang guardians nito.
03:53Sa kanila umanong pag-uusap, sinabi ng guardians ng bata na binigyan nila ito ng 200 pesos para pambili ng regalo.
04:01Pero hindi raw nila alam ang binili ng bata.
04:04Nanghingi sila ng sorry, wala naman kaming magagawa kung hindi tanggapin.
04:08Sabi ng isang clinical psychologist, base sa viral video, distressed ang batang nakatanggap ng regalo.
04:15Siyempre, kailangan natin ng mas marami pang konteksto kung talagang may tinagmulan ba ito.
04:21Ito ba'y isang beses lang nangyari or medyo parang, ano ba, nag-dilled up, no?
04:28Pero whatever it is, hindi tama.
04:31Payo ng eksperto, ilugar ang pag-prank at pagbibiro.
04:36Ang simbolo ng regalo ay, ay, naisip ka niya.
04:40Meron nag-isip sa'yo, may nag-care sa'yo.
04:44Pwede natin ituro, di ng mga magulang sa ating mga anak, isipin natin ano kayang naiisip niya.
04:50Sa palagay mo ba, di ba, pagbukas niya, matatawa siya o naiiyak siya?
04:55Minsan, hindi kasi talaga alam na mga bata, no?
04:59Na posibleng iba ang maging reaksyon.
05:01Dapat ituro mo sa kanila paano nga mang makiramdam.
05:06Sa ngayon, masaya na ang grade 7 student dahil bukod sa binilhan na siya ng regalo,
05:10may mga nagregalo pa sa kanyang netizen na naantig sa kanyang kwento.
05:14Para sa GMA Integrated News, Athena Imperial nakatutok, 24 oras.
05:22Pumanaw na po sa edad na 78 si Antipolo 2nd District Representative Romeo Akop.
05:28Hindi pa malinaw ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
05:31Ayon sa Rizal Provincial Police, nakita ng anak na si Dr. Carla Marie Akop
05:36ang mambabatas na nasa sahig kagabi.
05:38Ayon kay House Speaker Faustino D., malaking kawalan para sa Kongreso,
05:44sa Antipolo City, pati na sa Sambayanang Pilipino,
05:48ang pagpanaw ni Akop na isa-anilang marangal at tapat na lingkod bayan.
05:52Nakikisa raw ang kamera sa pagluluksan ng pamilya ni Akop.
05:56Ikinalungkot ni Senator Ping Lakson.
05:58Ang pagpanaw ni Akop, na bukod sa naging kaibigan niya,
06:01ay nagsilbing Director for Comptrollership nung si Lakson pa ang PNP Chief.
06:06Ayon naman kay Lano del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adyong,
06:12naging mentor sa kanila si Akop, lalo na noong siya po ang Vice Chairperson ng House Quad Committee.
06:18Ang Quad Com ang umusisa sa paglaganap ng Pogo sa bansa,
06:22pati na sa guerra contra droga ng Duterte Administration.
06:28Makapuso kayo ba ay galante sa pagregalo o kaya wais din sa pagbabudget?
06:33Inalang po namin ang boses ng ilang Pinoy sa pagregalo tuwing Pasko.
06:39At alamin ang tugon ng ilan sa report na ito.
06:41This is the season for gift giving pero in this economy,
06:49napamahal na pamahal ang mga bilihin,
06:51napapag-give love on Christmas Day na lang ang ilan.
06:54Kaya ang tanong ngayong Pasko,
06:55ikaw ba ay team tipid o team galante?
06:58Siyempre sa heron din ang buhay,
07:00katulad po may pinag-aaral pa rin kaya,
07:02kung ano lang yung makakaya ko,
07:05yun ako, maambigay ko.
07:06Ang ginagawa ko po is,
07:08kung ano lang po yung naipon ko doon,
07:11yun hinahati ko po sa kanila para po pantay-pantay.
07:15Stand out ang mga team tipid
07:16dahil kulang daw ang budget pang regalo.
07:19At araw-araw rin silang gumagastos.
07:25Ang iba, wala pa raw kasi silang trabaho.
07:27O kung may trabaho man,
07:28walang bonus at 13th month pay.
07:31Pero ang isang nanay,
07:33willing magtipid sa sarili
07:34para makapagbigay sa mga anak.
07:36Meron pa rin namang team galante,
07:38lalo't isang beses lang naman kada taon ang Pasko.
07:41May humugot pa na mas pipiliin daw niyang gumastos
07:44kaysa maputaraw ang pera niya sa mga kurakot.
07:47Actually, depende sa inaanak.
07:49Diba?
07:50Siyempre, malalaki na ibang inaanak.
07:53Normally, pera na lang eh.
08:00Siyempre.
08:01Siyempre.
Comments