Skip to playerSkip to main content
May nakataas ngayong babala ng tsunami sa Mindanao dahil sa magnitude 6.8 na lindol. Kasunod iyan ng mas malakas na pagyanig o magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga na malapit sa Manay, Davao Oriental ang epicenter, at ramdam sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas. 'Di bababa sa anim ang naitatalang nasawi. May report si RGIL Relator ng GMA Regional TV.


6.8 magnitude na lindol, yumanig sa Manay, Davao Oriental kasunod ng 7.4 na lindol kaninang umaga


Doublet earthquake o dalawang magkasunod na lindol na nilikha ng gitgitan ng lupa sa Philippine Trench. 'Yan, ayon sa PHIVOLCS, ang maaaring nangyari ngayong araw sa Mindanao. May report si Jandi Esteban ng GMA Regional TV.


Magnitude 7.4 quake, ramdam hanggang Visayas at ilang bahagi ng Bicol


Maging sa Visayas at Bicol region sa dulo ng Luzon, ramdam ang magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga. May report si Oscar Oida.


PBBM, ipinag-utos ang paglilikas sa mga nakatira sa coastal areas


Ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang paglilikas sa mga nakatira sa coastal areas kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao.State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Oh my God!
00:02Ah Lord!
00:03Yeah!
00:05No!
00:10May nakataas ngayong babala ng tsunami sa Mindanao dahil sa magnitude 6.8 na lindol.
00:16Kasunod yan ng mas malakas na pagganig o magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga
00:22na malapit sa Manay Davao Oriental ang epicenter at ramdam sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas.
00:28Di bababa sa animang naitalang nasa WIP na sa state of calamity na ang bayan ng Manay.
00:34May report si Arjel Relator ng GMA Regional TV.
00:44Nagkaklase kaninang umaga sa Mapua Malayan Colleges of Mindanao sa Davao City ng Lumindol.
00:54Silia ang ginawang proteksyon ng mga estudyante.
00:58Hanggang nagbagsakan ang kisame.
01:10Nawalan pa ng kuryente.
01:16Kaya na nga pa sadilin ang mga palabas na estudyante.
01:19Nag-hiyawan din sa paglikas ang mga estudyante sa St. John Paul II College of Davao.
01:42Habang sa San Pedro College, may chemical spill pa na nirespondehan ng Bureau of Air Protection.
01:47Nabulabod din ang mga dumalo sa isang konvensyon.
01:56Matapos ang pag-inig, nagmadali silang lumabas ng mall na nagkabasag-basag ang salamin ng entrance.
02:02Sa mga opisina, napasilong sa ilalim ng mesa ang mga empleyado.
02:17Bumigay ang kisame sa pagyugyug.
02:19Lord! Tama na, Lord!
02:24Lord!
02:29Naalog din ang mga ilaw at gamit sa 10th floor ng gusalig ito.
02:36Guys, huwag mo na lamabas.
02:38Naka-dock cover na hold ang mga empleyado habang hinihintay na huminto ang pagyanig.
02:42Ang mga naabutan ng pagyanig sa rabas, walang nagawa kundi mapaupo habang umiindayog ang paligid.
03:04Gaya na nasaksihan ng isang youth scooper sa Spring Valley, Buhangin, Davao City.
03:08Napaupo rin sa takot ang may inabutan ng lindol sa Davao City Fishport Complex.
03:25Iwinasiwas din ang lindol ang mga nakasabit na paninda sa Agdao Public Market.
03:29Sa Davao International Airport, may napaupo na lang at meron ding nagsilabasan.
03:42Nagambala rin ang mga ospital.
03:45Agad inilabas kalsada ang mga pasyente ng United Davao Specialist Hospital
03:49at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
03:54Sa isang subdivision, gumuho ang isang bagong renovate na bahay.
03:58Apat ang nasagip.
04:00Ayon sa CDRMO, isang lalaking edad, walong po ang nasawi matapos maragana ng pader sa barangay Tomas Monteverde.
04:08Nakikipag-ugnaya na ang Davao City Social Welfare and Development Office sa mga nilindol para matulungan.
04:15Sa inspeksyon ng City Engineer's Office at DPWH, wala namang nakitang pinsala sa apat na pangunahing tulay sa Davao City.
04:22Ramdam din ang lindol sa labas ng lungsod.
04:29Sa panabo Davao del Norte, niyugyug ang mga track ng bumbero at ambulansya.
04:38Sa Tagom City Davao del Norte, nabasag ang mga salamin at natumba ang mga gamit sa isang mall.
04:44Habang sa labas, buwis-buhay sa pagbaba ang mga trabahador mula sa itaas ng ginagawang giant Christmas tree.
04:56Sa Tagom City Hall, bumagsak ang isang bahagi ng kisame at ilan pang gamit.
05:01Nagkabitak sa pader ng isang gusali sa Tagom Doctor's College.
05:08Ikinatakit din ang pag-uga ng flyover na ito.
05:16Sa nabunturan Davao de Oro, napakapit na lang sa isa't isa ang mga residenteng habang inuuga ng lupa.
05:23Abot sa General Santos City ang pagyanin.
05:29Naglabasan ang mga esudyante at nerespondihan ang mga hinimatay.
05:36Gayun din sa Kagua, it's Surigao del Sur.
05:39R. Jill Relator ng GMA Regional TV.
05:43Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:46Nanginginig pa sa takot ang marami sa Mindanao dahil sa magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga.
06:03Heto at muli silang niyanigpa sa 12.7 ngayong gabi.
06:13Magnitude 6.8 ang lindol.
06:15Sa dagat pa rin ang epicenter, 36 kilometers south east ng Manay, Davao Oriental.
06:20Di kalayuan sa epicenter ng lindol nitong umaga.
06:23Ang munisipyo ng Manay, delikado pa dahil sa mga bitak kaninang umaga.
06:27Nasira pati ang bahagi ng St. Francis Xavier Parish na itinayo noong 1897 at kakarenovate lang.
06:34Sa post ni Atty. Israelito Torion, humamba lang ang malalaking tipak ng bato at mga nabual na puno sa kalsada.
06:41May mga nasira rin bahay.
06:45Ayon sa LDRRMO, nasa 80% ng kanilang emprastruktura ang apektado.
06:52May mga tulay at mga daan ng isinara dahil delikado na gamitin.
06:55Sa Mati City, Davao Oriental, nasa Wi, ang isang babaeng edad 57 matapos mabagsahan ang perimeter wall ng compound ng isang electric cooperative.
07:09At dahil may panibagong babala ang FIVOX ng mahigit isang metrong taas ng tsunami,
07:15nagutos ang Office of the Civil Defense ng forced evacuation sa mga coastal barangay sa Surigao del Norte, Surigao del Sur at Davao Oriental.
07:24Nasa 1.8 million na tao ang pinalilikas.
07:26Ayon sa FIVOX, hindi ito aftershock.
07:31Maaring doublet earthquake ang dalawang lindol na ito.
07:35Sa lindol kanina, pag-alaw sa Philippine Trench ang dahilan.
07:38Paliwanag ng FIVOX, nagbabanggaan sa ilalim ng dagat ang dalawang tectonic plates o dalawang malaking tipak ng lupa.
07:45Kapag sobra na ang pressure, biglang dumudulas ng mabilis ang mga bato sa fault line kaya nagkakalindol.
07:53Yung trench naman at yung seafloor natin gumigit-git papailalim.
07:58We have the line dun sa dagat natin at gumigit-git yung seafloor natin dun sa trench.
08:05And as a result, yung pagigit-git niya, nagkakaroon ng friction.
08:08And once the friction is released, yun yung nagkakaroon ng paglindol.
08:12Bukod sa Philippine Trench, may lima pang trench sa Pilipinas.
08:16Ang Negros, Sulu, Cotabato, East Luzon Trough at Manila Trenches.
08:21Generally, mga trenches natin are capable of generating great earthquakes.
08:27Are earthquakes greater than 8?
08:31The longer the fault, the higher the magnitude it would be able to generate.
08:37Nilinaw rin ng FIVOX na walang kinalaman sa lindol ngayon.
08:40Ang magnitude 6.9 na lindol sa Visayas noong September 30, malapit sa Bugo City, Sabu.
08:46At magnitude 4.4 na lindol sa Pugola Union kahapon.
08:50Pareho silang dahil sa mga fault sa kanika nilang lugar.
08:53Nagbabala rin ang FIVOX na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na paparating na lindol.
08:59Dahil wala pang paraan para malaman o madetect kung kailan magkakalindol.
09:03Ang pwede lang daw gawin natin, maging handa at alerto.
09:07Hanggat maaari, huwag magpanik at sundin ang mga itinakdang alituntunin kapag may lindol.
09:13Jandy Esteban ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:18Maging sa Visayas at Bico Region sa dulo ng Luzon, ramdam ang magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga.
09:37May report si Oscar Oida.
09:38Winagaywain ng magnitude 7.4 na lindol ng mga panindah sa sari-sari store na ito sa Albay.
09:51Magiyang chandelier sa loob ng bahay, halos isang minuto tumagal ang pagyanig sa probinsya.
10:00Naramdaman din ito sa maraming lugar sa Visayas.
10:04Gaya sa hotel sa Iloilo City, na tila nagsasayawan na ang mga ilaw.
10:11Ang mga kawarinang City Hall, mabilis na bumaba at nagtipon sa Plaza Libertad.
10:18Wala namang nakitang pinsala sa gusali.
10:21Dahil sa lindol, nagsuspindi agad ng trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa lungsod.
10:28Sa provincial capital, sinuspindi rin ang trabaho sa gobyerno.
10:32Ayon sa FIVOX, Intensity 1 ang naramdaman sa Iloilo City at ilang bahagi ng Kapis.
10:40Napadak cover and hold naman ang mga mag-aaral at guro ng isang eskwelahan sa Kalbayog, Samar,
10:47nang magsilabasan sa kanika nilang mga classroom.
10:50Naudlot naman ang State of the Province address ni Bohol Governor Enrico Arisotel Aumentado.
10:55Pinalabas ng kapitulyo ang mga empleyado.
10:59Wala namang nakitang pinsala sa gusali, kaya pinayagan ulit silang bumalik.
11:05Kahit sa Ormok City, Leyte, ramdam ang pagyanig.
11:09Kabilang ang probinsya ng Leyte sa mga napasailalim ng tsunami warning na binawi rin kaninang hapon.
11:16Oscar Oida, nagbabalita para sa GM Integrated News.
11:19Ipinagutos ni Pangulong Marcos ang paglilikas sa mga nakatira sa coastal areas,
11:26kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao.
11:30Inatasan din niya ang mga ahensya na i-activate ang emergency communication lines
11:34at makipag-ugnayan sa mga LGU.
11:37Iliahanda na rin ang search, rescue, and relief operations
11:40na dapat niyang i-deploy agad na oras na ligtas na itong gawin.
11:45Nag-posisyon na rin ang DSWD ng ipapamahaging pagkain at iba pang gamit.
11:51Handa namang magbigay ng servisyong medikal ang DOH,
11:54ang Civil Aeronautics Board, hiniling sa mga airline
11:57na huwag nang maningil ng rebooking at cancellation fee
12:01sa mga pasaherong apektado ng lindol.
12:04Hinimok din ito ang mga airline na pabilisin ng pagbibigay ng refund
12:07at maglaan ng libreng cargo space para sa humanitarian at relief efforts.
12:15Napisyon sa mga airline na B
12:16Coforum.
Comments

Recommended