00:01respec.
00:01Inosinog ang labingsham na bahay
00:03sa Cebu City.
00:04130 residente ang apektado.
00:07Pansamantala sila nakikisilong
00:09sa isang kapilya.
00:10Bumisita roon ang alkaling ng Lunso
00:12na tiniyak na pabibilisin ang proseso
00:14para mabigyan sila ng pinansyal na tulong.
00:17Sasagutin daw ng LGU
00:18ang tatlong araw na pagkain
00:20ng mga nasunugan.
00:21Tinatayang mahigit 200,000 piso
00:24ang halaga ng pinsala ng sunog.
00:26Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.
00:30T-Rick ang araw sa ilang lugar sa bansa pero kakaibang lamig ang naranasan ngayong araw sa La Trinidad Benguet.
00:37Bumaba sa 7 degrees Celsius ang temperatura roon.
00:41Pinakamababang record ito sa bansa ngayong amihan season.
00:45Ayon sa pag-asa, malapit na yan sa 6.3 degrees Celsius na pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City
00:52noon pang January 1961.
00:54Umakyat naman sa 44 degrees Celsius ang damang init na naitala ngayong araw sa Masbati City, Boronga ni Sturt Samar
01:04at Zamboanga City.
01:0641 degrees Celsius sa Iloilo City.
01:08Ayon sa Iloilo City DRMO, posibleng tumaas yan bukas, lalot 42 ang forecasted heat index sa lugar.
01:16Pinayuhan ng mga residente na huwag magbilad sa init at uminom ng maraming tubig.
01:23Bukod sa amihan, patuloy rin ang pag-iral ng Easterlies at Intertropical Convergence Zone o ITZZ.
01:29Sa rainfall forecast ng Metro Weather, may tsansa ng pag-ulan bukas sa Isabela, Aurora, Quezon, Palawan, Leyte, Sulu, Sulu
01:38Archipelago, Caraga at Dabao Region.
01:41Malalakas na wala naman ang posibleng maranasan sa eastern section ng northern at central Luzon at halos buong Mindanao.
01:48Sa Metro Manila, may posibilidad din ng pag-ulan, bandang tanghali o hapon.
01:54Mga kapuso, 37 araw na lang, Pasko na!
01:58Kabi-kabila ang pagpapailaw ng Christmas tree sa iba't ibang lugar sa bansa.
02:03Sa Pila, Laguna, pinasinayaan ang pagpapailaw ng Christmas tree sa kanilang plaza.
02:09Nagkaroon din ang mga pagtatanghal mula sa iba't ibang paaralan.
02:13Sa Gataran, Kagayan, libu-libong residente ang dumagsas sa Christmas tree lighting.
02:19Sinamahan pa yan ng light show at fireworks display.
02:22Meron din yung bansyeto-style na food stalls.
02:31Malayo pa, pero malayo na.
02:34Pinaniniwalaan kasing naabot na ng spacecraft na Voyager 1 ang distansya na one light day.
02:41Kung gaano yan kalayo ating saksihan.
02:48Kung pabilisan ang usapan, wala nang mas bibilis pa sa liwanag.
02:55Kung pagkukumparahin, aabutin ang tatlong araw ang isang spacecraft para makalapit sa buwan.
03:01Pero ang liwanag na nire-reflect ng buwan mula sa araw,
03:05inaabot lang ng mahigit isang segundo para makarating sa planet Earth.
03:09Kaya ang sukatan ng malalayong distansya sa outer space ibinabase sa distansyang kayang abutin ng liwanag sa loob ng isang
03:18taon
03:19o ang tinatawag na light year na katumbas ng mahigit siyam na trilyong kilometro.
03:25Pero kahit tila imposibleng maabot ang ganyang kalayong distansya para sa sangkatauhan,
03:30may ipinagbubuni sa mundo ng siyensa.
03:33Dahil pinaniniwala ang naabot na ng isang bagay na likha ng tao
03:38ang layo ng isang light day o katumbas ng 26 billion kilometers mula sa ating planeta.
03:46Yan ang Voyager 1 spacecraft ng NASA.
03:49In-launch noong 1977 gaya ng kambal nitong Voyager 2
03:53at halos limang dekada nang naglalakbay sa kalawakan sa bilis na 61,000 kilometers per hour.
04:01Target noon ang Voyager 1 na makakuha ng impormasyon mula sa Jupiter at Saturn.
04:07Ang Voyager 1 din ang kumuha ng kilalang larawan noong 1990 na Pale Blue Dot
04:13kung saan ang Earth, isang maliit na tuldok lang ng liwanag.
04:16Ito rin ang nasa liko ng tinawag ng NASA na Family Portrait,
04:20ang series ng 60 larawan kung saan kita ang mga planeta sa solar system.
04:26Nagpatuloy pa ang biyahe nito sa interstellar space.
04:29At batay sa kompytasyon ng National Aeronautics and Space Administration o NASA,
04:35naabot na nito ngayong araw ang One Light Day,
04:38ang pinakamalayong distansyang naabot ng isang human-made object sa kalawakan.
04:44Bilang selebrasyon sa bagong milestone ng Voyager 1,
04:48isinagawa ang Shine Bright for Voyager.
04:50Kung saan ang mga nag-abang,
04:52nagpairaw ng flashlight na may Morse code na VGR,
04:56ang callsign para sa Voyager.
04:59Inaabot ng isang araw bago makapagpadala ng signal ng Voyager 1 sa planet Earth.
05:04Kaya sa webbos pa matitiyak ng mga siyentipiko
05:06kung naabot na nga nito ang distansyang One Light Day.
05:09Pero hindi forever makapagpapadala ng komunikasyon ng Voyager sa daigdig.
05:15Ayon sa Jet Propulsion Laboratory ng NASA,
05:18kaya na lang ito magpadala ng signal sa loob ng tatlo hanggang apat na taon.
05:23Ang mahalagang yugto, patunay lang na gaano man kalawak ang kalawakan,
05:29patuloy ang pag-asam ng mga tao na malaman ang mga bagay na di pa natutuklasan.
05:36Ako si EJ Gomez, ang inyong saksi.