Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, Nobyembre 8, 2025:


Probinsiya ng Camarines Norte, naka-heightened alert dahil sa Bagyong Uwan


Forced evacuation, ipinatutupad sa Camarines Sur


Mga nakatira sa coastal towns ng Isabela, pinalikas na


Mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Iloilo, nangangamba sa pagtama ng Bagyong Uwan


Mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda, ginunita ang anibersaryo ng pagtama ng bagyo


Pickup tumaob nang salpukin ng isa pang pickup


Mga residente sa coastal areas sa Aurora, pinaalalahanang lumikas na


Rider na nagpakarga ng gasolina, nanutok ng baril at nagnakaw ng P19,000 na kita ng gasolinahan


Lalaki, pilit isinalba ang kaniyang misis sa gitna ng Bagyong Tino


Ilang pasyalan sa Baguio City, sarado sa Nov. 10


Mga mangingisda sa Ilocos Sur, inakyat na ang bangka sa dalampasigan


Warrant of arrest laban kay Sen. Dela Rosa, inilabas na umano ng ICC, ayon kay Omb. Remulla


Valenzuela City, naka-full alert status dahil sa bagyo | DOH, inihanda na ang command center


Bagyong Uwan, lalapit at posibleng unang mag-landfall sa Catanduanes bukas | Signals 1-3 nakataas sa iba't ibang lugar


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:30Bago ito mag-landfall sa Isabela o Aurora, bukas o sa lunes ng umaga.
00:39Bukas o sa lunes, posibleng mag-landfall ang Typhoon 1 at puspusan ang paghanda ng mga lokal na pamahalaan sa inaasahang pagtama nito.
00:49At may mga residente ng maagang pinalikas.
00:52Nakataas ang signal number 2 sa Camarines Norte.
00:55Sa Bayan ng Dayet, naglalakihan ng mga alon at nakatutok live si Darlene Kai.
01:01Pia Ivan, mahina pero panakanaka yung pagulan na naranasan sa buong maghapon dito sa Camarines Norte na nasa ilalim ng signal number 2.
01:17Naka-heightened alert ang probinsya.
01:18Kaya sapilitan na yung ginawang paglikas sa ilang residente na nakatira sa mababang lugar at nasa tabing dagat.
01:25Kaya po, kailangan po natin na pag-ibaku ito para po ito sa kaligtasan po ng lahat.
01:33Buong maghapon, nagbahay-bahay ang LGU sa sityo Mandulungan sa Brangay Gubat sa Daet, Camarines Norte para palikasin ang mga residente.
01:40Pero may ilang ayaw talagang lumikas, tulad ng mag-asawang Sonia at asawa niyang stroke patient na si Arnulfo.
01:47Hindi po ba kayo natatakot malakas ang bagyo?
01:49Natatakot ako, ma'am. No choice man ako, ma'am, sa kanya. Ayaw talagang niya, ma'am, umalis.
01:54Sinahirapan po siya, ma'am, magpuntang si Ar. Ayaw naman niya mag-dieter. Kaya ano, dito na lang po kami.
02:02Naka-antabay po yung ating mga kapulisan para po tumulong din hanggat maaari ay makuha pa sa pakiusap kung hindi talagang gagamit na tayo ng siguro persa na...
02:14May iba namang lumikas na sa takot na maulit ang naranasan ng manalasa sa daet ang mga nakalipas na malalakas na bagyo, kung kailan bubung na lang ang makikita sa mga bahay nila.
02:25Si Jonah na natroma dahil sa sinapit noong bagyong rusing noong 1995, itinaas ang mga gamit sa bahay at nag-empake ng mga damit na dadalhin sa evacuation center.
02:35Kinakabahan po at yung napapanood ko po sa Cebu, huwag gano'n. Huwag naman sana.
02:42Mababang lugar kasi at nasa tabing dagat ang sityo mandulungan kaya karaniwang bumabaha rito kapag tuloy-tuloy ang ulan.
02:48Sanay na raw lumikas ang mga residente tuwing may bagyo. Pero sa totoo lang, nakakapagod na raw.
02:54Ang iniisip ko yung kaligtasan ng mga anak ko at saka yung mga apo ko kasi talaga lumalalim dito sa amin yung tubig.
03:02Siyempre po nakakaawa sa tulad naming mahirap na binabaha pero wala nam po kami magawa.
03:09Malaki ang mga alon sa daet buong araw. May storm surge warning o banta ng daluyong sa Camarines Norte kaya bawal maligo sa dagat at bawal pumalaot ang mga manging isda.
03:20Pero naligo pa rin sa dagat ang grupong ito.
03:22Hindi naman kayo natakot sir kasi malaki yung mga alon at malakas ang hangin.
03:26Sanay na po kami ma'am. Taga probinsya po kami kaya sanay na po kami.
03:30Bawal na po pero paalis na rin po kami.
03:33May mga residente namang nagkumpunin ng bubong at naglagay ng mga pabigat bilang paghahanda sa pagtama ng bagyo.
03:38Ang mga residenteng may budget nagpabook sa mga hotel.
03:42Kahapon pa naka heightened alert ang probinsya ng Camarines Norte.
03:45Siyam sa labindalawang bayan dito ay nasa tabing dagat kaya binabantayan laban sa baha at pagtama ng storm surge.
03:52Handa ng evacuation centers, food packs at rescue equipment.
03:56Nasa gitna kami from pasok ng area ng Bicol region and then going to projected landfall nila.
04:03Nasa gitna ang Camarines Norte niyan.
04:05So we anticipate it prolonged heavy rains and intermittent strong winds.
04:13Sa palagay namin makakasapat naman ito sa immediate na pangangailangan.
04:17But of course, it is prolonged ang operation natin.
04:21We will be needing in external assistance.
04:24Sa Piyoduran sa Albay, pansamantalang inilipat ang mga pasyente ng Piyoduran Memorial District Hospital
04:29sa bagong hospital building sa barangay Karatagan bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong uwan.
04:35Piyah Ivan, nagbabala yung FIVOC sa posibilidad ng lahar flow sa palibot ng Mayon Volcano,
04:48particular sa ilang lugar sa Albay.
04:50Posibleng idulot daw po yan ng malakas at tuloy-tuloy na ulang dala ng bagyong uwan.
04:55Kaya para po sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na yan,
04:58maging alerto, magingat at makinig sa abiso ng mga otoridad lalo na kung tungkol sa paglikas.
05:04Yan ang latest mula rito sa Camarines Norte. Balik sa inyo, Piyah Ivan.
05:09Maraming salamat, Darlene Kai.
05:13Nagpatupad na po ng forced evacuation sa Camarines Sur.
05:16At gamit ang mga rescue vehicle, inihatid sa mga evacuation center ang daan-daang pamilya.
05:21Ang CLGU, mas mainam na mailikas na maaga ang mga residente para maiwasan
05:26ang anumang kapahamakan lalo na sa mga lugar na binabaha at nakakaranas ng landslide.
05:31Naka-pre-position na rin ang mga food pack mula sa DSWB.
05:40Nagkaroon pa ng pagkakataon ng mga magsasaka sa Isabela
05:43na makapag-ani bagong inaasahan pagtama ng bagyong uwan.
05:47Nagahanda na rin ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
05:50Mula sa Echage, Isabela nakatutok live si June Benerasyon.
05:54June.
05:55Ivan, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation sa ilang lugar dito sa lalawigan ng Isabela
06:11pero habang wala pa ang bagyong uwan,
06:13ay pagkakataon ito para sa mga magsasaka na maisalba ang kanilang kabuhayan.
06:18Mabilisan ang pag-ani ng mga magsasaka sa natitira na lang tanim na mais sa bayan ng Echage, Isabela.
06:28Mabuti na lang may panahon pa dahil paparating pa lang ang bagyong uwan.
06:32Isa ang Isabela sa mga pusibleng direktang tamaan ng malakas na bagyo.
06:36Salamat kasi umabot pa ng nervous to kasi malakas yung paparating na bagyong.
06:43Pero higit na mahalaga ang buhay ng tao,
06:45kaya mabilisan din ang deployment ng mga rescue team at equipment sa mga critical areas.
06:50Nagsasagawa na ng pre-emptive evacuation sa mga coastal town ng probinsya.
06:54Pati yung mga pre-emptive evacuation na ginagawa ng mga coastal areas, pati yung mga low-lying areas.
07:02Lagi na lang kami nakahanda.
07:04Kung ano mang klaseng bagyo yan, kung simpleng typhoon o super typhoon,
07:09ang ating mga rescuers, ang ating PNP, AFP, PNP, lahat yan nakatutok na yan.
07:14Kung kailangan po i-evacuate, pakinggan natin ang ating mga rescuers.
07:18Kanya-kanya naman ang mga residente sa pagtatali ng bubong.
07:21Isa sa pinangangambahan dito ay ang pag-apaw ng Cagayan River na kadalasang nagpapalubog sa mga komunidad.
07:28Kaya nagahanda na rin ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
07:31Kung maaari po eh, maghanda na po kami para iwas nisgrasya po.
07:40Naka-full alert status na ang mga polis.
07:42Heightened alert naman ang militar.
07:44Worst case scenarios dito nga yung yung flooding kasi talagang surrounded by river itong Isabela and Cagayan.
07:51So yun yung worst case scenario na pinag-aaralan na ina-anticipate na namin ngayon.
07:57And then we are preparing for that.
08:05Sabi ng Isabela PDRMO ay nagbukas na ng dalawang gate ang Magat Dam at patuloy na nagpapakawalaan ng tubig bilang paghahanda sa malakas na ulan na dala ng bagyong uwan.
08:17Ivan.
08:17Maraming salamat, June Benarasyon.
08:22Mahaba na po ang pila ng mga truck na stranded sa Dumangas Port sa Iloilo dahil sa pagkansila ng mga biyahe.
08:27At ang paghahanda ng mga residente roon sa pagtutuklay ni John Sala ng GMA Reads TV.
08:33Habang unti-unting bumabangon sa hagupit ng bagyong tino ang mga taga-Dumangas Iloilo,
08:39may isa na namang bagyong pinagangambahang magpapalala sa kanilang sitwasyon.
08:43Ito ang bagyong uwan.
08:48Dangangamba ngayon ang mga residente ng coastal areas sa bayan ng Dumangas, Iloilo.
08:53Hindi pa nga raw sila nakakabangon sa pananalasan ng bagyong tino, eto't meron na namang panibagong bagyo.
08:59Si Mang Ben itinigil muna pagkukumpunin ang nasira nilang bahay.
09:03Ang mga ganit sir, daw wala pagayang mga uwan ba? Si balay ay guba yan naman balaw.
09:07Si Tatay Ruben naman, ayaw na raw maulit ang nangyari sa kanilang bubong.
09:12Ito ginakuanan ko ka mga kuwayan nyo, para nga hindi sa madalabla kong kuwan.
09:21Ito sige pa manting ko, ginabantingan ko kayo.
09:25Ito hindi ko mantingan, basic ang mga disgrasya naman.
09:29Nakahanda na ang MDR-RMO Dumanga sakaling magpatupad ng preemptive evacuation.
09:34Naka-preposition na rin ang mga gamit pang rescue.
09:36Kaya nga ito nga mga gamit, arap man dira, nakita man din yung steady pa dira.
09:43Arap na ito rubber boats, fiberglass boats.
09:46Ang isa na itong ka-fiberglass boat, ito na ito sa Philippine Coast Guard na ito.
09:50Para kung in kaso may gamitin sila din ito, kag may ari man kami da rin gamitin in kaso may emergency.
09:56Sa Dumangas Port, mahaba ang pila ng mas-stranded na truck, matapos kancilahin ang biyahe ng mga roro vessel.
10:01Iban, ayon naman doon sa Dumangas MDR-RMO ay nakahanda na ang kanilang mga relief goods para ito sa mga residenteng lilikas.
10:16Iban?
10:18Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
10:21Samatala, hindi pa man nakakabangon sa pananalasan ng Bagyong Tino na gahanda na ulit sa paglikas.
10:26Ang mga residente naman sa Eastern Visayas at mula sa Kat Balogan Samar, nakatutok live si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
10:37Nico, go ahead.
10:39Pia, puspusan ang paghanda ng mataga Eastern Visayas sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan dito sa kanilang lugar.
10:47Sa gitna ito, ng pagunita ngayong araw ng anibersaryo ng Bagyong Yolanda.
10:56November 8, 2013, nang humagupit ang Super Bagyong Yolanda sa Eastern Visayas na ikinasawin ng mahigit 6,000.
11:06Sa pagunitan ikalabindalawang anibersaryo ng pagtama ng Bagyong Yolanda, nagnisa bilang pag-alala sa kanila.
11:15Si Melchor Cerevilla, emosyonal pa rin tuwing naaalala ang bagyo.
11:19Nakaligtas siya nang kumapit sa puno ng nyog, pero hindi nakaligtas ang kanyang apo.
11:25Kaya ang paalala ng lokal na pamahalaan, huwag kalimutan ang mga aral na iniwan ng trahedya.
11:52Lalo't isa na namang Super Bagyo ang nagbabadya.
11:56The government is prepared, but we cannot handle 200,000, 300,000 people.
12:04You yourselves have to be prepared. It's like 24 hours, 48 hours to prepare.
12:08Imagine, kailangan maglabas pa ako ng liqueur band, bakit?
12:12Eh may mga iba niyo, matitigas ang ulo eh.
12:15Kasabihin na, sir, malamig, kaya umiinom kami.
12:18Oh, ilan ang namatay ng mga lasing nung loyaranda. Ang dami na matay.
12:23Ang mga tagadulag sa Leyte, handa namang lumikas ulit kahit hindi patuluyang nakakabangon mula sa pananalasa ng Bagyong Tino.
12:31Malaking alo, hanggang kalsada. Takbuhan kami.
12:36Successive naman ang ano dito, pagyok. Hindi na ang pagkatiwalaan.
12:41Nagpulong na kahapon ang iba't ibang ahensya sa Eastern Visayas Region para paghandaan ang Bagyong Uwan.
12:48Iminungkahi nila ang preemptive o forced evacuation sa mga LGU.
12:56Pia, dito sa ating kinalalagyan sa Katbalogan City sa Samar Province, makulimlim ang panahon sa ngayon.
13:03Kagaya din sa ibang mga lugar dito sa Eastern Visayas ngayong araw.
13:06Samantala, sa probinsya ng Cebu naman na binaha dahil sa Bagyong Tino, nagsagawa na ang mga otoridad ng preemptive evacuation, lalo na sa mga high-risk na lugar.
13:18Pia?
13:19Maraming salamat, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
13:27Tumatawin sa intersection sa Uwas Albay ang puting pickup na yan, nang bigla itong salpukin ng isa pang pickup sa kabilang lane.
13:35Sa lakas ng impact, tumaob ang puting pickup. Ligtas naman ng dalawang driver.
13:41Sa lalawigan ng Aurora, kung saan inaasahan maglalandfall ang bagyo.
13:46Panayang paalala ng LGU sa mga residente na lumikas na.
13:50Maagad na rin na mahagi ng relief goods.
13:52At mula sa kasiguran Aurora, nakatotok live si Ian Brubus.
13:56Ian?
13:57Yes, Ian, may mga lumikas na at marami pang handang lumikas dito sa buong probinsya ng Aurora bago pa man dumating ang bagyong uwan.
14:07Sa panahon ng bagyo, iwasan po ang paglabas ng bahay sa kasagsalan ng bagyo.
14:14Marita na lamang kung inakailangan.
14:17Nagbandilyo ang mga taga-barangay ditale sa Dipakulaw Aurora para paalalahanan ang mga residente sa paglikas nali sa bagyong uwan.
14:25Ang kapitana mismo ang nangunang kumausap sa mga nakatira sa coastal areas, lalot may banta ng storm surge.
14:33Makakatakot po sir at yung pipito po, umabot po hanggang doon po sa may kubo namin po yung alon.
14:39Tsaka marami na pong mga sanga-sanga po ng kahoy.
14:44Sa barangay hall complex, naglagay na ng mahigaan ang mga residenteng lilikas.
14:50Siguro po, ganun sila, ganun kakabilis yung reaksyon nila sa mga kalabidad na dumadating.
14:55Kaya ready sila, inihanda nila yung mga sarili nila.
14:59Wala pa man ang bagyo, may tubig nang umaago sa National Highway sa bahagi ng Janet.
15:04Galing ito sa bundok at lumidiretso sa Pacific Ocean.
15:08Isang taga-barangay ang nag-aalis ng mga pinatangay na bato sa kalsada.
15:13Pinangambahan namang tataas pa ang tubig doon kapag lumakas na ang ulan at maaring hindi madaanan ang kalsada.
15:18Sa dinadyawan di Pakulaw, bakas pa rin ang matinding pinsalan ng bagyong pipito na nanalasa noong nakaraang taon.
15:37Sira pa rin ang kanilang covered court at isa pang court na donasyon sa kanila.
15:42Sana nga ay magawan na din. Unang-una ang kailangan po kasi namin ay ito pong mga covered court po na ito at yung mga evacuation center.
15:51Pera sa guest house ng barangay dinadala ang mga residente na lumilikas.
15:56Inaayos din ang ibang pasilidad.
15:58Natatakop po kami ngayon at gawa ng malakas nga po ang bagyo. Malapit po kami sa tabing dagat.
16:04Ayon kay Di Pakulaw Mayor Danny Tolentino na ibahagi ng lipgood sa mga barangay.
16:10Ayaw na nilang maulit na kapag dumating ang bagyo ay may ma-isolate na area at mahirapan silang dalha ng tulong.
16:17Inuuna po namin yung coastal na seven barangay.
16:21Tapos ito susunod, ito naman pong naiwan na itong adjacent barangay.
16:25Sapagkat po yung aming daan dyan, yung National Highway, ay laging nagkakaroon ng slide.
16:31Tapos nagkakaroon ng iyong paglaki ng ilog na hindi pa nalagyan tulay ng spillway.
16:37Lumalaki po yun, hindi kami makadaan.
16:40Sa bayan ng Dilasag, inalian na ng ilang residente ang kanilang mga bubong.
16:45Sa bayan ng kasiguran na isa sa mga bayang nasa hilagang bahagi ng Aurora,
16:49puspusa na rin ang pamamahagi ng relief goods.
16:52Bukod sa flash flood, pinaghahandaan din ang landslides.
16:56Nasi-separate ang amin kasi nasa dulo kami eh.
17:00Ang, yes, may tendency kasi na kapag na-landslide dyan,
17:04ang pwede lang na makarating sa amin is by dagat or plain.
17:08Biglang nanuntok ng baril ang rider na yan matapos magpakarga sa gasolinahan sa South Cotabato.
17:24Umaktong magbabayad ang rider pero imbis na pera, baril ang kanyang binunot.
17:31Tinutokan niya ang gasolin boy.
17:33Tinakay ng holda pero halos 20,000 pisong kita ng gasolinahan.
17:38Pagkatapos ito, mabilis siyang tumakas.
17:41Patuloy ang investigasyon ng polisya para matukoy ang pagkakakilala ng suspect.
17:47Mga kapuso, sensitibo po ang balitang ito.
17:50Hindi lang matinding ulan ang bumuhos sa mga nasalantanang bagyong tino sa Cebu.
17:55Sakit at hinagpis din ang inabot na mga namatayan gaya ng isang lalaki sa liluan na pilit isinalba ang nalunod niya misis.
18:04Ang madamdaming tagpong yan sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
18:08Sa pagtama ng bagyong tino noong Martes, umakyat sa bubung ang ilang residente para takasan ng kulay putik na bahang nagpalubog sa kanilang bahay sa Liloan, Cebu.
18:21Pero may mga hindi nakaligtas.
18:24Isa na riyan si Connie, misis ni Emanuel Estrera.
18:28Nakakadurog ng puso ang nagviral na tagpong kuha ng kanilang kapitbahay.
18:32Si Emanuel, pilit sinasalba si Connie.
18:35Kwento ni Emanuel, nag-aakyat sila noon ng mga gamit dahil pinasok na sila ng baha.
18:41Si Connie, binalikan pa raw sa kusina ang nilulutong almusal.
18:45Hanggang mabilis rumagasa ang tubig.
18:48Agad kinuha ni Emanuel ang dalawang anak nila para makaakyat sa bubung.
18:53Naiwan si Connie.
18:54Ang sabi ko na lang sa kanya, dapat makaabot siya ng kukisami para maabot niya yung hero namin para matupok niya,
19:01para makailalaman na may tao sa ilalim.
19:05Pagakit sa bubung, nagpasaklolo si Emanuel para masagip ang misis.
19:10Ayon sa kapitbahay na kumuha ng viral video ng mag-asawa,
19:13narinig nilang kumalabog ang bubung ng bahay ni Connie at sumisigaw na ito ng tulong.
19:18Pero mahirap baklasin ang kanilang bubung.
19:21Nagdaib ako, mga tatlong misis para makita ko yung misis.
19:25Tapos bangbat nakita ko na siya, pinulat na namin pataas.
19:28Nagpatulong ako kung sinong marunong mag-CPR kasi ako wala na, wala na akong lakas mag-CPR.
19:34Isang kapitbahay ang nagpresentang mag-CPR kay Connie pero...
19:38Nabihan niya ako na wala na talaga, wala na pulso.
19:41So hindi ako namayag na wala na kasi may milagro naman eh.
19:45So ako na lang doon hanggang mag-CPR, mag-CPR hanggang maghapon.
19:50Masakit na tinanggap ni Emanuel ang katotohanan, wala na ang kanyang kabiyak.
19:54Nang ma-rescue na sila, nakiusap siyang dalhin sa ospital ang asawa.
19:59Pero sa ilang ospital na inikot niya, walang Connie na na-admit.
20:04Sa huli, nakita na niya ang misis sa punirarya.
20:08May milagro naman eh. Kung hindi sila naman niniwala sa milagro, ako naniniwala.
20:13Kung hindi ako aalis sa asawa ko, kung hindi sila nagpaasa.
20:16Nakikituloy muna sa mga kaanak ang dalawang anak ni Emanuel.
20:20Nakaburol naman si Connie ang kanyang high school sweetheart,
20:24katuwang sa pagpundar ng kanilang bahay at pagbuo ng kanilang pamilya.
20:29Mission, mag-isa na lang niyang itataguyon.
20:32Dahil para kay Emanuel, si Connie walang kapalit.
20:35Ikaw lang ang mag-isa.
20:38Sabi ko, ikaw na ang simula at kapatapusin.
20:43So lahat ng mga pangarap natin, uuhin natin kasama yung mga baka.
20:47So, i-guide mo lang kami.
20:50Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
20:55Isasara muna ng ilang pasyalan at parke sa Baguio City sa Lunes, November 10, dahil sa Baguio Uwan.
21:07Mula sa Baguio City, nakatutok live, si Jonathan Randa.
21:11Jonathan.
21:14Ivan, signal number one kami ngayon dito sa Baguio City.
21:17Pero maaliwalas pa ang panahon, hindi kami inulan sa buong araw.
21:20Andito po ako ngayon sa Wright Park.
21:22Isa po ito sa mga tourist spots na posibleng isara na bukas ng hapon sa mga turista dahil sa Baguio Uwan.
21:28Kaya ang payo po ng city government sa mga turista na nandito ngayon,
21:32sulitin nyo na po yung pamamasyal nyo ngayong araw hanggang bukas ng umaga.
21:37Dahil bukas ng gabi hanggang sa Lunes,
21:39inaasahan na pong pinakamararamdaman ang Baguio Uwan dito sa Baguio City.
21:44Pinagtulungang alisin ang mga dambuhalang estatwang ito sa isang theme park sa Baguio City
21:54bilang pag-iingat sa hagupit ng Bagyong Uwan.
21:57Bagu-Uwan!
21:59Isa pa sa binabantayan sa pasyalang ito,
22:01ang banta ng landslide sa katabi nilang lote.
22:04Kaya posible raw silang magsara muna bukas ng hapon hanggang lumipas ang Baguio.
22:08Kung very severe po yung weather,
22:10we will be obliged to close our establishment for the safety of our tourists po.
22:17Sa Lunes, sarado na sa turista ang lahat ng pampublikong parke sa Baguio City.
22:21Pero posible ang bukas ng hapon pa lang isara na ang mga ito,
22:24gaya ng Mines View Park na marami pa rin bisita kanina.
22:27Hanggang Sunday morning, medyo maliwalas pa ang panahon.
22:31By afternoon, pwede na tayong bumay.
22:33Mahirap kasi, baka mas-randed tayo dito sa Baguio.
22:36By Sunday night until Monday morning, yun ang pinakahagupit talaga ni Typhoon Uwan.
22:42Pero si na Margaret kanina lang dumating.
22:44Sa Lunes pa sana uuwi, kasagsagan ng Baguio.
22:47Lakasan na lang po ng loob.
22:50Hindi na po muna kami tutuloy.
22:52Mag-estay na lang po muna kami dito.
22:54Sasuditin na namin ngayon, araw.
22:56Kasi bukas, may Baguio.
22:59Si Ami, na vendor sa Mines View,
23:02ibinabana ang mga halamang posibleng sirain ng Baguio.
23:05Meron yung mga nabubulok.
23:07Kasi sobrang tubig.
23:09Utang ulit ng ano, ng pangpuhunan.
23:12Dahil karamihan sa mga vendor dito ay residente rin ng Barangay Mines View,
23:15dito na rin nag-warning ang barangay sa paparating na Baguio.
23:19Meron po tayong darating na nalakas na Baguio.
23:23At maaaring ang barangay natin ang isa sa mga tatamaan nito.
23:27Wala pang inililika sa Baguio City.
23:30Isa sa magiging basihan ng evacuation ay kung tataas ang tubig sa lagoon sa Barangay Lower Rock Query.
23:36Pag umabot sa warning level ang tubig, preemptive evacuation na.
23:40Delikado rin sa Baguio ang mga landslide.
23:42Dalo pa yung mga lupang sakalang guguho kapag nakalagpas na ang bagyo.
23:45Yun yung talagang pinakabinabantay natin after 2-3 days after the typhoon.
23:50Doon nagbabagsakan yung mga lupa natin.
23:53Inabisuhan na rin ang mga kontraktor dito na isecure at itali ang mga ongoing construction nila para ligtas sa Baguio.
24:04Ivan, kakaanunsyo lang ng DPWH Cordelliera.
24:07Sarado na po ang Kennon Road sa lahat ng uri ng mga sasakyan simula po ngayon.
24:13Yung mga ligtas mula dito sa Baguio City, balik sa'yo Ivan.
24:16Maraming salamat, Jonathan Andal.
24:21Pinagpuputol na ng LGU sa Vigan, Ilocosur, ang mga punong posibleng mapatumba sa lakas na haindala ng bagyong uwan.
24:28Ang iba pang paghahanda sa Ilocosur sa live na pagtutok ni Rafi Tima.
24:33Rafi?
24:37Magang naghanda piya itong ating mga kababayan dito sa Ilocosur.
24:41Sa pagdaan nga nitong si Bagyong Uwan.
24:43At bagamat exit point lang itong lugar na ito, ay posibleng pa rin itong makapaminsala.
24:48Baha ang kanila inaabatan dito, basa na rin sa mga nakaraang bagyo.
24:55Kahapon pa lang nagsimula ng iakyat ng mga manging isda ang kanila mga bangka
24:59sa dalampasigan ng Barangay Fuerte sa bayan ng Kawayan Ilocosur.
25:02Rinakyat lang po namin kasi mayroon pong malakas po na bagyo na parating.
25:08Inabisuan ko po yung mga manging isda dito na huwag na po silang pumalaot.
25:12Nakaharap sa West Philippine Sea ang dalampasigan dito.
25:15Madalas daw talagang dito lumalabas ang mga bagyo pero kahit dumaan na sa kalupaan,
25:19malalaki pa rin daw ang alon habang paalis ang bagyo.
25:22Sa mga kalye ay papasok sa siyudad ng Vigan,
25:24pinagpaputol na rin ang mga kawanin ng lokal na pamahalaan
25:27ang mga punong posibleng mapatumba ng malakas na hangin.
25:30Ayon sa Ilocosur PDRRMO, malawakang pagbaha ang kanilang pinagahandaan.
25:35We have three major rivers.
25:38Ang huling malakas na bagyong egay noong 2023,
25:40pinabagsak ang lumang tulay na Old Quirino Bridge
25:42dahil bukod sa walang tigil na ulan,
25:44sumabay ang high tide na nagdulot ng pagbaha sa Vigan at mga kalapit na lugar.
25:48Natuto na yung mga karamihan sa mga residents natin dito sa Ilocosur.
25:53Handa na ang mga gamit pang rescue kabila ang mga truck at mga bangka.
25:57Ang sikat na kalikrisologo, kapansin-pansin kakaunti ang tao,
26:01bagaman Sabado.
26:02Ang pamilyangang ito, mula pampanga,
26:04balak pa sana mag-extend ang bakasyon dito.
26:06Dapat ba mag-extend kayo? Kaya lang may bagyo?
26:08Opo, opo. Nakakatakon din po.
26:12Ano ang gagawin niya ngayon?
26:13Uwi na po kami.
26:14Sa paglabas ng bagyong uwan posibleng sa pagitan ng Ilocosur
26:23at La Union ay umaasa mga taga rito na sana ay huwag nang sumabay yung high tide
26:29dahil ito ang posibleng magdulot ng malawakang pagbaha.
26:33Yan ang latest mula dito sa Ilocosur.
26:35Pia.
26:37Maraming salamat, Rafi Tima.
26:38May warrant of arrest na umanaw mula sa International Criminal Court
26:44si Senador Bato de la Rosa ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Rimulla.
26:49Pero ang ICC may paglilinaw sa impormasyon na bineberipika rin ng Justice Department.
26:55Nakatotok si J.P. Soriano.
26:58The ICC has issued a warrant against Sen. Bato de la Rosa.
27:03Warando Perez.
27:04Warando Perez.
27:05Ito ang anunsyon ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla.
27:08Sa kanyang programa sa radyo.
27:10Yan ba ay confirmed na ombudsman?
27:12I think so. I would say so.
27:14I have it in good authority.
27:16Na may nakipag-usap sa aking kadina.
27:19Si de la Rosa ang dating jepe ng Philippine National Police o PNP
27:23na nanguna sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
27:26na nakadetain sa The Netherlands para sa mga kasong crimes against humanity.
27:31Pero sabi ni ICC spokesperson Fadi L. Abdala,
27:36tanging sa official communications channels at press releases lang makikita
27:40ang mga ulat kaugnay sa ICC.
27:43Sa ngayon, walang anumang arrest warrant sa ICC website.
27:47Si Executive Secretary Lucas Bersamin sinabing wala pa silang natatanggap na opisyal na report
27:53pero maaari raw na naglabas na nga ng warat ng ICC at hindi ito dumaan sa Interpol.
28:00Wala pa rin daw natatanggap si Interior and Local Government Secretary John Vic Rimulla
28:05na red notice mula sa Interpol.
28:07Ang Department of Justice kumukuha pa rin ng impormasyon.
28:27Wala pa rin impormasyon ang kampo ng mga biktima sa pangunguna ni ICC Assistant to Council Christina Conti.
28:32Ayon sa abogado ni De La Rosa, wala silang independent confirmation kaungnay sa warrant ng Senado.
28:39Kung mapatunayan daw na totoong may warrant na ang ICC,
28:43nagtitiwala sila na ang gobyerno ng Pilipinas ay kikilos ng naaayon sa rule of law.
28:49Anumang aksyon ay kailangan mo na raw dumaan sa local judicial confirmation process
28:54sangayon sa konstitusyon ng Pilipinas, due process at sovereign rights ng Pilipinas.
29:00Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ni De La Rosa na nauna nang nagsabing hihingi siya ng tulong
29:06sa liderato ng Senado sakaling ilabas ang warrant laban sa kanya.
29:11Siniguro naman ni Sen. President Tito Soto na hindi nila papayagang arestuhin si De La Rosa
29:17sa loob ng Senado bilang bahagi ng institutional courtesy.
29:22Pero kung sa labas ng Senado mangyari, hindi na raw nila ito sako.
29:26Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
29:34Nakahanda na ang Valenzuela City na madalas bahayin dahil sa katabing ilog at creek
29:39para sa posibling epekto ng bagyong uwan.
29:42At mula sa Valenzuela City, nakatutok lang si Jamie Sampos.
29:46Jamie?
29:47Pia, naka-full alert status na ang lungsod ng Valenzuela dahil nga sa posibling malakas na ulan at hangid dulot ng bagyong uwan.
29:58Isa kasi ang Valenzuela sa madalas bahayin dahil nga sa katabing creek at itulyahan river.
30:03Evacuation centers sa Valenzuela City at maari itong buksan anumang oras para sa preemptive evacuation.
30:15Isa sa mga evacuation center ang Valenzuela City National High School kung saan nakahanda na ang mga gagamiting modular tent.
30:23Anytime soon ay mag-put up na kami ng mga pangunahing pangangailangan na mag-i-evacuate po sa ating mga schools na identified.
30:34Nakapreposition na rin ang mga rescue equipment tulad ng search and rescue mobile,
30:38ambulansya, rubber and fiber boots, knife vests at mga ilaw,
30:43pati waterproof drones at remote controlled rescue boat na kayang maghatid ng lifeline o flotation device kahit walang sakay na rescuer.
30:50What we have experienced last time, yung karina, talagang marami pong nanghingi ng tulong.
30:58Kaya po hindi dapat tumigil ang DRRMO sa pagdagdag ng mga kagamitan.
31:05Ganon din ang pagsagawa ng mga training sa community and ganon din ang pagdagdag ng mga skills training
31:12para sa mga tao na nagre-rescue sa mga nangangailangan.
31:15Ang Department of Health inactivate na ang National Public Health Emergency Operations Center o PHEOC
31:22na magsisilbing pangunahing command center para sa pagresponde mula nasyonal hanggang lokal na pamahalaan.
31:33Piyadito sa Valenzuela City, bukod nga sa kanilang search na mobile rescue equipment,
31:37nakaready na rin ang kanilang mga mobile kitchen.
31:39Naikarga na rito yung mga bigas at food packs na may papamahagi sa maapekto na hangbagyo.
31:44Suspendido na rin ang klase sa pampubliko at private schools dito nga sa Lungson.
31:50At live mula rito sa Valenzuela City, balik sa Yupia.
31:53Maraming salamat, Jamie Santos.
31:56Mga kapuso, tumutok po tayo at alamin ang latest sa Bagyong Uwan
32:00mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
32:03Amor.
32:05Salamat, Iban.
32:06Mga kapuso, lalo pang nadadagdagan na tumataas ang wind signals
32:09habang patuloy ang paglakas at paglapit ng Bagyong Uwan.
32:13Huling namataan ang Bagyong Uwan sa lahing 575 kilometers sa silangan po yan ng Katarma Northern Samar.
32:20At ito po, nakataas naman ngayon, ito po mga signals at unahin muna natin itong lokasyon.
32:25Again, yan po ay nasa 575 kilometers silangan ng Katarma Northern Samar.
32:30Tagayang lakas ang hangi na abot sa 150 kilometers per hour.
32:33At yung bugso naman nasa 185 kilometers per hour.
32:37Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
32:41Ayon po sa pag-asa, posible pa rin itong maging super typhoon maaring ngayong gabi o bukas kaya patuloy po kayong tumutok.
32:48Ngayon nakataas po ang signal number 3 dyan po sa Katanduanes.
32:52Eastern portion ng Camarines Sur, eastern portion ng Albay, ganoon din sa northeastern portion ng Sursogon at northeastern portion ng northern Samar.
33:00Nakataas naman ang signal number 2 sa eastern portion ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna at pati na rin sa Quezon.
33:12Kasama rin po dito ang probinsya ng Marinduque, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Albay at ng Sosogon at pati na rin ang Burias at Tikau Islands.
33:23Kasama rin po dito ang natitirang bahagi ng northern Samar, northern at central portions ng Samar at ganoon din ang northern at central portions ng eastern Samar.
33:34Ito naman nakataas po ang signal number 1 sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan, kasama ang Babuyan Islands, Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur at pati na rin sa La Union.
33:47Nasa ilalim rin ang signal number 1 ang Pangasinana, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Cavite, Batanga, natitirang bahagi po ng Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Calamian Islands at pati na rin ang Cuyo Islands.
34:02Kasama rin po dito ang Dinagat Islands, ganoon din po ito pong natitirang bahagi ng Samar, natitirang bahagi ng eastern Samar, Biliran, Lete, Southern Lete, Buhol, northern at central portions ng Cebu, Bantayan at Camotes Islands.
34:15At ganoon din ang northern and central portions ng Negros Occidental.
34:20At inaasahan po natin, kasama rin sa mga nasa ilalim niyan, ito pong bahagi ng northern portion ng Negros Oriental, Dimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique,
34:29at yung po tulad po na nabangit ko kanina, Dinagat Islands, Soligao del Norte, northern portion ng Agusan del Norte, at pati na rin ang northern portion ng Soligao del Sur.
34:39At mga kapuso, posibli pa po na madagdagan yung mga nasa ilalim ng wind signals at pwede pa pong umabot ang babala hanggang sa wind signal number 4 at signal number 5.
34:50Base po dito sa latest track po ng pag-asa, bukas lang umaga ay maaring dumaan malapit o dumikit itong bagyong uwan dito sa bahagi po ng Katanduanes.
34:59May chance rin na dito po mismo, unang tumama o mag-landfall ang bagyo kapag lalo pang bumaba yung track o yung paggalaw po nito.
35:07Saka nito tutumbukin naman itong bahagi ng Aurora o Isabella area bukas ng gabi o lunas ng madaling araw kung saan po ito, posibleng magkaroon din ang landfall.
35:16Pagkatapos po yan, ay tatawali naman po nito ang mga kabundukan dito sa northern Luzon.
35:22Bukas linggo mga kapuso hanggang sa lunes ang pinakakritikal na mga araw dahil ito po yung mas malapit na ang bagyo, magkakaroon po ng landfall at tatawid pa yan sa lupa.
35:33Bukod sa mapaminsalang hangin na dala ng bagyong uwan, paghandaan din po natin ang matitinding buhos ng ulana.
35:39Base nga sa datos ng Metro Weather, umaga pa lang bukas maulan na sa halos buong Luzon, lalong-lalong na dito sa Bicol Region, ganoon din sa Quezon, Aurora, pati po sa Cagayan at Isabella.
35:50Pag sapit ng hapon hanggang gabi, mas magiging malawakan po yung mga pag-ulana.
35:55Matitindi at walang tigil ang buhos ng ulan, dito po yan sa Bicol Region, ganoon din sa Northern and Central Luzon, Calabar Zone at pati na rin sa malaking bahagi po ng Mimaropa.
36:06Nagbabala na rin ang pag-asa sa lagpas 200mm ng ulan sa loob lang ng 24 oras, kaya napakalaki po ng bantanang baha o landslide.
36:15Dito naman sa Metro Manila, halos buong araw po ng mga pag-ulan din ang mararanasan, pero mas lalakas at lalawak po yung mga pag-ulan.
36:24Pag sapit yan ng hapon at sa gabi.
36:26Sa Visayas at Mindanao naman, umaga, may mga malalakas sa ulan sa Samar and Leyte Provinces, ganoon din dito sa ilang bahagi po ng Cebu, Bucol, Western Visayas at sa Negros Island Region.
36:37May ulan din dito sa Zamboanga Peninsula, pati na rin dito sa bahagi ng Barm.
36:42Halos ganito rin po sa hapon at may mga malalakas sa mga pag-ulan din sa ilang lugar, kaya dobling ingat.
36:48At mga kapuso, nananatili rin po ang bantanang storm surge na posibili pong umabot ng hanggang siyam o sampung talampakan,
36:56lalong-lalo na po sa mga dadaanan ng bagyong uwan.
36:59Kaya patuloy po kayong tumutok sa ating updates.
37:01Yan ang latest sa ating panahon. Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
37:12At yan po ang mga balita ngayong Sabado para po sa mas malaki misyon at mas malawak ng paglilingkod sa bayan.
37:18Ako si Pia Arcangel.
37:19Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
37:25Nakatuto kami 24 oras.
37:31Nakatuto kami 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended