00:04Malayo pa, pero malayo na.
00:07Pinaniniwalaan kasing naabot na ng spacecraft na Voyager 1
00:11ang distansya na One Light Day.
00:14Kung gaano yan kalayo ating saksihan.
00:21Kung pabilisan ang usapan, wala nang mas bibilis pa sa liwanag.
00:27Kung pagkukumparahin, aabutin ang tatlong araw ang isang spacecraft para makalapit sa buwan.
00:34Pero ang liwanag na nire-reflect ng buwan mula sa araw,
00:37inaabot lang ng mahigit isang segundo para makarating sa planet Earth.
00:42Kaya ang sukatan ng malalayong distansya sa outer space
00:46ibinabase sa distansyang kayang abutin ng liwanag sa loob ng isang taon
00:52o ang tinatawag na light year na katumbas ng mahigit siyam na trilyong kilometro.
00:58Pero kahit tila imposibleng maabot ang ganyang kalayong distansya para sa sangkatauhan,
01:03may ipinagbubuni sa mundo ng siyensya.
01:06Dahil pinaniniwalaang naabot na ng isang bagay na likha ng tao
01:10ang layo ng isang light day o katumbas ng 26 billion kilometers mula sa ating planeta.
01:19Yan ang Voyager 1 spacecraft ng NASA.
01:22Inilaunch noong 1977 gaya ng kambal nitong Voyager 2
01:26at halos limang dekada nang naglalakbay sa kalawakan sa bilis na 61,000 kilometers per hour.
01:34Target noon ang Voyager 1 na makakuha ng impormasyon mala sa Jupiter at Saturn.
01:40Ang Voyager 1 din ang kumuha ng kilalang larawan noong 1990 na Pale Blue Dot
01:45kung saan ang Earth, isang maliit na tuldok lang ng liwanag.
01:49Ito rin ang nasa liko ng tinawag ng NASA na Family Portrait,
01:53ang series ng 60 larawan kung saan kita ang mga planeta sa solar system.
01:59Nagpatuloy pa ang biyahe nito sa interstellar space.
02:02At batay sa kompytasyon ng National Aeronautics and Space Administration o NASA,
02:07naabot na nito ngayong araw ang One Light Day,
02:11ang pinakamalayong distansyang naabot ng isang human-made object sa kalawakan.
02:17Bilang selebrasyon sa bagong milestone ng Voyager 1,
02:20isinagawa ang Shine Bright for Voyager,
02:24kung saan ang mga nag-abang,
02:25nagpairaw ng flashlight na may Morse code na VGR,
02:29ang callsign para sa Voyager.
02:32Inaabot ang isang araw bago makapagpadala ng signal ang Voyager 1 sa planet Earth.
02:36Kaya sa webbos pa matitiyak ng mga siyentipiko kung naabot na nga nito ang distansyang One Light Day.
02:43Pero hindi forever makapagpapadala ng komunikasyon ng Voyager sa daigdig.
02:48Ayon sa Jet Propulsion Laboratory ng NASA,
02:51kaya na lang ito magpadala ng signal sa loob ng tatlo hanggang apat na taon.
02:55Ang mahalagang yugto, patunay lang na gaano man kalawak ang kalawakan,
03:02patuloy ang pag-asam ng mga tao na malaman ang mga bagay na di pa natutuklasan.
03:09Ako si EJ Gomez, ang inyong saksi.
03:12Ako si EJ Gomez, ang inyong saksi.