Skip to playerSkip to main content
Binatikos ng ilang eksperto at mismong mga residente ng Pag-asa Island ang pahayag ni Senador Rodante Marcoleta na tila isinusulong ang pamimigay sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea dahil wala raw ito sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sagot naman ni Marcoleta... hindi niya sinabi 'yon at pinaiikli raw ang konteksto ng kaniyang mga pahayag.
May report si Joseph Morong.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Binatikos ng ngayong eksperto at mismo mga residente ng Pagasa Island,
00:04ang pahayag ni Sen. Rodante Marculeta,
00:06na tila isinusulong ang pamimigay sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea
00:11dahil wala raw ito sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:15Sagot naman ni Marculeta, hindi niya yun sinabi
00:18at pinayikli raw ang konteksto ng kanyang mga pahayag.
00:22May report si Joseph Moro.
00:23Sa West Philippine Sea, matatagpuan ng Kalayaan Island Group na sakop ng probinsya ng Palawan.
00:32Pinubuo ito ng 7 isla kabilang ang Pagasa Island.
00:35Meron din itong dalawang bahura.
00:37Sa land area na mahigit 88 hectares, ito ang pinakamalaking munisipalidad sa Pilipinas.
00:43Halos 400 na nakatira sa Pagasa Island na may isang barangay.
00:47Ang buhay ng mga dagapag-asa hindi nalalayo sa buhay ng maraming Pilipino
00:51na nakatira malapit sa dagat.
00:53Pero sila araw-gabing nakaharap sa banta ng mga barko ng China na abot anaw lamang.
00:59Kaya ang pahayag ni Sen. Rodante Marculeta nitong miyerkulis,
01:02Ano ba talaga ipagpapatayan natin dito?
01:06We will offer our lives, including the lives of our children,
01:09and to die for it for something that is not even within our EEC?
01:15Ang gawin natin po para madali, i-give up natin yung KIG.
01:18Hindi nagustuhan ng mga tagapag-asa.
01:21We take offense for what he has said.
01:24Kasi parang anong silbe nung bayan namin,
01:28anong silbe nung mga magigiting may mga maya namin,
01:31na kumbaga they have already given up yung greener pastures elsewhere in the country
01:39just to stay there, being their kids, para gampanan yung provision sa PD-5096,
01:47yung effective occupation and control.
01:50Isang resolusyon ang isusulong sa sangguniang pambayan sa Kalayaan sa Palawan
01:55sa susunod na linggo para ipatanggal sa record ng Senado
01:58ang mga sinabi ni Sen. Rodante Marculeta.
02:02Binatikos din ang pahayag ni Marculeta ng ilang maritime law expert.
02:05Kinilala na nga at lahat, tapos sasabihin mo, ipapamigay mo?
02:09I mean, anong klaseng kahibangan yan?
02:13You're following the Chinese position.
02:16Dapat mag-register ka as a foreign agent.
02:19Okay.
02:20Kasi you are echoing the position of China.
02:25Paglilinaw pa ng mga eksperto,
02:27hindi naman EEZ o Exclusive Economic Zone
02:30ang batayan kaya teritoryo ng Pilipinas
02:32ang Kalayaan Group of Island.
02:34Ang sinasabi nila na parang ang pinapalabas nila
02:37ay kiniklaim natin ng Kalayaan Island Group
02:39dahil parte siya ng Exclusive Economic Zone.
02:42Mali po yun.
02:43Kaya atin yan ay matagal na nating na-occupy yan
02:46at trinato bilang parte ng ating bansa.
02:50Membro ng kongres si Marculeta yung pinasayan.
02:54So dapat alam niya,
02:56the West Philippine Sea refers to our maritime zones.
03:00Ang maritime zones natin, 200 nautical mile
03:03from our archipelagic basin
03:06plus the territory of our islands outside the 200 nautical mile.
03:13Klaro yun.
03:15Ibasahin niya lang yung batas.
03:18Ang Malacanang iginit na walang isusukong teritoryo ang Pilipinas.
03:22Ipagpapatuloy po ng Presidente ang kanyang polisiya
03:26na ipaglalaban natin even an inch of our territory
03:30ay hindi po natin isusurrender sa anumang foreign powers.
03:35Ediniin naman ngayon ni Marculeta na hindi niya sinabi
03:38na ipamigay ang Kalayaan Island Group.
03:41Sabi ng Senador,
03:42sadyang pinaiikli ang konteksto ng kanyang sinabi
03:44sa pagdinig ng Commission on Appointments.
03:47Ayon kay Marculeta,
03:48sinabi niya na para maisama sa International Hydrographics Organization
03:52o IHO ang West Philippine Sea
03:54ay kailangan magdeposito ng mapa sa United Nations
03:57para ipaalam sa buong mundo
03:59na inaangkin natin ang bahagi ng high seas
04:02kabilang ang Kalayaan Island Group.
04:04Sinabi niya raw na hindi yan pwede
04:06dahil paglabag ito sa own clause
04:08maliba na lamang kung isusuko ang Kalayaan Island Group
04:11para maresolba ang issue.
04:14Joseph Morong,
04:15nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:18Sous-titrage Société Radio-Canada
04:22Sous-titrage Société Radio-Canada
04:23Sous-titrage Société Radio-Canada
04:24Sous-titrage Société Radio-Canada
Comments

Recommended