00:00Magditude 6.9 ang lindol na nagpadapa sa Hilagang Cebu.
00:30Isa sa pinakamalubhang apektado ang Bugos City, na pinakamalapit sa sentro ng Pagyanig.
00:49Wasak ang maraming gusali. Punit ang mga kalsada.
00:55Ang mga residente, balot pa rin ng takot at pangamba.
01:02So dito sa bahay ng Bugo, lahat ng mga barangay, 29 barangay, ay affected ng paglindol.
01:09At sa pinaka-poblasyon, makikita natin yung extent ng damage.
01:14Marami sa mga structures na ito ay mga sementado.
01:17At nakikita nga natin na nagkanda pitak-pitak ang marami sa kanila.
01:22So bukod sa walang kuryente, hindi pa talaga makabalik ng bahay ang mga kababayan natin dito dahil sa delikado.
01:28Baka magkaroon pa ng aftershocks.
01:30Nangyari itong lindol na ito sa panahon na matinding pinag-uusapan yung ating mga public works, yung ating infrastructure.
01:47So itong kalsada na ito, klaro na na-damage siya dahil sa lindol, pero may mga parts din na mukhang matagal nang nasira.
01:54At kapansin-pansin kung titinan mo yung bitak na ito halimbawa.
01:58Sa lahat ng mga crack na nakita ko, wala akong nakita na kahit na anong reinforcement na bakal.
02:07So isa ito sa mga madalas na tinitingnan dahilan kung bakit marami sa mga istruktura natin, mapakalsada o mga flood control project ay madaling masira.
02:29Hindi pa raw nakararanas ng malakas na lindol ang mga kababayan natin sa lugar na ito.
02:37Pagyanig.
02:43Grabe ang pagyanig.
02:45Pagyanig.
02:46Oo. As in, ang yanig niya. First time pa namin na try to ganito eh.
02:51Kahit na ano, at my age, ever since. Ngayon lang talaga.
02:55Nagkalindol dito?
02:56Oo na, grabe. Yung sabo, nakadama kami dito.
02:59Mahina lang.
03:00Oo, mahina lang. Katulad that one.
03:07Tila malayo pa ang kanilang lalakbayin bago muling makabangon.
03:12Hindi ko alam, hindi ko alam anong gagawin saan mag start.
03:17Kasi yung sa tindahan din namin, dun yung first income talaga.
03:23Nasira din.
03:25Hindi ko talaga alam kung saan kukuha talaga.
03:35Halos mo lang.
03:36Tapos ang hirap po hirap pa ngayon.
03:40I just try to keep myself strong, pero mabagsak talaga ako na talaga.
03:53Marami pang bayan ang patuloy na nagdurusa at nagluluksa pagkatapos ng lindol.
03:59Sa Daanbantayan, isang istruktura ang mahigit isang siglo ng nakatayo, ang nawasak at halos tuluyan ng gumuho.
04:13Ito yung simbahan ng Daanbantayan, yung Shrine of Santa Rosa de Lima.
04:18Nasira nung lindol, bumagsak itong buong harapan niya.
04:25So, 167 years old na itong simbahan na ito.
04:28Dati na rin nasira nung Bagueng Yolanda, natuklap daw yung bubong.
04:33Pero ngayon, ito na siguro yung pinakamatinding pinsala na inabot niya, sabi ng mga tao dito.
04:42So, malaking challenge ito kung paano siyang i-re-restore dahil sa malaking bahagi siya ng buhay ng komunidad.
04:48Sa San Remigio, bumuka ang lupa sa gitna ng mga bahay sa isang bukit.
05:06Ako ba yung lamubog?
05:11Ah, lalim pala.
05:14Ay, laki.
05:15So, ito ay isang dambuhalang sinkhole na lumitaw dito sa San Remigio pagkatapos ng lindol.
05:25Halos kainin na itong bahay na ito.
05:27Kung titignan natin yung bato, yung puti na yan, parang indikasyon na gawa sa limestone itong paligid.
05:36Kaya posibling mahina na yung bato dahil sa ulan o sa ground water.
05:45At dahil sa pag-uga, eh, tuluyan na itong lumubog.
05:48Mula dito sa kinatatayuan ko, di ko na makita yung pinakailalim niya eh, pero talagang malalim.
05:55Saan man tumingin, daang-daang pamilya ang sumisilong sa mga trapal.
06:04At naghihintay sa tabi ng kalsada para maabot ng tulong.
Comments