Skip to playerSkip to main content
Ipinalit ng pangulo si dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa komisyong nag-iimbestiga sa mga flood control project.


Nag-resign si Magalong dahil nalabuan umano sa posisyon dahil adviser lang siya at hindi investigator.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinalit ng Pangulo si dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa komisyong nag-iimbestiga sa mga flood control project.
00:11Nag-resign si Magalong dahil nalabuan umano sa posisyon dahil advisor lang siya at hindi investigator.
00:19Ang paliwanag ng palasyo sa pagtutok ni Ivan Mayrina.
00:52Ipinala lang po ng Pangulo ang naging desisyon po ni Mayor Magalong.
00:57Kinikilala naman po ng ating Pangulo ang kagalingan ni Mayor Magalong.
01:02Pero si Mayor Benjamin Magalong nalalabuan.
01:05Shin-hare niya mga kumakalat na pakahayag ni Palace Press Officer Claire Castro.
01:10Sa unang anunsyo kasi special advisor at investigator ang posisyon niya.
01:15Special advisor and who will act as investigator for the ICI.
01:19Pero kalaunan.
01:21Iliwanagin po natin ang pagtalaga po sa kanya ng Pangulo ay bilang special advisor at hindi po lead investigator or in any other form na pag-iimbestiga.
01:32Hirit ni Magalong. Kung ganito ang clarity, baka next month, kayo nang humusga.
01:38Pero si Castro nanindigang itinuwid na ng Pangulo ang naunang anunsyo dahil hindi nagbiti po si Magalong bilang Baguio City Mayor.
01:45Noong hindi po nag-resign si Mayor Magalong bilang mayor, sinabi po ng Pangulo na ang kanyang magiging papel ay special advisor.
01:58He refused to resign as mayor of Baguio.
02:04So with that, nakita po ng Pangulo ang maaaring maging conflict.
02:08Sa kanyang pahayag noong biyernes, sinabi ni Castro na ipinag-utos ang Pangulo ang pag-review sa pananatili ni Magalong sa ICI
02:15dahil sa punan ng ilan sa posibleng paglabag sa konstitusyon at gayon din ang duda sa kanyang independence bilang bahagi ng ICI.
02:23Pero giti Magalong, walang conflict of interest sa kanyang papel sa ICI at pagiging mayor kaya siya nagbitiw.
02:30Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended