Skip to playerSkip to main content
Arestado ang dalawang lalaki dahil sa magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw sa Marikina.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arrestado ang dalawang lalaki dahil sa magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw sa Marikina.
00:06Nakatutok si EJ Gomez.
00:11Nakaupo at nakaposas.
00:13Ang lalaking yan matapos arrestuhin ang polis siya
00:16dahil sa panluloob umano sa isang condominium unit sa barangay Santo Niño sa Marikina City nitong linggo.
00:23Sakay ng motorsiklo ang sospek, nang direk-diretsyo lang daw pumasok sa gate ng kondo.
00:28Nagpatay mali siya na hindi niya talaga nag-stop doon sa guard natin para magpa-check.
00:34Kaya itong mga guard natin, immediately sinundag nila yung lalaki na damaridiretsyo doon sa second floor.
00:42Base sa investigasyon, persahan daw sinira ng sospek ang pintuan
00:46para makapasok sa isa sa mga unit sa ikalawang palapag ng gusali.
00:50Pagmamayari daw ito ng 64 anyos na dentista.
00:54Wala pong tao doon sa lugar kaya talagang ginamitan niya ito ng screw
00:59para mabuksan may pwersa talaga.
01:02Kaya doon na siya nakita nung palabas na po siya sa isang room
01:05at yun nga po may bit-bit siya na ecobag na may mga laman.
01:08Wala siyang may pakita ang mga ID or pag-ahilanlan na siya ay residente doon.
01:13Nakumpis ka sa sospek ang isang airsoft pistol at airsoft gas canister.
01:18Gayun din ang isang patalim at ginamit na screwdriver.
01:20Na-recover din sa kanya ang mga ninakaw na items na abot sa mahigit
01:25labimpitong libong piso ang halaga.
01:27Kabilang ang ilang gadget, pati portable hand at neck fan.
01:31Sasampahan siya ng reklamong robbery.
01:34Magbabayaran ko na lang po yung kasinanan ko.
01:36Napag-alaman ng Marikina Police na ang motorsiklong ginamit ng sospek
01:40nakaw din pala.
01:42Pagmamayari daw ito ng isang taga Quezon City
01:44at ninakaw ito nito lang Desyembre ayon sa polis siya.
01:47Ginamit din umano ang motorsiklo sa isang insidente ng pagnanakaw sa Paranaque.
01:53Wala siyang pahayag kaugnay niyan.
01:56Sa records ng polis siya, nakulong na ang sospek noong 2023 at 2024
02:00dahil sa robbery at kasong paglabag sa Motorcycle Crime Act.
02:05Isang lalaki ang inaresto rin ng polis siya
02:07dahil sa pagnanakaw umano sa isang auto shop sa barangay Marikina Heights nitong linggo.
02:13At dito nga po ay bigla niyang kinuha na walang pasentabe sa mga may-ari
02:20ang isang battery, car battery po.
02:24Nakita po siya ng isang katiwala dun sa lugar.
02:27Narecover sa sospek ang ninakaw na baterya na halos 3,000 piso ang halaga.
02:33Itinanggi ni Alias Josh ang pagnanakaw.
02:36Hinihintay lang daw niya noon ang kanyang mga kaibigan malapit sa auto shop
02:40para maglaro ng basketball. Aniya, pinagbibintangan lang siya.
02:45Hindi ko po talaga nagawa yun.
02:47Siguro ba may galit sa inyong nagka-complain po.
02:52Mambingla po dumating yung tatlong kasamahan nila mami
02:55tapos bigla ako po yung tinuturo nila na kumuha po ng battery doon.
03:00Naharap sa reklamong theft ang sospek na nakaditing sa custodial facility
03:04ng Marikina City Police Station.
03:07Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended