Skip to playerSkip to main content
Magbibitiw na sa ICI si Commissioner Rossana Fajardo sa pagtatapos ng taon. Dahil isa na lang ang matitirang miyembro ng ICI, ano ang mangyayari sa imbestigasyon sa flood control scandal?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00Magbibitiw na sa ICI si Commissioner Rosana Fajardo sa pagtatapos ng taon.
00:11Dahil isa na lang ang matitirang miyembro ng ICI,
00:14ano kaya ang mga yari sa investigasyon sa flood control scandal?
00:18Nakatutok si Joseph Moro.
00:21.
00:21.
00:22.
00:22.
00:23.
00:23Efektibo, December 31, 2025,
00:26bibitiw na mula sa Independent Commission for Infrastructure or ICI
00:29si Commissioner Rosana Fajardo.
00:32Sa isang pahayag, sabi ni Fajardo, tapos na raw ang kanyang trabaho sa komisyon.
00:37Nakapagbuo raw siya ng mga paraan para sa pangangalap ng mga ebidensya
00:41na nagbigay daan para sa mga rekomendasyon para pagbutihin
00:44ang pagbabudget at procurement kaugnay sa mga infrastructure projects.
00:49Naniniwala daw si Fajardo na lilipat na ang investigasyon at pag-uusig ng mga kaso
00:53sa Department of Justice sa DOJ at Ombudsman
00:56na nasa mas maganda raw na posisyon para matiyak ang pananagot ng mga kontraktor
01:01at mga opisyal ng gobyerno.
01:03Ang ipinapanukalang mas permanente at mas makapangyarihang komisyon
01:07nakapalit ng ICI,
01:09ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption o ICIAC
01:13at Independent People's Commission o IPC
01:16ang mas efektibong makatutulong daw sa ombudsman para may mapanagot.
01:20Sa pagbibitiw ni Fajardo, tanging ang chairman nito na si Justice Andres Reyes Jr. na lamang
01:26ang natitira sa apat na orihinal na miyembro ng ICI
01:30na itinalaga ng Pangulo para imbestigahan
01:33ang mga maanumalyang infrastructure project nitong Setiembre
01:36na ano nang nagbitiw si dating DPWA Secretary Rogelio Simpson noong December 4.
01:42September naman, nagbitiw sa pwesto ang orihinal na special advisor ng komisyon
01:46na si Baguio Mayor Benjamin Magalong.
01:49Sabi ni Reyes, natural daw ang pagbibitiw ni Fajardo
01:52dahil time-bound o may taning talaga ang mandato ng ICI
01:55para mangalap ng ebidensya, datos at maghain ng mga maaaring pagbabago.
02:00Ayon pa kay ICI chairman, Justice Andres Reyes Jr.
02:04sa pagbibitiw sa pwesto ni Commissioner Fajardo,
02:07tututukan nila ang pagsasapinal na mga hawak nila
02:10para maisumintin na ito sa ombudsman
02:12para mapalakas ang mga kasong isasampa nito sa korte.
02:15Tuloy pa rin daw ang pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya
02:19at magsusumente sila ng pinal na rekomendasyon.
02:22Kinilala ng Malacanang ang naging papel ni Fajardo sa ICI.
02:26Pero hindi pa raw tapos ang laban ng administrasyon laban sa korupsyon
02:30at patuloy pa rin daw ang pag-iimbestiga
02:33kasama ang ibang investigative bodies.
02:36Ang DOJ nagtitiwala na itutuloy pa rin ang ICI ang mandato nito
02:40pero bukas din daw ang DOJ sa pagbubuo ng mas permanenting komisyon.
02:45Pero para sa ilang mababatas tulad na mamamayang Liberal Partners
02:48Rep. Leila de Lima na author ng pagbubuo ng ICAIC
02:52sa pagbibitiw ni Fajardo parang katapusan na rin daw ng ICI.
02:57Dapat daw kasi ay may ICAIC na.
03:00Si Senate President Tito Soto sinabing ang mga investigasyon daw
03:03tulad ng ginawa ng ICI ay makapagbibigay na ng sapat na findings
03:07para sa DOJ at ombudsman para ipagpatuloy nito
03:11ang pagsasampa ng kaso laban sa mga guilty.
03:14Makatutulong daw ang panukalang batas na magtatatag sa IPC
03:18para sa mga susunod na investigasyon.
03:21Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong,
03:23nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended