Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lusot na sa Committee ng Senado ang Anti-Political Dynasty Bill
00:04kung saan babawalan ang magkakaanak na sabay-tatakbo sa national o sa local position.
00:10Hanggang second degree of consanguinity at affinity ang babawalang magsabay
00:15base sa kahulugan ng political dynasty nang ipinasah sa Committee Report.
00:20Ibig sabihin, bawal sa isang kandidato na may kasabay siyang tatakbong mga magulang at kapatid,
00:26pati asawa o live-in partner, anumang kasarian,
00:29basta nagsasama sa isang bubong at nagpapakilala bilang couple,
00:34pati mga anak, legal man o hindi, kabilang ang ampun.
00:38Sa national position o sa local position, sa loob ng parehong probinsya, distrito o lungsod sila bawal,
00:44pero pwede kung hiwalay sa national at local.
00:48Labing dalawang senador na miembro ng kumite ang kumirma sa Committee Report,
00:52kabilang ang may mga kaanak sa politika.
00:55Isinalang na rin sa plenaryo ng Senado ang Anti-Political Dynasty Bill.
Comments

Recommended