Skip to playerSkip to main content
  • 10 minutes ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong April 1, 2026


- Ilang pasahero, maagang pumila sa mga bus terminal sa Cubao para makakuha agad ng ticket | Mga biyahe papuntang Ilocos, La Union, Abra, Camarines Norte, Camarines Sur, at Albay, fully-booked na
- Pila ng mga pasaherong wala pang ticket sa Batangas Port, mahaba na | Ilang pasahero, hirap sa bagong sistema na kailangang mag-scan ng QR code at mamili ng mga biyahe
- Mga magbabakasyon sa mga probinsiya at ibang bansa ngayong Semana Santa, patuloy ang pagdagsa sa NAIA 3 | Matagal na pagpila sa check-in counter, inirereklamo ng ilang pasahero | Mga biyahero, inaabisuhan na i-verify muna ang kanilang terminal assignment bago pumunta sa airport | DOTr: Passenger service charge at airline landing and take-off fees, babawasan epektibo ngayong araw
- Paalala ng DILG at PCG ngayong Holy Week Break: Huwag lumangoy kung nakainom | Mga turista sa Boracay, dumarami na; mahigit 19,000 ang mga turista as of March 28, ayon sa Malay LGU | PCG: Mas kaunti ang mga nagbabakasyon sa Boracay ngayon kaysa noong 2025; epekto ng napakamahal na produktong petrolyo | Taas-pasahe sa mga sasakyang pandagat papuntang Boracay, ipatutupad sa April 16 | Paalala ng Malay, Aklan LGU sa mga negosyante: Huwag sobra-sobra ang pagtaas ng presyo ng mga paninda
- Baguio City LGU: Bilang ng mga turista, nangalahati ngayong taon kompara noong Holy Week 2025 | Sistema ng pagpapalitrato sa "Lion's Head," inaayos para hindi makasagabal sa trapiko


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
01:31Si JM nag-leave na sa kanyang trabaho para maagang makauwi sa Uminggan, Pangasinan.
01:36Baka marami ng tao mamaya.
01:38Susulitin niyo na rin yung vakasyon niyo.
01:39Oo.
01:41Kailan po mayroon?
01:42Kaya na, Sunday lang.
01:43Fully booked na ang biyahe patungong Ilocos, La Union at Abra ngayong araw.
01:47May extra bus na mga masasakyan ng mga chance passenger.
01:50Dagsari ng mga pasahero sa bus terminal na ito na ang biyahe ay pabikot.
01:54Si Mayra at kanya mag-ama galing pang Santa Maria, Bulacan.
01:57Ngayon lang sila ulit uuwi sa Labo Camarines Norte matapos ang dalawang taot.
02:02Halos pitong oras ang hinintayin nila bago makakuha ng tiket.
02:05Sobrang hirap po kasi magdamag.
02:07Paano niyo susulitin yung vakasyon niyo?
02:09Hindi nga sulit, isaglit lang eh kasi may pasok.
02:11Ganyan din ang sitwasyon na mag-anak ni Raymond.
02:14Na walong oras naghintay para na makakuha ng tiket.
02:17Kasama niyang uuwi sa Lopez Quezo ng kanyang asawa at dalawang anak.
02:21Nag-leave na ang mag-asawa sa kanilang trabaho.
02:24Napakahirap po kasi sobrang init.
02:27Panahon.
02:28Kasi akala po namin, ano eh, kunti lang yung pasayero ngayon.
02:32Yung pala, mas marami po ngayon.
02:33Pare-parehas ang mindset namin.
02:35Fully book na ang biyahe ng mga air-conditioned buses na patungong Camarines Norte.
02:39Camarines Sur at Albay hanggang April 4.
02:46Sa matala, Ivan, ito nakikita niyo.
02:47Ito yung sitwasyon sa isang bus terminal dito sa Cubao.
02:50Marami-rami po yung mga pasahero na naghihintay na masasakyang.
02:53Katunayan, nabawasan na po yan dahil yung ilang mga pasahero na nakapanayam natin
02:57ay nakasakay na po pasadola sa isang umaga at umalis na yung bus dito.
03:01Pero pagsisiguro naman po ng pamunuan ng bus terminal,
03:03ay makakasakay po itong mga pasahero na ito at may mga ekstra buses naman po sila.
03:08Yun nga lang, hintayan talaga na matagal sa pila.
03:11Katunayan, simula kagabi po hanggang kaninang madaling araw
03:13ay umabot na sa 6 na bus.
03:16Mga ekstra buses yun yung bumiyahe mula sa bus terminal na ito patungo sa Bicol.
03:20Yan muna ilitas, mula po rito sa Caboza, Quezon City. James Agustin, GMA News.
03:26Hirap sa online registration assistance system, may ilang pasahero sa Batangas Port.
03:31Bahaba naman ang pila ng mga pasahero na wala pang tiket.
03:34At may unang balita live si Bam Alegre.
03:38Bam!
03:42Ivan, good morning. Merkoles Santo. Ito ang sitwasyon dito sa Batangas Port.
03:45Mahingitan ninyo sa ating likuran ay mas marami na yung mga pasahero
03:49at mas marami na rin yung nakapila dito sa Oras Pass.
03:57Dito sa loob ng Batangas Port, yung mga pasahero na wala pang tiket,
04:00kailangan nilang pumila dito sa help desk kung wala silang online data.
04:05Pero on their own, pwede naman nilang aregluhin itong Oras Pass na ito
04:09by scanning a QR code.
04:11Pero yung iba kasi, walang mobile data at hindi rin techie.
04:13Kaya kailangan magpa-assist dito sa mga personnel ng PPA para sa Oras
04:17o kaya tinatawag na online registration assistance system.
04:22Pag nakalampas sila sa phase na ito, sigurado naman na kasi yung biyahe.
04:26At yun nga alam, may konting hintay.
04:28Pero naninibago pa rin ng ilang pasahero sa sistema nito
04:31na kailangan pang mag-scan ang QR code at mamili ng mga biyahe.
04:34Kaya pakinggan natin yung pahayag ng ilan sa ating mga nakapanayam na mga pasahero.
04:41Medyo hassle kasi dati ano na lang ng ticket eh.
04:45Medyo hindi ko pa siya kabisado since doon naman ako nagkatrabaho.
04:48Okay.
04:49Hindi ko pa siya masyadong damay.
04:51Makakap ka niyemago po kasi mag-online pa.
04:54Dati hindi na magkanayam.
05:02So Ivan, ayun naman, pagkatas nga naman yung pila na ito ay sure naman na may biyahe sa kanila.
05:07Ayon sa pamunuhan ng Batangasport kahapon, Martesanto, 15,000 ang foot traffic.
05:13Ito'y malayo doon sa nakaraang taon na 27,000 ang tao na nagpunta rito sa Batangasport.
05:19Ngayong umaga naman, Merkolesanto, ang foot traffic natin ay nasa 4,000.
05:25Ito ang unang balita mula rito sa Batangasport.
05:27Balik sa inyo, Ivan.
05:29Maraming salamat, Bamalegre.
05:32Inireklamo na ilang pasahero may biyahe pa probinsya o abroad.
05:35Ngayong Semana Santa ang matagal na pagpila sa check-in counters ng Naiya Terminal 3.
05:40Update tayo sa situsyon doon sa unang balita live ni EJ Gomez.
05:44EJ.
05:49Ivan, good morning.
05:50May mga kapuso nga tayo na ngayong araw pinili bumiyahe at nandito ngayon sa Naiya.
05:56May mga papunta ng probinsya at ibang bansa para magbakasyon ngayong Semana Santa.
06:05Bumiyahe mula Batangas patungong Naiya sa Pasay City ang Sarmiento family kaninang madaling araw.
06:11Sa Palawan daw ang flight nila para doon magbakasyon ngayong Holy Week.
06:15Dapat nga raw ay sa Dubai sila lilipad para doon mag Semana Santa.
06:19Pero dahil sa gyera sa Middle East, local trip na muna sila.
06:23El Nido at Puerto Princesa sa Palawan.
06:26Kasi po never pa po kami nakapunta doon.
06:29Super excited.
06:31Tapos excited po kami pumunta sa mga beaches.
06:36Mag beach hopping ata.
06:40Tapos may city tour din kami.
06:44Mula naman sa Laguna ang pamilya Serneo.
06:46Ang kanilang destinasyon, Singapore.
06:49Okay lang daw ang kaunting gastos.
06:51Isang beses lang naman daw ito sa isang taon.
06:53Masaya kami ng apo ko kasi kahit na crisis, makakapasyal kasi makasama ko apo ko.
07:01Kasi first flight niya.
07:03So yung pinaka main reason ko is syempre reward ko sa kanya kasi recognition niya.
07:08I am excited po kasi makakasakay na po ako sa airplane for the first time.
07:14Pasado alas 4 ng madaling araw kanina, may pila na ng mga sasakyan sa may departure bay ng Paliparan.
07:20May bahagyang haba na rin ang pila sa mga check-in counter.
07:24Ilang pasahero rin ang nagreklamo sa tagal ng hinintay nila sa counter para ma-check-in ang kanilang mga bagahe.
07:30Abiso sa mga pasahero, anim na airlines ang nalipat sa Terminal 3 habang isang airline ang nalipat sa Terminal 1.
07:38Kaya i-verify muna ang inyong terminal assignment bago pumunta sa airport.
07:43Simula ngayong araw ay babawasan ang hanggang kalahati ang sinisingil na passenger service charge,
07:49pati ang sinisingil nila sa mga airline na landing at take-off fees.
07:59Ivan, sa mga puntong ito, ito nakikita natin, may kabagalan na mga takbo ng mga sasakyan dito sa may departure
08:06bay ng Paliparan.
08:08Pero may mga nag-check naman ang airport security at mga tauhan ng PNP para hindi masyadong magtagal.
08:14Yung mga nagbababa ng pasahero, lalo na yung maraming dalang bagahe o maleta.
08:18So, dire-diretsyo naman ang pagpasok ng mga pasahero dito sa entrance, pero pagpasok doon o pagpila doon sa mga
08:25check-encounter na kung mahaba-haba na po ang ahantayin ng mga pasahero.
08:29Yan ang latest mula po rito sa Pasay City.
08:32EJ Gomez, GMA News.
08:36Sa mga pupunta sa beach o resort ngayong Holy Week break, paalala po ng mga otoridad na huwag lumangoy kung
08:42kayo ay nakainom ng alak.
08:44Magbabantay rin ang Philippine Coast Guard sa mga tabing dagat para sawayin ang mga turistang lasing.
08:50Live mula sa Malay Aklan, may unang balita si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
08:55Kim?
08:59Susan, apektado rin ang tourist arrival sa isla ng Boracay dahil sa pagtaas ng produktong petrolyo.
09:06Sa kabila nito, nakaantabay pa rin ang mga otoridad sa inaasaang pagdagsa ng mga turista ngayong Holy Week.
09:16Unti-unti nang dumadagsa ang mga turistang tumatawid sa isla ng Boracay para magbakasyon ngayong Simana Santa.
09:23Sa datos ng PCG Aklan, simula noong March 26, nasa average na 7,000 hanggang 8,000 na mga turista
09:31ang dumarating sa isla kada araw.
09:34As of March 28, mayroong mahigit 19,000 na turista na dumating sa isla sa loob ng tatlong araw ayon
09:41sa Malay Tourism.
09:42Base sa obserbasyon ng PCG, mas kaunti raw ang mga pasahero ngayong taon kung ihahambing noong 2025.
09:49Pusible raw na epekto rin ito ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
10:10Maliban sa inspeksyon sa mga pantalan, may mahigit 40 PCG personnel na tumututok sa pagbabantay sa water activities sa shoreline
10:19ng Boracay.
10:20Reminders lang no, sa ato niya mga turista, kung nakainom, likawan na no, ang pag-swimming no.
10:28Sa Abril 16, ipapatupad ang taas pasahe sa mga sasakyang pandagat papunta sa Boracay.
10:35Mula 50 pesos, gagawin ng 60 pesos ang regular na pamasahe.
10:40Habang ang 40 pesos para sa senior citizens, estudyante at PWDs, magiging 45 pesos na.
10:47Dahil rin sa pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo,
10:50posible ayon sa Malay LGU na magtaas rin ang presyo ng ilang bilihin sa isla.
10:55Kaya mahigpit itong tinututukan ng price monitoring team ng LGU.
10:59I would like to remind no, ato niya mga negosyante no, especially sa pagbaling diablo sa mga produkto no,
11:10kung hindi kita magkita magte-advantage, may existing kita nga mga batas no,
11:15na ang profiteering, kung malakpan ka, may salapton.
11:19Naka-deploy rin ang ilang personnel ng LGU na naglilinis para mapanatili ang ganda ng isla.
11:30Susan, bukod sa water at nightlife activities,
11:33meron ding religious activities sa isla para sa mga gustong magnilay-nilay at manalangin ngayong Simana Santa.
11:41Susan?
11:42Maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
11:46Kumpara sa Holy Week season sa mga nagdaang taon,
11:49tumamlay ang turismo sa Baguio City ngayon dahil sa mataas na presyo
11:53ng mga produktong petrolyo ayon sa kanilang LGU.
11:56Live mula sa City of Pines, may unang balita si Bea Pinlac.
12:00Bea?
12:05Susan, talagang may domino effect ang paglobo ng presyo ng petrolyo
12:08sa ekonomiya dito sa summer capital ng bansa.
12:11Sa turismo pa lang, nangangalahati ang bilang ng turistang umaakyat sa Baguio
12:15at ramdam yan dito pa lang sa Lion's Head.
12:20Kung dati, paunahan makapag-book sa hotel sa Baguio tuwing Semana Santa.
12:25Ngayon, swerte na raw kung mapuno ang kalahati ng mga kwarto nila.
12:30Ayon sa Baguio City LGU, nangalahati kasi ang tourist arrival sa summer capital ng bansa.
12:35In terms of booking and revenue, of course, there's a drastic decrease.
12:43As we observe, marami talagang cancellation.
12:45And then we're hoping that they could reschedule.
12:49Tumaas ulit ang presyo ng petrolyo kahapon, higit na mas mataas sa Baguio.
12:54Umaabot ng mahigit 148 pesos ang kada litro ng diesel
12:58at halos 109 pesos naman sa gasolina.
13:01Sabi ng Baguio City LGU, posibleng makabawi ang mga hotel sa darating na Huebe Santo.
13:07Pero panandali ang ginhawa lang daw ito.
13:10According to our hotels, aakyat nung kanilang occupancy rate by Thursday.
13:18Aakyat ng 80%.
13:20Pero by Saturday, bababa ulit.
13:22Swerte na lang na makakuha ulit sila ng mga 30 to 40% occupancy in the succeeding weeks.
13:28We're hurting.
13:29Bagaman mas konti, enjoy pa rin naman ang mga turista sa City of Pines.
13:34Minsan lang naman para masayang family.
13:37Kasi mga balikbayan mga anak ko.
13:39Minsan lang naman sa loob ng isang taon.
13:41Ang lion's head na dating pinipilahan ang mga turista ang papasok ng Baguio,
13:46isa sa choke points na nagdudulot ng pagbagal ng trapiko.
13:49Kaya gustong gawa ng paraan ng DILG.
13:52Si Mayor Benji Magalong, siisigurado niya na ang Kennan Road ay magiging obstruction free.
13:59Number one notorious dyan yung lion's head.
14:03Tubitigil yung mga tao doon para magpa-selfie.
14:06Nagiging backtap ang traffic.
14:08Kahapon, pailan-ilan lang ang tumigil sa patok na selfie spot sa Baguio.
14:13May nakalatag na plano ang LGU para hindi na ito magdulot ng pagbagal ng daloy ng mga sasakyan.
14:19Let them enjoy. Anyway, nandun naman yung Philippine National Police to manage yung traffic
14:24to make sure that everybody is safe doon sa area.
14:28But ang long-term na solusyon namin doon is, once na matapos namin, di ba may open space doon?
14:35Dating creek yun eh. Kung stable yun, i-concrete namin yun.
14:41Doon na namin magiging parking area na yun.
14:43Tapos ililipat na rin namin yung aming mga entrepreneurs doon.
14:48Para doon na lahat, maluwag na lahat dyan.
14:56Susan, mas marami na ang turista rito sa Lion's Head kumpara kahapon.
15:00Pero kaunti pa rin daw ito sa lagay na yan ayon sa mga tinderang nakausap natin.
15:05Ipinasa na ng Baguio City Council ang resolusyon na nagsasailalim sa lungsod sa state of emergency.
15:11At pinag-aaralan na rin ng Baguio City LGU ang kanilang economic continuity plan
15:15para muling makabangon ang mga sektor na talagang apektado
15:19ng taas presyo sa langis at iba pang mga bilihin.
15:23Samantala ngayong Merkulis Santo, wala pong pasok sa privado at pampublikong paaralan sa Baguio City.
15:29Yan ang unang balita mula rito sa Baguio City.
15:32Bay Up and Lock, GMA News.
Comments

Recommended