00:00Not to ring ang Flood Control Project, pero ang ilan pala, e posibleng lalo lang magpapabaha, ayon po yan sa DNR.
00:14Kung nasaan ang mga yan at ang planong hakbang ng DPWH, alamin sa pagtutok ni Mav Gonzalez.
00:21Wala namang fun. Wala namang fun.
00:23Sa pagdinig ng panukalang 2026 budget ng Department of Public Works and Highways sa Senado kanina, isiniwalat ng Department of Environment and Natural Resources o DNR na may mga maanumalyang proyekto silang nakita sa pamamagitan ng satellite imagery.
00:38Isa rito ang umano'y isang Flood Control Project sa Laguna Tibay na sa halip na kontroli ng pagbaha, lalo pa itong pinalalala.
00:45Nang usisain kasi, lumabas na hindi ito flood control kundi isang reclamation project.
00:50This is a flood control project within Laguna Tibay, but if you look at the satellite images, they are actually reclamation projects within the lake, right along C6.
01:08And so, this is a different kind of issue because there are much, much more permits, environmental impact, maybe it even causes further flooding within the Laguna Lake area when you do reclamation projects.
01:25Meron pa raw ibang proyekto na sa halip mapigilan ay lalo pang magpapabaha.
01:30Tinukoy ni DNR Undersecretary CP David ang dalawang dikes sa Kamiling River sa Taralac na may C-Wang na maaaring magpabaha sa bayan.
01:37At isang itinayong dikes sa Nubataan Davao de Oro na sa pagkakagawa nito, dadaloy lalo ang tubig baha sa kalapit na bayan.
01:45Sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, ipapatigil na nila ang pagtatayo ng mga depektibong flood control project na walang plano at hindi naman nakakatulong laban sa baha.
01:55Baka nga raw kailangan pambaklasin ang ilang nagawa na.
01:58Maybe we might even need to dismantle some of those flood control projects because of their net harmful effects to the communities.
02:08Sabi naman ni Dizon, maingat itong pag-aaralan dahil may patakaran ng Commission on Audit na hindi basta pwedeng magdemolish ang proyekto sa loob ng ilang taon.
02:16Samantala, sa mahigit siyam na raang gustong papondohan ulit ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa 2026.
02:25Kahit tila na pondohan na ngayong 2025, halos 800 ang pinareview ng DPWH at natuklasang itinutuloy pa kasi.
02:33Kukuha na po ng litrato, ng dated at tagged photos para makita po na unang-una sa sarili nating mata, makikita natin na hindi pa tapos yung proyekto at mayroong continuation.
02:47Nagmukalang umanong kumuulit dahil generic ang pangalan ng mga proyekto na lampas 11 bilyong piso ang halaga.
02:54Sinita rin sa Senado kanina ang lumobong pondo para sa farm to market roads.
02:58Wala kasi 16 bilyon pesos na hinihingi ng ehekotibo sa 2026. Dumoble ito sa 32 bilyon pesos sa versyong ipinasanang kamara.
03:07Ayon sa Department of Agriculture, kung hindi nila i-validate ay hindi maipatutupad ng DPWH ang mga proyekto.
03:13For validation pa po Mr. Chairman, some of those FMRs.
03:18So yung natitirang 8 bilyon, wala ito sa network plan?
03:23Wala pa po ngayon sa network plan.
03:25Kung hindi ma-validate hanggang biyernes ang mga kwestyonabling proyekto, ay tatanggalin na ito sa pupondohan para sa 2026.
03:33Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments