Skip to playerSkip to main content
-PAGASA: Bagyong Opong, hinahagupit ngayon ang ilang panig ng southern Luzon at Visayas

-Masbate PDRRMO: 3, patay at 10, sugatan sa pananalasa ng Bagyong Opong/ Ilang bahagi ng Masbate, walang kuryente matapos bumagsak ang mga poste

-Mga sasakyang may sakay na produkto at mga pasahero, stranded dahil suspendido ang biyahe ng mga barko/ Mahigit 1,000 pamilya, lumikas dahil sa Bagyong Opong

-Ilang lugar sa Eastern Visayas, binaha kasunod ng malakas na ulan

-Ilang pasahero sa PITX at Manila North Port, stranded matapos kanselahin ang mga biyahe

-Bagyong Opong, apat na beses nang nag-landfall/ 1-2 metrong taas ng daluyong, nagbabanta sa ilang panig ng NCR; storm surge warning, itinaas din sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas

-DOJ Sec. Remulla: Mga idinawit ni dating DPWH Usec. Bernardo na nakakuha umano ng kickback sa flood control projects, inirerekomenda ng NBI na kasuhan na/ DOJ Sec. Remulla: Mga idinawit ni dating Usec. Bernardo sa flood control issue, pina-freeze ang assets at ipinalalagay sa Immigration Lookout Bulletin/ Escudero, Binay, Revilla at Olaivar, itinangging nakakuha sila ng kickback sa flood control projects; Co, itinangging sangkot siya sa katiwalian

-Nagpakilalang dating security detail ni Rep. Zaldy Co, idinetalye ang paghatid umano niya ng milyon-milyong piso sa mga bahay nina Co at Rep. Romualdez/ Nagpakilalang dating security detail ni Rep. Zaldy Co, naghatid din daw ng pera sa bahay ni Benguet Rep. Eric Yap/ Rep. Romualdez: Pilit na pilit ang pag-uugnay sa akin sa issue ng kickback sa flood control projects/ DOJ, inaalam kung totoong nasa Spain si Rep. Zaldy Co/ 2 driver ng DPWH-Bulacan, sinabing nag-deliver din sila ng mga maleta kay Rep. Zaldy Co

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Mga kapuso, maulan na biyernes ang naranasan po sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa humahagapit na Bagyong Opong.
00:43Nakabantay ang buong pwersa ng GMA Integrated News sa mga pinakasariwang sitwasyon sa mga lugar na dinaraanan ng bagyo.
00:49Nasa Kalapan Oriental, Mendoro, si Bea Pinlak. Nasa Batangas City, si Oscar Oida.
00:55Sitwasyon naman sa Legaspe City at Kabikulan ang babantayan ni J.P. Soriano.
01:04May tatlo pong kumpirmadong patay sa Masbate kung saan nag-second landfall ang Bagyong Opong.
01:11Ayon sa Masbate Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, dalawa sa kanila ay taga Masbate City.
01:17Isa raw ay nabagsakan ng puno.
01:19Habang ang isa ay nabagsakan ng gumuguhong o gumuhong pader.
01:23Meron ding sampung sugatan sa Masbate.
01:26Sa ilang bahagi ng Masbate City, walang kuryente matapos bumagsak ang ilang poste at kawad ng kuryente.
01:33Nakahambalang din sa kalsada ang mga natumbang puno.
01:37Nawasak din ang ilang bahay at establishmento.
01:40Kaninang madaling araw, malakas na rin ang ulan sa bayan ng Dimasalang.
01:44Pinalikas na po ng mga otoridad ang nasasandaang pamilyang nakatira malapit sa Pierre dahil sa malalakas na alon mula sa dagat.
01:52Mahigit limang libong pamilya naman sa Katanduanes ang pinalikas na.
01:56Pabilang sa kanila ang mga residente mula sa mga bayan ng Viga at San Andres.
02:03Malakas na ulan din ang bumuhu sa ilang bahagi ng Oriental Mendoro.
02:07Dahil pinagbawalang bumihay ang mga barko, stranded ng maraming pasahero at sasakyan.
02:12Mayulat on the spot si Bea Pinla.
02:15Bea?
02:15Raffi Connie, sa lagay na ito humina na yung ulan pero kaninang umaga napakalakas ng buhos nito na sinabayan pa ng matinding hampas ng hangin.
02:29Tanaw rito sa aking likuran yung napakahabang hanay ng mga truck sasakyan na stranded ngayon dahil hindi pa pwedeng pumalaot ang anumang sasakyang pandagat.
02:38Ang ilan dito may sakay na perishable goods tulad ng prutas at gulay at dahil merkules pa walang biyahe ang barko,
02:47ang ilan sa mga produkto nabubulok na.
02:49Nagpapatid naman ng ready-to-eat food packs ang mga otoridad ngayong umaga para sa mga stranded dito na driver.
02:56Ayon sa PDRMO, hindi raw kasi sila pwede sa Kalapanport o sa anumang pantalan mamalagi dahil nga sa banta ng storm surge.
03:03Nasa higit limanda ang pasahero, halos apat na raang rolling cargos, apat na bus at dalawamput dalawang private vehicles ang stranded ngayon sa buong probinsya.
03:16Pag umulan, pasok kami sa lubnan jeep. Siksikan kami dito. Umulaki po. Login na po noon.
03:22Raffi, Connie, higit isang libong pamilya o halos apat na libong katao yung nag-preemptive evacuation na.
03:38Pero ayon sa PDRMO, posible pa silang magpairal ng sapilitang pagpapalikas kung lalo pang sumungit yung panahon.
03:45Kasalukuyan, nasa ilalim ng signal number 3 ang buong probinsya ng Oriental Mindoro.
03:50Yan muna ang latest mula rito sa Oriental Mindoro. Malik sa inyo.
03:54Maraming salamat at ingat kayo dyan, Bea Pinlak.
03:59Binaha ang ilang bahagi ng Eastern Visaya sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Opong.
04:04Sa Ormocleite, rumaragasa ang tubig sa kalsada ng barangay San Isidro, Uwak.
04:10Pahirapan ang pagtawid doon ng mga pedestrian, pati motorista.
04:14Pinasok na rin po ng tubig ang isang o ilang village sa lungsod.
04:18Rumaragasa din ang baha sa barangay San Pablo, Sanaval, Biliran.
04:24Nawala naman ang kuryente sa Calviga, Samar, dahil sa malakas na hangin.
04:28Dahil sa kansilado mga biyahe, stranded ang ilang pasahero sa mga terminal.
04:36Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX, naiipo na ang mga pasahero na naghihintay ng kanilang biyahe.
04:43Ang ilan sa kanila, bibiyahe sana pa Bicol.
04:45Base sa impormasyon na inalabas ng PITX, 24 na biyahe ang kansilado ngayong araw dahil sa Bagyo.
04:53Kabilang dyan ang biyahe papuntang Bagyo, Tabaco City, Masbate, San Jose Mindoro, Tacloban, Iloilo City, Davao City at Tagum.
05:04May mga stranded ding pasahero sa Manila Northport mula pa kagabi.
05:07Inabutan sila ng pagkain ng mga taga DSWD.
05:17Apat na beses na nag-landfall ang bagyong opong.
05:21Ayon po sa pag-asa, dakong alas 11.30 kagabi,
05:25nang unang mag-landfall sa San Policarpo Eastern Summer ang bagyong opong bilang typhoon.
05:31Kaninang alas 4, tumama naman ang bagyo sa Palanas, Masbate,
05:35bilang severe tropical storm.
05:38Ikatlong landfall ay sa Milagros, Masbate, kaninang alas 5.30 ng umaga,
05:43habang pasado alas 8 kanina nang mag-landfall ang bagyo sa San Fernando, Romblon.
05:49May mga inaasahan pang landfall ang bagyong opong.
05:53Nananatili itong nasa severe tropical storm category.
05:56Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 110 km per hour.
06:00Tumutok sa balitang hali para sa listahan ng mga lugar na isinailalim sa wind signal
06:06batay sa 11 a.m. bulletin ng pag-asa.
06:09May banta po ngayon ng daluyong o storm surge sa ilang bahagi ng Southern Luzon at Visayas
06:15dahil sa bagyong opong.
06:17Pusibling umabot sa 2.1 hanggang 3 metro ang taas ng tubig dagat na raragasa
06:23sa ilang coastal areas sa Albay, Batangas, Camarines Provinces, Marinduque, Masbate, Mindoro Island,
06:31Palawan, Quezon Province, Romblon, Sorsogon, Samar at Northern Samar.
06:38Isa hanggang 2 metro naman ang pusibling daluyong sa ilang coastal areas ng Aklan, Antique,
06:44Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite o Capiz rather, Catanduanes, Cavite, Iloilo, Negros Occidental,
06:55Pampanga at maging sa ilang panig ng Metro Manila.
06:59Ang mga residente pinapayuhang lumayo sa mga dalampasigan at agad lumikas sa matataas na lugar.
07:05Hini-rekomendan ng National Bureau of Investigation na sampahan ng kasong indirect bribery at malversation of public funds
07:17ang ilan pang umunay sangkot sa kickback sa flood control projects.
07:21Hindi nainin sa isa ni Justice Secretary Jesus Crispin Ribulla pero lahat daw nang idinawit
07:26ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kahapon ay pinakakasuhan.
07:32Binanggit ni Bernardo Sinaako Bicol Partilist Representative Zaldico, Senador Chase Escudero,
07:39Dating Senador Bong Revilla, Dating Senador at ngayong Makati City Mayor Nancy Binay,
07:45DepEd Undersecretary Trigy Bolivar at Commission on Audit Commissioner Mario Lipana.
07:51Pinafreeze na ng DOJ sa Anti-Money Laundering Council ang bank accounts at iba pang assets na mga nabanggi.
07:57Ipalalagay rin daw sila sa Immigration Lookout Bulletin.
08:00Maring itinanggin nina Escudero, Binay, Rivilla at Olayvar ang mga aligasyon ni Bernardo.
08:06Sinusubukan pangkuna ng bagong pahayag si Zaldico pero dati na niyang itinangging sangkot siya sa katiwalian.
08:13Sabi naman ang COA naka-medical leave ngayon si Lipana at nagpapagamot abroad.
08:17Itinanggin nila dating House Speaker Martin Romualdez at Benguet Rep. Eric Yap na nakatanggap sila ng kickback sa flood control projects.
08:29Kabilang sila sa mga kongresistang pinadalhan daw na mga maletang may milyong-milyong piso na nagpapakilalang dating security detail ni Congressman Zaldico.
08:39Balitang hatid ni Maki Pulido.
08:41Isang nagpakilalang orly regala Guteza ang iniharap ni Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
08:51Dati raw siyang nasa Philippine Marines at dati rin security detail ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldico.
08:58Sa kanyang sinumpaan sa Laysay, sinabi ni Guteza na naghatid siya ng pera kay Ko at kay dating House Speaker Martin Romualdez.
09:04At ang tawag daw nila sa dinedeliver na pera, basura.
09:08Pumigit kumulang tatlong bisis ako mismo ang nagdeliver ng basura sa bahay ni Congressman Zaldico at sa mga bahay ni Speaker Romualdez sa tagig.
09:23Ayon kay Guteza, may pagkakataon din daw na nagdala si dating ACT-CIS party list at ngayon yung Benguet Rep. Eric Quiap na 46 na maletang may laman na tig 48 million pesos sa bahay ni Ko sa Pasig.
09:37Ang bawat malita ay may lamang humigit kumulang 48 million pesos.
09:42Ang bawat malita ay may pusit na nakadikit na nakasaad kung magkano ang laman ng bawat malita.
09:48Yung isang malaking big na malita is kasing ganito ang sukat.
09:54Ah, yung pinakamalaki.
09:56Opo. Tapos pag binuhat ko po yan, ang bigat yan is almost parang isang sakong bigat sa 50 kilos.
10:02Yung bigat?
10:03Opo.
10:03So binubuhat po ninyo, hindi na transfer po ninyo sa bahay?
10:06O, na transfer sa other sakyan po.
10:08Okay, so dalawa, tatlo sa sakyan. Ganun po lagi?
10:1217, 18 po na mga malita, three times a week?
10:16Yes, yes sir.
10:17Mula sa bahay sa Pasig, hinatid daw ang mga ito ni Naguteza sa condo unit ni Ko sa Taguig.
10:23Doon daw hinati ang mga malita.
10:25Labing isang maletang may lamang pera ang naiwan-umano sa kondo ni Ko.
10:29Habang ang 35, inihatid daw sa bahay ni Romwalde sa Taguig.
10:33Sinong tao ang nagre-receive?
10:36Sa mga ganun sir ang may kontak, Your Honor, is yung si Paul at si Mark lang ang may kontak doon sa receiver.
10:43So pagdating doon, nakabukas na yung gate doon sa ***.
10:47Bumapasok na lang kami.
10:48Then pag nabuhat na namin yung mga malita, naibaba na, so lalabas na kami.
10:55Wala na kaming ano.
10:56Basta may deliver lang namin yung mga basura doon sa bahay.
11:02Wala na kaming ano noon, Your Honor.
11:03Sabi ni Guteza, tatlong beses siyang naghatid ng pera sa bahay ni Romwalde.
11:08Pero kahit hindi daw siya basura duty, nalalaman niyang may hinahatid na pera kay Romwalde mula kay Ko
11:13dahil nababasa niya ang messages sa group chat na mga security detail.
11:18Sa tansya ni Guteza, nasa tatlong beses ito sa isang linggo.
11:21Pangkaraniwan, three times a week, mga ilan sa tingin mo yung karaniwang na i-deliver?
11:27Ilang malita?
11:28Minsan mayroong 15 or kaya 18 ang malita.
11:34Pero yung malalaking malita yun, na nag-re-rate yung bawat malita,
11:36minsan mayroong 48, may 50.
11:39Si Guteza, hindi ba aksesory sa crime dahil nag-deliver siya nung...
12:03Sa isang pahayag, iginiit ni Romwalde na hindi siya kailanman nakatanggap
12:26o nakinabang sa kickback sa anumang infrastructure project.
12:29Gawa-gawa lang anya ang testimonya ni Guteza.
12:32Pilit na pilit daw ang pag-uugnay sa kanya sa mga sinasabing kickback.
12:37Imposible daw ang sinasabi ni Guteza dahil ang tinukoy nitong pinagdalhan umano ng delivery noong December 2024,
12:43halos isang taon na noong bakante dahil nire-renovate.
12:47Malinawa niyang politikal at produkto ng coaching o pagtuturo
12:50ang mga anya'y pahayag na perjurius o kasinungalingan.
12:54Hindi raw niya ito palalampasin.
12:57Itinanggi rin ni Yap ang aligasyon.
12:58Kahit kailan daw hindi siya tumanggap o kaya ay nag-authorize ng paghatid ng pera
13:03kaugnay ng flood control projects.
13:05Haharapin daw niya ang nag-aakusa sa tamang forum kung saan marirespeto ang kanyang karapatan sa ilalim ng konstitusyon.
13:12Sinusubukan pa naming makuha ang panig ni Ko,
13:15pero dati na niyang itinangging sangkot siya sa pangungomisyon sa flood control projects.
13:19Di pa rin malinaw kung nasaan na si Ko.
13:22Kinukumpirma pa rao ng Department of Justice kung totoong nasa Spain na siya.
13:25Yes, he's being tracked already. We're trying to track him and maraming tumutulong na tao.
13:32Can you confirm if nasa Spain ba talaga siya?
13:35Well, there's a boarding pass. Boarding pass ba yan?
13:39There were flight details sent to us but we have to validate.
13:43Can you be clear sir, may ilbo ba siya?
13:45Meron, meron siya ilbo. Yes, yes.
13:47Dalawang driver din ang DPWH Bulacanang humarap sa Komite ng Senado
13:52at sinabing naghahatid din sila ng mga maleta para kay Ko sa utos daw ni Engineer Bryce Hernandez.
13:57Pero hindi nila alam kung ano ang laman ng mga maleta.
14:00Totoo po ba na kayo po ay nagde-deliver po ng pera doon po sa bahay ni or sa kondo ni Congressman Saldico?
14:09Your Honor, bali ako po, isang beses lang po ako nakapag-deliver doon.
14:13Gano karami po yun? Kung inyo po natatandaan, ilang maleta, ilang sako yung deliver po ninyong pera?
14:20Your Honor, sa pagkakatanda ako po, mga nasa 6 to 8 na maleta po.
14:27Pero alam po ninyo na pera po laman ng maleta po na yun?
14:30Hindi po kinonfirm na pera so wala po kaming idea.
14:33Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended