Skip to playerSkip to main content
-Dating DPWH Engr. Brice Hernandez, nasa Office of the Ombudsman para sa imbestigasyon sa flood control projects


-Ombudsman Remulla: Dating kongresista sa Quezon City, handang magsiwalat ng mga nalalaman niya kaugnay sa flood control projects/Ombudsman Remulla: AMLC, nag-a-apply ng bagong set ng freeze orders/Isyu ng bid-rigging, sinisilip ng Ombudsman at PCC full restitution o buong pagbabalik ng ninakaw na pera mula sa gobyerno, nais plantsahin ng Ombudsman katuwang ang Sandiganbayan/Preliminary investigation para sa mga ghost project ng DPWH Bulacan first district, gagawin na ng DOJ


-DPWH: Walang dokumentong may kaugnayan sa imbestigasyon sa flood control projects ang nadamay sa sunog sa DPWH-BRS Building kahapon


-PAGASA: Bagyong Salome, humina bilang Tropical Depression


-Ilang panig ng Mindanao, binaha dahil sa ulang dulot ng ITCZ/Ilang LGU sa northern Luzon, naghahanda sa Tropical Depression Salome


-Bulkang Kanlaon, dalawang beses nagbuga ng abo kaninang umaga


-Lalaking sangkot umano sa pamamaril, patay sa engkuwentro sa pulis; 1, arestado


-8-anyos na babae na hinihinalang ginahasa at inuntog sa pader ng isang lalaki, kritikal sa ospital/Naarestong suspek, itinangging sinaktan ang biktima pero inaming dinala ang biktima sa expressway


-Mahigit 540 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Brgy. CatmonBalitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit na balita na sa office of the Ombudsman ngayon, si dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez.
00:08Para yan sa investigasyon, kaugnay sa manumalyomanong flood control project sa bansa.
00:13Sa eksklusibong video ng GMA Integrated News, makikitang dumating sa Ombudsman si Hernandez habang nagpapalibutan ng mga polis.
00:23Nakasuot din siya ng bulletproof vests.
00:26Isa si Hernandez sa mga isinailalim ng Department of Justice sa Witness Protection Program habang nagpapatuloy ang investigasyon sa mga questionable flood control projects.
00:37Ang buong detalye, ihatid namin maya-maya lang.
00:40Kabilang sa mga sinisilip ng Ombudsman ang issue ng bid rigging o yung pagmamanipula sa bidding process sa mga flood control project.
00:57Dagdag pa riyan, isang dating kongresista raw sa Quezon City ang handang maging whistleblower.
01:03Balitang hatid ni Salima Refrag.
01:05Handa na raw isiwalat ng isang dating kongresista ng Quezon City ang lahat ng nalalaman sa maanumalyang flood control projects.
01:17Yan ang pinaabot niya kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
01:20Nakatanggap din ako ng tawag, isang kaibigan ko, parang siyang go-between sa isang congressman from Quezon City who wants to tell all.
01:32Inaantabayanan raw ni Remulia ang mga magiging hakbang ng ex-congresman pero nagpasabi na raw ito na marami siyang ilalahad.
01:41Yung involvement niya sa lahat na nangyayari, tsaka kung paano nakalakaran, paano nangyayari lahat niya.
01:47Sa ulat ng Quezon City LGU, 331 ang mga flood control projects sa lunsod ng DPWH mula 2022 hanggang 2025.
02:07Pero dalawa lang daw sa mga ito ang inaprobahan ng lokal na pamahalaan.
02:12Sabi pa ni Ombudsman Remulia, nag-a-apply raw ng panibagong set ng freeze orders ang Anti-Money Laundering Council.
02:20They communicated to me that there are nine persons, some of them formerly elected officials or elected officials, and some just personalities na sinisik nila yung freeze order.
02:33Kasama naman ang Office of the Ombudsman ng Philippine Competition Commission o PCC sa pagsilip sa issue ng bid rigging.
02:41Isang bidder na palaging talo sa maanomalyang flood control projects ang iniimbestigahan na raw nila.
02:473% of the project cost is given to the losing bidders.
02:54Yun na yun, yun may for the boys tawag nila, for the boys.
02:58So, hinahati-hati yan sa losing bidders, etc., etc. Meron pa ibang binibigyan.
03:05Ano na yan? Dating gawin na yan na nangyayari sa DPWH.
03:09Nais rin ni Ombudsman Remulya na makausap ang Sandigan Bayan para mailatag ang mga panuntunan para sa full restitution o buong pagbabalik ng ninakaw na pera mula sa gobyerno kapalit ng plea bargain o pagpapababa ng kasong kakaharapin.
03:25May mga nagparamdam na raw kay Ombudsman Remulya na mga contractors o yung mga kongresistang kasalukuyan o dating contractor.
03:35May mga congressman daw na gusto lang nilang marahimik at hindi nilang naggagawin ulit pagsasoli pa sila sa mga contracts na kung saan nag-contractor sila.
03:47Samantala, inatasan na ng Ombudsman ng Department of Justice na ituloy ang pag-usig sa limang reklamo ng malversation, graft at perjury para sa limang ghost projects ng DPWH Bulacan 1st Engineering District.
04:01Ibig sabihin, DOJ na ang magsasagawa ng preliminary investigation at magdadala nito sa korte.
04:07Ilan sa respondents dito, si na dating District Engineer Henry Alcantara, dating Assistant District Engineers Bryce Hernandez at JP Mendoza, at kontatistang si Sally Santos.
04:19Sa Nima Refrain, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:23Mainit na balita ay giniit ng Department of Public Works and Highways na walang dokumentong may kaugnayan sa investigasyon sa flood control projects
04:34ang nadamay sa sunog sa kanilang Bureau of Research and Standards Building kahapon.
04:39Ang BRS ay tanggapan sa ilalim ng DPWH na tumututok sa research ng iba't ibang ginagamit na material sa kanilang mga proyekto.
04:46Ayon kay OIC Undersecretary Lara Esquivel, reports at manuals na may kaugnayan sa testing ng mga material ang nasa gusali.
04:54May backup daw ang mga ito.
04:56Nilinaw naman yung Secretary Vince Dizon na hindi ang DPWH Mimaropa Building ang nasunog, kundi ang BRS.
05:02Ayon kay Dizon, saulat sa kanya ng Bureau of Fire Protection, electrical failure na nagmula sa 3rd floor ng BRS building ang Sanhi, nang apoy.
05:11Naiulat na anyan na raw yan sa ombudsman.
05:13Bago nito, iniutos ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla na imbistigahan ang tungkol sa sunog at kung sinadya yun.
05:21Kiniyak ni Dizon na binabantayan ang mga dokumentong may kaugnayan sa investigasyon sa flood control projects.
05:31Humina na bilang tropical depression ang bagyong sa lumi.
05:35Namataan po yan ang pag-asa 85 kilometers southwest ng Basco Batanes, kaninang alas 8 ng umaga.
05:41Taglay nito ang lakas ng hangi na aabot sa 45 kilometers per hour.
05:46Kaninang madaling araw nang lumakas bilang tropical storm ang bagyong sa lumi.
05:50Kaya isinailalim po sa wind signal number 2 ang Batanes.
05:54Pero dahil tropical depression na lamang ito, nasa ilalim na lamang ng wind signal 1 ang lalawigan.
06:01Base sa track ng Metro Weather, pa southwest pa rin ang tinatahak na direksyon ng bagyong sa lumi.
06:07Inaasahan itong lalapit sa Northern Luzon.
06:10Tumutok po dito sa balitang hali sa 11am update, kaugnay ng bagyo.
06:17Pinaghahandaan ng ilang local government unit sa Northern Luzon ang epekto ng tropical depression sa lumi.
06:22Sa Mindano naman, may mga binahalin dahil sa masamang panahon.
06:26Balitang hati ni Jomar Apresto.
06:27Sa gitna ng rumaragasang baha sa barangay Paruwayan sa Alamada, Cotabato,
06:37dalawang motorcycle rider ang halos tangay na ng tubig.
06:41Tinawit ng dalawang overflow bridge sa sitio Campo Uno,
06:44pero nahirapan silang makadaan dahil sa lakas ng agos ng tubig.
06:48Maya-mayapay natumba ang motor ng isa sa kanila.
06:51Pinilit itong itayo ng lalaking rider pero pahirapan dahil sa pagragasan ng baha.
06:55Gamit ang lubid, tinulungan sila ng ilang residente at sundalo para makaahon.
07:01Umapaw naman ang isang sapa sa Corandal City sa South Cotabato dahil sa matinding pagulan.
07:06Dahil diyan, bumaha sa ilang barangay sa lungsod.
07:09Pinasok pa ng tubig ang ilang bahay.
07:12Sa bayan ng tantangan, isinarang ilang bahagi ng kalsada dahil sa paha.
07:16Mailang lane na pinapayagang madaanan ng mga motorista pero mabagal ang dalawin ng trapiko dahil sa tubig.
07:21Tumulong ang ilang kawarin ng Municipal Disaster Risk Redaction and Management Office at Traffic Section sa pagmamado ng trapiko.
07:29Halos ganyan din ang naranasan sa Takurong Sultan Kudarat.
07:32Lampas gater ang baha kaya mabagal ang takbo ng mga sasakyan.
07:37Hindi naman madaanan ng ilang kalsada sa Balabagan, Lanao del Sur dahil din sa baha.
07:41Ayon sa Pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang nagpaulan sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
07:49Sa Hilagang Luzon naman ay inaasang tutubukin ang bagyong sa lumi patuloy paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.
07:55Sa Pagudpun, Ilocos Norte, nakaalerto na ang lokal na pamahalaan para sa epekto ng bagyo.
08:00Pinayuhan ng mga residenteng huwag munang pumunta sa dagat.
08:03Pinag-iingat din naman nakatira sa mga coastal area sa bayan ng Burgos.
08:07Nakahanda na roon ang mga rescue equipment sakaling kailanganin.
08:10Tiniyak naman ang Department of Social Welfare and Development na may nakahanda silang halos 2 milyong kahon ng family food packs
08:17na ipamawahagi sa maapektuhan ng bagyong sa lumi.
08:21Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:25Dalawang beses nagbuga ng abo ang bulkang kanloon kaninang umaga.
08:30Naitala ng PVOX ang unang ash emission kaninang aras 5.30 ng madaling araw hanggang 7.29 ng umaga.
08:37Ang ikalawang ash emission, nangyari naman po kaninang 7.39 ng umaga at nagtagal hanggang pasado alas 8.
08:46Umabot sa 600 metro ang taas ng nitikhang plume o usok ng kanlaon.
08:53Sa nakalipas na 24 oras, may naitala rin ang bulkan na 10 volcanic earthquakes at nagbuga ng mahigit 2,000 toneladang asupre o sulfur dioxide.
09:05Nananatili sa Alert Level 2 ang bulkang kanlaon.
09:08Ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
09:18Ito ang GMA Regional TV News.
09:25Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
09:29Patay sa inkwentro sa pulisya ang isang lalaki sa Calamba, Laguna.
09:34Chris, ano ang nangyari at nagkaroon pa ng barilan?
09:39Tony, bigla na lamang daw nagpaputok ng baril ang lalaki ng pasukin ng mga pulis ang bahay kung saan siya nagtatago umano.
09:47Ayon sa pulisya, nakasalubong nila ang isang alias Alan na may dalang baril habang nagsasagawa ng operasyon sa lungsod.
09:54Inaresto siya at nang tumungo sila sa kanyang bahay, pinaputokan daw sila ng baril ni alias Papalo.
10:00Tinamaan ng isang pulis, kaya nagpaputok din ang mga pulis.
10:04Nasa wisi alias Papalo na napagalamang may warrant of arrest sa kasong frustrated murder at sangot din sa iba pang pamamaril sa Calamba City.
10:14Nagpapagaling naman sa hospital ang tinamaang pulis.
10:17Na-recover sa mga sospek ang dalawang baril at isang granada.
10:21Walang pahayag si alias Alan.
10:24Pitical naman ang lagay ng isang babaeng walong taong gulang na hinihinalang ginahasa at inuntog umano sa pader ng sospek.
10:31Batay sa investigasyon huling nakita ang biktima sa isang computer shop sa barangay Sapang, Biabas na lubabas kasama ang sospek.
10:40Ayon sa mga pulis, sumama ang biktima matapos alukin ng 20 pesos ng sospek.
10:46Sa tulong ng CCTV, naaresto ang dalawampung taong gulang na sospek na residente rin sa nasabing barangay.
10:53Ayon sa pulisya, itinanggi ng sospek na sinaktan niya ang biktima pero inamin niyang dinala niya ang bata sa bahagi ng expressway.
11:01Doon na natagpuan ang batang nangihina at walang saplot.
11:04Patuloy na inoobserba ang sospital ng biktima na nagtamon ng matinding sugat sa ulo.
11:10Maharap sa reklamong statutory rape with frustrated murder in relation to anti-child abuse ang sospek.
11:17Wala pang pahayag sa midya ang sospek at kaanak ng biktima.
11:20Mahigit limanda ang pamilyang na wala ng tirahan sa sunog sa barangay Katmon sa Malabon.
11:27Inaalam pa ang halaga ng pinsala at sanhinang apoy.
11:30Balita ng hatid ni Bea Pinla.
11:32Binalot ng naglalagablab na apoy at makapal na usok ang bahagi na ito ng barangay Katmon Malabon kahapon.
11:41Ang ilang residente, nagbayanihan para maapol ang sunog na umabot ng Task Force Alpha.
11:46Ayon sa BFP, humigit kumulang sanlibot limanda ang bahay ang tinupok ng apoy, karamihan gawa sa light materials.
11:55Hindi bababa sa walumpong truck ng bumbero ang rumisponde.
11:58Ang hindrance natin is marilit yung iskinita, access road going to the dun sa nasusunog.
12:07And then, dikit-dikit din kasi yung mga bahay.
12:11And then, yung mga tao habang nag-evacuate na, hindi kayo makapasok agad-agaran dahil sa mga gamit nila.
12:20Batay sa ulat ng Malabon LGU, isang pasyente ang nasugatan at ginagamot sa Katmon Super Health Center.
12:26Nakaranas naman ang hyperventilation ang isa pang residente.
12:30Isang bumbero ang nakagat ng aso habang rumiresponde.
12:33Nilapatan siya ng paunang lunas.
12:36Isang fire volunteer din ang sugatan.
12:38Pasa-pasa po ng timba. Pagka-pasa po sa'yo ng timba, siyempre bumuus po ako.
12:43May dumaan po na tao na may hawak po na yero.
12:46Hindi ko po naman lang yung pagkapwersa ko po ng tubig.
12:48Tumama po sa'kin yung mismong yero po.
12:52Walang naitalang namatay sa sunog.
12:54Mahigit 7 oras ang itinagal bago tuluyang naapulang sunog, mag-aalas 12 ng hating gabi.
13:00Ayon sa Social Welfare and Development Department ng Malabon,
13:03hindi bababa sa 542 pamilya o mahigit 2,400 individual ang apektado.
13:11Ang ilan sa kanila, pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa lungsod.
13:16Sobrang lala, malalang-malala eh.
13:18Mungkutok na lahat eh.
13:20So ang talaga naging thinking ko na nga lang, pit-bit ko sila, ganyan.
13:25Takbo na kami kahit saan kami makapunta, basta makalayo lang.
13:27Nagtakot din ako yun. Parang umana yung utak ko.
13:31Nagbabranko.
13:32Hindi ko man ako kung saan kami katakbo eh.
13:34Ubus lahat.
13:36Para kami mga pulub eh.
13:38Pero may iba naman na sa tabing kalsada muna nagpalipas ng gabi.
13:41Hindi lahat talaga ng families ay nag-i-stay sa evacuation.
13:46Mas prepared pa rin nila na nandoon sila sa lugar kung saan nasunog.
13:52Dahil tinitingnan pa rin kasi nila kung meron silang masasalba.
13:56Pero ini-encourage talaga namin sila na mag-stay sana sa evacuation site.
14:01Inaalam pa ang halaga ng pinsala at sanhinang sunog.
14:05Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:11Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended