00:00Samantala na nawagan ng Department of Information and Communications Technology sa digital community sa bansa
00:06na makipagtulungan sa gobyerno para maprotektahan ang digital landscape ng Pilipinas.
00:12Sa talumpati ni DICT Secretary Henry Aguda sa RootCon Conference sa Clark, Pampanga,
00:18sinabi ng kalihim na hindi na dapat maulit ang karahasan na nangyari noong protesta laban sa katiwalian.
00:24Layan na okasyon na palakasin ang pagtutulungan ng komunidad at magbigay ng welcoming space para matuto,
00:32magbahagi ng kaalaman at professional growth.
00:35Giit pa ng kalihim, dapat ay ginagamit ang kasanayan para magbigay proteksyon at hindi manira kaugnay nito.
00:42Inanunsyo ni Secretary Aguda ang paglikha ng Philippine Cyber Security Private Sector Advisory Council
00:47kung saan mapapagtibay nito ang boses ng privado sektor at hacker community
00:53sa paglinang ng Cyber Defense na bansa na magsisiguro mapapakinggan ang kanilang boses
00:59sa mga desisyon at polisiya ng pamahalaan sa larangan ng cyber security.