00:00Samantala, bagsak ang mga pananim at di makapangisda sa ilang lugar sa Ilocos Norte.
00:06Sa kabila niya, may hatid na tulong ang pamahalaan para sa mga magsasakat maingisda.
00:10Ang detay sa ulat ni Jude Pitpita ng Radio Pilipinas, Lawag.
00:17Mga pinadapang palay at mga nakatumbang puno ng saging.
00:21Galito ang sitwasyon ngayon sa Bacara at Lawag City sa Ilocos Norte
00:24dahil sa pananalasan ng Super Typhoon Nando sa Northern Luzon.
00:28Pero hindi lamang ang mga magsasaka sa lalawigan ang problemado ngayon
00:33dahil ilang araw na rin hindi nakakapalaot ang mga mangingisda
00:37dahil sa matataas na alon dulot ng bagyo.
00:40Kaya naman ang provincial government patuloy na nakalalay sa mga apektadong residente.
00:46Ayon kay Provincial Agricultural Engineer Teresa Bacnata,
00:50mayroon na silang nakahandang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda.
00:53Kabilang sa mga tulong na kanilang binibigay ay ang mga binhi sa mga irrigated areas
00:59at mga gulay naman para sa rainfed areas.
01:03Habang ang mga mangingisda naman,
01:04mabibigyan ng relief packs at mga gamit sa pangingisda
01:08kung nasira ng bagyo ang mga gamit nila.
01:11Kaugnay niyan, maaari pang mag-apply ng indemnity claims sa mga magsasaka
01:15gamit ang kanilang libreng insurance sa Philippine Craft Insurance Corporation.
01:20Ito ay alinsunod sa mandato ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
01:25na matulungan ang mga magsasaka sa anumang panahon o kalamidad
01:29upang madagdagan ang kanilang kita at makamit ang food security ng bansa.
01:35Mula sa Lawag City para sa Integrated State Media,
01:38Jude Pitpitan ng Radio Pilipinas, Radio Publiko.