- 5 months ago
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, September 20, 2025:
P60-B surplus sa PhilHealth, ibinalik para sa mga serbisyo ng ahensiya, ayon kay PBBM
Mga residente at awtoridad sa norte, naghahanda para sa Bagyong Nando
Ilang taga-Aparri, Cagayan, maaga nang pinalikas
Lahat ng public at private schools (all levels) sa Tuguegarao City walang F2F classes sa Sept. 22, 2025
Isa sa magka-angkas na nanalisi sa nakaparadang pickup, arestado
Mga raliyista sa Hagonoy, nakalublob sa baha | Rally sa People Power Monument at Luneta, pinaghahandaan
65-anyos na mekaniko, kritikal sa pamamaril ng gunman na inakala raw na customer
Pag-ulan naranasan sa Baguio | Ilang turista sinulit ang pamamasyal
Bagyong Nando, lalong lumakas at posibleng maging super typhoon
Student beep cards na may 50% discount sa LRT at MRT, inilunsad
Hulicam — salpukan ng dalawang rider
Iba't ibang sining at produkto sa Antipolo, tampok sa isinagawang 3-day Tourism Fair
Ex-DPWH Engr. Hernandez, umuwi ng Bulacan para mangalap ng dagdag na ebidensiya
Taas-presyo sa petrolyo nakaamba sa susunod na linggo
Kaboses ni Kuya Kim Atienza, kinaaaliwan online
P60-B surplus sa PhilHealth, ibinalik para sa mga serbisyo ng ahensiya, ayon kay PBBM
Mga residente at awtoridad sa norte, naghahanda para sa Bagyong Nando
Ilang taga-Aparri, Cagayan, maaga nang pinalikas
Lahat ng public at private schools (all levels) sa Tuguegarao City walang F2F classes sa Sept. 22, 2025
Isa sa magka-angkas na nanalisi sa nakaparadang pickup, arestado
Mga raliyista sa Hagonoy, nakalublob sa baha | Rally sa People Power Monument at Luneta, pinaghahandaan
65-anyos na mekaniko, kritikal sa pamamaril ng gunman na inakala raw na customer
Pag-ulan naranasan sa Baguio | Ilang turista sinulit ang pamamasyal
Bagyong Nando, lalong lumakas at posibleng maging super typhoon
Student beep cards na may 50% discount sa LRT at MRT, inilunsad
Hulicam — salpukan ng dalawang rider
Iba't ibang sining at produkto sa Antipolo, tampok sa isinagawang 3-day Tourism Fair
Ex-DPWH Engr. Hernandez, umuwi ng Bulacan para mangalap ng dagdag na ebidensiya
Taas-presyo sa petrolyo nakaamba sa susunod na linggo
Kaboses ni Kuya Kim Atienza, kinaaaliwan online
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Thank you very much.
00:30Sa pagbisita kanina ni Pangulong Bongbong Marcos sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila,
00:38kaugnay sa Zero Balance Billing Program, isang magandang balita ang inanunsyo niya.
00:42Lahat yung mga savings natin na bago na galing sa iba't ibang departamento but mainly from Department of Public Works and Highways,
00:52yung 60 billion na yan, ibabalik na natin sa PhilHealth, gagamitin na natin yan para palawakin pa ang servisyo ng PhilHealth.
01:042024, inutos ng Department of Finance na ilipat sa National Treasury ang sobrang pondo ng PhilHealth na aabot sa 89.9 billion pesos,
01:13alingsunod sa probisyon ng 2024 General Appropriations Act.
01:18Mula May 2024, hanggang bago mag-issue ng Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema noong November 2024,
01:25nasa 60 billion pesos na ang natransfer ng PhilHealth sa National Treasury.
01:31Ngayong may babalik na ang 60 billion pesos sa PhilHealth ayon sa kagawaran,
01:36makatutulong raw ito para mapalawin nila ang ilang programa at servisyo,
01:40kabilang na ang libre gamot para sa mahigit limampung medesina at libre screening para sa ilang uri ng kanser.
01:47We are very much appreciative of this new development.
01:53It will actually help us more in sustaining our benefit expansion and the optimization of our services.
02:04This is also a reflection na kahit paano tayo ay napapagkatiwalaan ng ating gobyerno.
02:11Nakakatulong din kasi siyempre pag may ganyan ka, maganda din yung palalawakin pa.
02:18Maganda yun na gagawin nila is mababalik nila sa PhilHealth yung pera para may tulong sa mga mamayang Pilipino.
02:25Nakabingbin pa sa Korte Suprema ang petisyon laban sa paglilipat ng pondo.
02:30Nitong Abril nang tapusin ng SC ang oral argument sukol dito.
02:34Suportado ng Department of Finance ang desisyon ng Pangulo na dagdagan ang pondo ng PhilHealth
02:39para sa pagpapalawig ng benepisyo at servisyo nito.
02:42Ang DOF daw ang nagrekomendang ibalik ang 60 billion pesos.
02:47Naging factor o mano ang pagkakaroon ng fiscal space dahil sa pagpapahinto sa ma-flood control project.
02:53Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
02:58Naka-alerto sa Bagyong Nando ang mga probinsya sa Norte at may mga maagang nag-ani ng pananim.
03:05Meron din mga mangingisdang ng huli na bago pa sumungit ang lagay ng panahon.
03:11Mula sa lawag, Ilocos Norte, Nakatutok si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
03:16Sandy?
03:17Piyahada na rin makipag-tulungan sa disaster preparedness and response ang DPWH.
03:26Katunayan niyan, may ilang mga heavy equipment nang nakadeploy sa ilang mga lugar sa probinsya ng Ilocos Norte.
03:36Habang hindi paramdam ang bagyong nando sa Lawag City, sinasamantala ng mga mangingisda na pumalaot para may mahuli.
03:42Habang magandang panahon, kung garati na yung bagyo, wala na.
03:47Inaayos na rin nila ang mga bangka para hindi tangayin.
03:50Naka-alerto na ang Ilocos Norte DRRMO.
03:53Deployed na sa iba't ibang bayan ang ilan sa mga search, rescue and retrieval equipment ng probinsya.
03:59Sa mga critical areas kasi ongoing din ang clearing operation at desilting sa waterways.
04:05Kahapon ang nasabi is Pauay, Sulzona and Pasukin.
04:09Mahigpit ding minomonitor ang pag-apaw ng mga creek.
04:12At ilog sa mga barangay katuwang ang Philippine Coast Guard na nagbabantay naman sa coastal area sa rehyon.
04:18Nagsagawa na rin ang Oplan Waragawag, ang mga otoridad upang abisuhan ang mga may alagang hayop na isecure na ang mga ito bago pa manalasa ang bagyo.
04:29Sa ngayon, bawal ng mangisda at maligo sa dagat sa lawag.
04:32Ang ilang magsasaka, nag-ani na rin ang kanilang palay.
04:36Gayon din ang mga magsasaka sa kasiguran aurora.
04:39Sa Sabtang Batanes, tinalian na ng mga residente ang mga bubong ng kanika nilang bahay.
04:44Nakahanda na rin ang relief goods sa mga evacuation center.
04:47Nakaalerto rin ang otoridad sa Batanes.
04:49Pia, naglabas na rin ang abiso ang otoridad patungkol sa storm surge sa probinsya ng Cagayana at Ilocos Norte
05:04na kung saan inaasahan ang pagtaas ng alon mula dalawa hanggang tatlong metro bunsod ito ng Baguong Nando.
05:12Pinapayuhan ang mga residente sa tabing dagat na maghanda na para sa posibleng paglikas.
05:17Pia, maraming salamat, Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
05:23Bago pa man ang inaasahang hagupit ng Baguong Nando, lumikas na mga residente sa isang barangay sa Apari, Cagayan.
05:31Pero pahirapan pa rin ang pagpapalikas sa ibang residente.
05:34Kumusayin natin ang sitwasyon doon sa Pagtutok Live ni Nico Wahe.
05:39Nico.
05:39Ivan, nagikot na ang MDRRMO ng Apari para abisuhan at palalahanan na kanilang mga residente sa posibleng maging epekto ng panalasa ng Baguong Nando.
05:52Isa ang Apari, Cagayan sa mga posibleng tamaan ng Baguong Nando.
06:00Kanina kasamang MDRRMO, tinungo namin ang Sitio Zimay sa Barangay Padaya,
06:05isa sa mga lugar na una raw nilang inililikas kapag may parating na malakas na bagyo.
06:09Pag naba kasi sir, ay hindi siya napapasok ng mga malit na sasakyan.
06:14Ito po, mayroon tayong paparating na bagyo. Lahat po ay magingat, maghanda.
06:19Si Donna na nakatira sa gilid ng ilog, isa raw sa mga residente ang agad lumilikas bago pa dumating ang bagyo.
06:24Lumalaki po yung tubig.
06:26Tapos?
06:27Tsika yung mga bahay po, nasisira yung...
06:30Pero may ibang hindi maiwan ang bahay.
06:32Hindi po, doon lang po kami sa bahay. Medyo mataas naman po doon.
06:36Sanay na sa bahas sir.
06:37Prioridad din sa pre-emptive evacuation ng mga nasa coastal area.
06:41Wala pa man ang bagyong nando pero malalakas lang alon sa bahaging ito ng Apari-Cagayan.
06:46Dati-dati, kapag malakas ang bagyo at mataas ang alon, lumilipat daw yan dito sa mga sakahan.
06:52Kaya naman, ginawa ito nga mas mahaba at mas mataas na sea wall
06:56para kapag dumating ang malalakas na bagyo at umalon muli ng malalaki,
07:00ay hindi na masisira ang mga pananim.
07:03Handa na raw ang evacuation centers ng Apari para maging pansamantalang tutuluyan ng mga residente.
07:09Naka-preposition na rin ang mga relief goods na kanilang ipapamahagi.
07:12Events ngayon ay medyo malakas at mataas na ang alon dito.
07:21Sabay bayin na ito ng Apari-Cagayan.
07:24Kaya yung mga manging isda ay iniangat na dito sa mas mataas na bahagi yung kanilang mga bangka.
07:31Pero inaasahan nila na kapag lumakas yung bagyo at mas mataas pa yung alon,
07:36ay baka ilagay pa nila sa mas mataas pang area itong kanilang mga bangka.
07:40Yan muna ang latest mula rito sa Apari-Cagayan. Balik sa iyo, Ivan.
07:44Ingat! Maraming salamat, Nico Wahe.
07:48At dahil sa Bagyong Nando, suspendido ang face-to-face classes sa Tugigaraw City sa Cagayan sa Lunes.
07:54Ay sa LGU, sakop niyan ang lahat ng antas mula po elementarya hanggang kolehyo sa mga public at private schools.
08:01Manatili po nakatutok sa 24 oras para sa iba pang anunsyo.
08:07Sa matala, arestado ang isa sa dalawang na huli cam na nanalisi sa isang nakaparadang pickup sa Quezon City.
08:14Ang mga suspect, binasig ang bintana ng sasakyan para makapagnakaw.
08:19Nakatutok si Marisol Abduraman.
08:25Biglang tumigil ang magkaangkas na rider na ito nang makita ang isang nakaparadang pickup truck
08:30bumaba ang angkas at tila may sinipat sa sasakyan.
08:33Maya-maya pa, may mga bit-bit na itong bag.
08:36Binasag na pala nilang bintana ng pickup at tinangay ang mga gamit sa loob ng sasakyan ng biktima na isang negosyante.
08:43Pumarada lang doon noon dahil na ng halian.
08:45Pagbalik nila, nakabukas na yung window. Basag na po.
08:48Kuya, mga yan, by chance talaga eh. At makikita mo sa profile nila, mga hindi tiga dito sa Quezon City.
08:56Sa loob lang ng ilang segundo, nakuha ng suspects ang dalawang mamahaling laptop, baril at mga bala at iba pang personal na gamit.
09:04Mayroon din din yan ginagamit na device para mabilis din nilang pag makikita nyo po sa video na ilang seconds lang nilang ginamit.
09:14Agad nag-follow up ang QCPD, matapos ma-report sa kanila ang insidente.
09:19Kaya makalipas lamang ang isang araw. Huli ang isa sa mga suspects.
09:25Nabawi sa kanya ang mga ninakaw na gamit.
09:27Na-recover din ang motrosiklo na ginamit sa krimen kung saan nakita ang mga suot nilang damit ng araw na nagnakaw sila.
09:33Hindi na itinagin ang narasang suspects ang krimen.
09:36Takagipitan lang po.
09:38Ano ang usapan nyo?
09:40Magkakatiinan lang daw po kami sa pera.
09:42Pag nabenta daw po yung gamit.
09:45Kilala na rao ng QCPD ang isa pang suspects na hanggang ngayon ay at-large pa rin.
09:50Dati na rin daw itong nasangkot sa iba't ibang krimen.
09:53Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman.
09:58Nakatuto, 24 oras.
10:00Sa gitna ng paghahanda sa malakas sa bagyo, pinaghahandaan din ang inaasahan mga kilos protesta kontra katewulian bukas.
10:16Ngayong besperas ang protesta sa mga kinurakot umanong proyekto kontra baha.
10:20May demonstrasyon na sa Hagonoy, Bulacan habang nakalublub sa baha ang mga ralayista.
10:25Pula sa Quezon City, Nakatutok Live, Sibon Aquino.
10:28Bon!
10:32Ivan, dito sa Metro Manila, puspusa na ang paghahanda para sa rally kontra korupsyon bukas.
10:38Pero sa Hagonoy, Bulacan, may patikim na ng protesta sa gitna ng baha.
10:42Sama-samang lumusong sa baha ang mga tagahagonoy bulacan na nagprotesta laban sa mga kinurakot umanong flood control project.
10:58Sigaw nila, pagtindik sa laban, sa korupsyon at pagresolba sa paulit-ulit na problema ng baha sa kanilang bayan,
11:05lalo na kung high tide at may sama ng panahon.
11:08Bago ang marcha, nagdaos ng misa sa dambanan ng Santa Ana.
11:11I-pinanawagan din nila na mapanagot ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan.
11:17Kasama ng mga residente ang iba't ibang sektor tulad ng simbahan, kabataan, mga PWD, Toda, Guro at Bangingisda.
11:24Suportado rin ng lokal na pamalaan, pulisya at mga bombero ang tilos protesta.
11:28Agang sa kayun po, ang ating mga paa ay nakababad po sa tubig baha.
11:37Ang bayan po namin, ang sinamantalan ng limpak-limpak na hangaring sakim na napunta po sa bulsa ng ilay.
11:45Sawang-sawa na po kami. Napakahira po.
11:47Kung sana-sana po, maranasan nila yung mga nararanasan kami para alam po nila yung kalbari yung binibigay sa amin ng bahay.
11:54Sa People Power Monument sa Quezon City na isa sa pagdarausan ng anti-graft protests bukas,
12:04may mga nakasabit na tarpulin at may nagwawagayway ng watawat habang may mga pulis na nakabantay.
12:10Tiniyak ng grupong simbahan at komunidad laban sa katiwalian o siklab na hindi magiging marahas ang kilos protesta
12:17sa People Power Monument bukas September 21.
12:20Pag kondina sa korupsyon, ang ipaglalaban nila at hindi pagpapalit ng liderato.
12:25Pero nais nilang himuki ng Pangulo na baguhin ang legacy ng kanyang ama at talikuran ng korupsyon.
12:30Ang mga biktima ng bagyo at baha dahil sa korupsyon ang pagsasalitain nila.
12:35Iba't ibang grupo din ang magmamarcha patungo sa Rizal Park sa Maynila.
12:39Ayon sa taong bayan, ayos sa magnanakaw at abusado Network Alliance o Tama na,
12:43maaga pa lang ay magsisimula na magtipon ang mga lalahok sa rally para magmarcha patungo sa Rizal Park.
12:50Kaya ano man ang kulay, pwedeng-pwedeng pumunta.
12:55Basta ang pakisuyo lang hoon natin, walang magbibit-bit ng placard o streamer
13:00na ang panawagan ay pabor sa isang politiko.
13:04Ito ay calling the Marcos administration and all past administrations to account.
13:08So, in terms of yung pag-resign o wala kaming gano'ng panawagan.
13:14Sa Maynila, nag-inspeksyon sa Menjolat sa LRT Tuligarda Station si PNP Chief Lieutenant General Melencio Nartates Jr.
13:27Maximum tolerance daw ang ipatutupad ng PNP.
13:31Wala raw silang namomonitor na destabilization plot.
13:35Nakikita raw nilang maayos at mahinahon ang magiging aktividad,
13:38pero nakaanda raw sila sa anumang pwedeng mangyari.
13:41Ivan, sabi ng Civil Service Commission ay hindi naman daw nila pagbabawalan yung mga empleyado ng gobyerno
13:48na lumahok sa kilos protesta.
13:50Dito naman sa People Power Monument ay nag-setup na ng mga tent yung mga polis
13:55maging yung ilang mga lalahok sa kilos protesta bukas.
13:58Ivan?
13:59Maraming salamat, Bon Aquino.
14:04Kritikal sa pamaril ang isang mekanikong senior citizen sa Laguna.
14:07Ang suspect na nagpabalik-balik sa kanilang talyer, arestado.
14:12Nakatotok si Jomera Presto.
14:18Tandad ng tama ng bala ang kotseng ito sa talyer sa San Pedro Laguna.
14:23Alas 9 kagabi ng pagbabarili ng kotse at ang lula nitong 65 years old na mekaniko.
14:28Ayon sa kaanak ng biktima,
14:30hanggang man na inakala pa nilang customer,
14:33apat na beses nagpabalik-balik sa talyer.
14:35Hindi raw nila makausap ng makayos ang sospek,
14:38kaya tinawag na nila ang tsuhing may-ari ng talyer.
14:41Pero nang kausapin ang biktima ang sospek,
14:43bigla raw siyang naglabas ng baril mula sa bag.
14:46Tinanong po na tito ko, ba't may baril ka?
14:48Ang sagot niya po,
14:49siyempre may pera ako kaya kong bumili ng baril.
14:51Nasa gilid na po kami, wala na po kami magawa eh.
14:53Ito yung kotse na sinakyan ng senior citizen na biktima
14:57nang papunta sana siya sa barangay para magsumbong.
15:00Pero habang umaatras ang kotse,
15:02bigla raw binaril ng gunman ang likurang bahagi ng gulong nitong sasakyan
15:06bago niya tuluyang pinagbabaril ang biktima.
15:10Agad na isugod sa ospital ang biktima na critical matapos mabaril sa dibdib.
15:14Hagip sana aktual na pamamaril sa CCTV na yan,
15:17pero hindi pa nagbibigay ng kopya ang mga otoridad.
15:20Casual lang daw na naglakad palayo ang sospek,
15:22pero bumalik makalipas ang 30 minuto.
15:25Mabuti na lamang at may mga pulis sa lugar,
15:27kaya nahuli ang sospek at nakuhanan ng customized na caliber 45 na baril.
15:31Hawak na siya ng San Pedro City Police at maharap sa reklamong frustrated murder.
15:36Sinusubukan pa siyang makuhanan ng pahayag.
15:38Ayon sa pulis siya, tagamon talban rizal ang sospek
15:41at hindi pa malinaw kung ano ang kanyang pakay ng mapadpan sa Laguna.
15:44Tingin nila, binalikan talaga ng sospek ang biktima.
15:47Kasi ano pa to eh, buhay pa yung biktima.
15:50So probably baka may ano pa siya, intention.
15:54So sinacheck namin po yun.
15:56Then sinacheck na namin yung probability na may kasama pa siya doon sa during sa incident.
16:01Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
16:08May paghula na rin sa Baguio City sa gitna ng paghahanda sa Baguio Nando.
16:13Nakaalerto ang mga autoridad sa mga landslide prone area.
16:16At ang mga turista naman sinulit ang pamamasyal.
16:20Nakatutok doon live si John Cunzuta.
16:23John?
16:24Pia, nakaalerto na nga ang labing tatlo municipalidad ng Cordillera Administrative Region
16:32bilang sinasahang epekto ng pagpapalapit na Baguio Nando.
16:41Dinatnan namin sa Baguio ang pamilya Favis mula Quezon City.
16:45Nakatatapos lang mag-strawberry picking.
16:48Sinamantala na nila ang pagkakataon habang hindi pa masungit ang panahon.
16:52Kahit alam nilang may paparating na Baguio, tinuloy pa rin nila ang pag-akyat sa Baguio.
16:57Kasi sayang po yung booking namin eh.
17:00Bawal naman po i-cancel.
17:02Stay lang talaga sa hotel pag masama ang panahon.
17:05Malayo-layo pa ang Baguio Nando pero maya't maya na ang pag-uulan sa Baguio City at karating na morisipyo.
17:12Ayon sa Benguet PDRRMO, ipinatutupad ang road closure sa bahagi ng Baguio-Buwa-Itogon Road
17:19na sa ongoing clearing operations sa landslide na naganap sa lugar.
17:23Pero may binuksang alternate route para tuloy-tuloy ang biyake mula Baguio papuntang Itogon-Benguet.
17:29Nakastandby na rin daw ang ilang equipment ng probinsya at DPWH para sa mga landslide-prone areas sakaling kailanganin.
17:37Hinihikayatin daw ang pag-aaning sa mga taning na gulay at prutas bago tuluyang sumama ang panahon.
17:43Sa ngayon, Pia, ay bahagyang humina itong pag-ulan itong bahagi ng Burnham Park ito sa Baguio City.
17:54Kung kaya naman ang ating mga kabayan ay sinasamantala itong pagkakatoong ito para pumasyal kasama ka din ng mga mahal sa buhay
18:01habang hindi pa ganap na ramdam ang epekto ng papalapit na Baguio.
18:06Yan mo nalitin sa Baguio City.
18:09Balik siya, Pia.
18:09Maraming salamat, John Consulta.
18:14Mga kapuso, alamin natin ngayon ang latest sa Typhoon Nando mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
18:21Amor.
18:24Salamat, Ivan.
18:25Mga kapuso, lalo po po lumalakas ang bagyong nando na posibleng ang maging super typhoon
18:30at habang patuloy ang paglapit niyan sa lupa, nagsimula ng magtaas ng wind signal ang pag-asa.
18:35Signal number one na po sa Batanes, ganun din sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, northeastern portion ng Nueva Vizcaya, Apayaw at ganun din sa Kalinga.
18:46Signal number one din dito sa Abra, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur, northern at central portions ng Aurora at pati na rin sa northern at central portions ng Catanduanes.
18:58Mas madadagdagan pa yan habang lalong lumalapit ang bagyong nando at kapag naging super typhoon nga itong bagyo, ay aabot ang pinakamataas na babala sa signal number five.
19:09Bukod po sa mga pagulan at bugso ng hangin, maging handa rin sa banta ng malalaking alon at storm surge o daluyong.
19:16Huling namataan ang mata ng bagyong nando sa layong 770 kilometers silangan ng Echage, Isabela.
19:23Taglay po nito ang lakas ang hangin na aabot sa 140 kilometers per hour at yung bugso po niyan aabot na sa 170 kilometers per hour.
19:32Ito po ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
19:37Ayon sa pag-asa, posibleng dumaan malapit o mag-landfall ang bagyong nando dito yan sa Batanes o Babuyan Islands lunas ng hapon o gabi.
19:46Martes ng umaga ay posibleng nasa labas naman na po yan ng Philippine Area of Responsibility.
19:51Pero mga kapuso, pwede pang magkaroon ng pagbabago sa paghilos nito kaya patuloy po ang tumutok sa updates.
19:57Unti-unti nang nakaka-apekto yung trough o buntot ng bagyong nando dito po yan sa ilang bahagi ng Luzon.
20:02Kita na po yan sa mapa, humahampas na po yung mga kaulapan yan dito sa ilang bahagi po ng Luzon at Visayas.
20:08At ito naman po, pinapalakas po nito, hinahatak na habagat, e magpapaulan din sa natitirang bahagi po ng Pilipinas.
20:15So combined effects po ng bagyo at ng habagat, asahan po natin magdudulot ng masamang panahon.
20:20Base po sa datos ng Metro Weather, bukas kung kailan may kabi-kabilang protesta sa iba't ibang bahagi ng bansa.
20:27Umaga pa lang may chance na po ng mga kalat-kalat na ulan dito yan sa Bicol Region,
20:32ganun din sa may Eastern Visayas, Mimaropa, Calabar Zone, Western Sections ng Central Luzon
20:38at ganun din sa ilang bahagi po ng Visayas at Mindanao.
20:42Pag sapit naman ng hapon, halos buong Luzon na ang uulan din.
20:46Mula po yan sa may Extreme at Northern Luzon, ganun din dito sa may Central Luzon,
20:50Southern Luzon kasama po ang Calabar Zone at Mimaropa, ganun din sa Bicol Region.
20:55May mga pag-ulan din po tayo nakikita sa malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
21:00Maraming lugar na ang mag-uumpisang makaranas ng malalakas na buhos ng ulan,
21:05kaya maging handa po sa bantanang baha o landslide.
21:08Sa Metro Manila naman, umaga pa lang ay maulap na po ang panahon
21:12at bago magtanghali ay posibleng meron ng mga kalat-kalat na ulan sa ilang lungsod.
21:17Pwedeng magpatuloy ang mga pag-ulan sa hapon at maulit sa gabi, kaya dobli ingat.
21:23Pag sapit po ng lunes, nasa Northern Luzon pa rin at ganun din sa may Extreme Northern Luzon,
21:27yung pinaka matitinding buhos ng ulan.
21:30At kitang kita po dito sa ating mapa, yung lawak ng sakok nitong bagyong nando.
21:34Maulan din sa iba pang bahagi po ng Luzon.
21:37At ganun din dito, meron din po mga pag-ulan sa ilang panig ng Visayas at Mindanao,
21:42dahil naman po yan sa habagat.
21:44Yan muna ang latest sa ating panahon.
21:46Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center,
21:50maasahan anuman ang panahon.
21:55Inulansad po ngayong araw ang mga student beep cards sa LRT at MRT
21:59na may automatic 50% discount para sa mga estudyante.
22:03Nanguna po kanina sa paglulunsad si Pangulong Bongbong Marcos.
22:07Ipinakita rin ang proseso at pag-imprenta sa beep cards ng pangalan ng mga pasaherong estudyante.
22:13Ay sa Pangulo, pinabilis na ang proseso na kailangan lang ng patunay na estudyante ang pasahero.
22:18Ay sa DOTR, tinatay ang 400,000 estudyante ang makikinabang dito.
22:23At sapat rin daw ang supply ng beep cards na maaari na rin lagyan ng load gamit ang mga e-wallet.
22:29At tiniyak din ang pagpapabuti ng mga pasilidad ng istasyon tulad ng mga restrooms.
22:37Dati, ang beep card, bago mo makuha yung beep card, 7 to 10 days ang processing.
22:45Ngayon, 3 minutes na lang.
22:47Napakalaking tulong yan dahil alam naman natin, students are on a very, very tight budget.
22:52Ang iba't ibang sining at produkto ng antipolo ay binida sa 3-Day Tourism Fair na layong ipromote ang turismo sa lungsod.
23:05Nakatutok si Bon Aquino.
23:11Pag sinabing antipolo, walang dudang binabalik-balikan ang kanilang kasoy at suman.
23:17Ang sikat na hinulugang tak-tak.
23:21At ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.
23:26Instead of going elsewhere in the other countries for faith, but hindi na pupunta sa antipolo or the Philippines, which we have the first international shrine.
23:38Para lalo pang isulong at ipromote ang turismo sa antipolo.
23:44May 3-Day Tourism Fair, kung saan kabilang sa mga tampok ang Carolina Bamboo Garden, Flores Garden at Ed's Farm.
23:52Ang Ed's Farm is a nature haven.
23:56Pareho din ang Flores Garden, which is now becoming a wedding destination and event destination.
24:03Nakadisplate ang iba't ibang klase ng kawayan, pati mga edible at medicinal weeds.
24:08Gusto namin makita nila na sa maliit na lugar sa Baryo Tansa, meron palang isang garden that is a classroom.
24:19Marami kayong matututunan doon.
24:22At saka meron kaming bambusetong at pinapakita namin yung iba-ibang klaseng bambu.
24:28Ang Flores Garden, maglulunsa din ang produktong mula sa vanilla beans.
24:33Pagdating sa sining, hindi magpapahuli ang mga taga-antipolo.
24:36Tinatap na rin po namin siyempre ang culture and arts aside from the destination.
24:43Like itong mga paintings na ito, ina-encourage po namin ang mga artists na to come out.
24:50Pagpatuloy po natin ang pag-innovate sa ating craft.
24:54At magagawa po natin yan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting collaboration sa kasama natin sa industriya.
25:01Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
25:06Umuwi sa Bulacan si dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Bryce Hernandez
25:21para makakuha ng dagdag na ebidensya para sa imbisigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
25:27Nakatutok si Darlene Cai.
25:28Pasado alas 7 ng umaga, kanina umalis sa Senado ang convoy,
25:35lulan si dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Bryce Hernandez.
25:40Pinagang siyang umuwi sa Bulacan ngayong araw para mangalap ng dagdag na ebidensya
25:44kaugnay sa ginagawang imbisigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanumalyang flood control projects.
25:51Mahigpit ang siguridad sa kalye kung nasaan ang bahay ni Hernandez.
25:54May nakapwesto ang mga polis at kaunin ng barangay na nag-check sa bawat pumapasok.
25:59Sa isang mensahe, kinumpirma ni Senate President Tito Soto ang anyay heavily guarded o bantay saradong pag-uwi ni Hernandez.
26:06Yes, natuloy po siya and as we speak, andun po siya ngayon, nagkahanap ng mga ebidensya.
26:12I don't want to preempt anything muna.
26:15Gusto ko manggaling kay Bryce kung anong ebidensya po mahanap niya.
26:18And then rest assured na once na nakuha namin, na-collate po namin, and at the right form, we will divulge all this.
26:27Nabigyan din daw si Hernandez ng pagkakataong makasama ang kanyang pamilya.
26:30Kasama rin daw sa inaasikaso ng kanilang kampo ang pagsuko ng dalawa pang luxury vehicles ni Hernandez sa ICI o Independent Commission on Infrastructure matapos ang pagsauli niya ng isang sasakyan kahapon.
26:41Because it's not the right thing to do. We just don't know exactly when. But I think the only thing that's preventing him from doing so are logistical problems.
26:53Patuloy rang makikipagtulungan si Hernandez sa mga investigasyon sa maanumalyang flood control projects. Pero hindi sila kontento sa naging takbo ng mga pagdinig sa Senado.
27:02He was also frustrated kasi he went there. He went to the Senate ready, ready to reveal what he knew. And yet he's never given an opportunity.
27:12May mga questions yan. Yes or no lang ang pinapasagot eh. Pero he would want to explain why this happened. Unfortunately, parang hindi po nangyari yun.
27:22Alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi ang ibinigay na oras kay Hernandez.
27:26Pagkatapos nito, sabi ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Ping Lakson, kailangan niyang bumalik sa Senado kung saan siya nakadetain mula ng makontem.
27:34Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
27:40Nakambana naman ang taas presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.
27:44Sa tansya ng kumpanyang Unioil, posible ang hanggang pisong dagdag sa kada litro ng gasolina.
27:4950 hanggang 70 sentimo naman ang posibling taas presyo sa diesel.
27:52Ayon sa Oil Industry Management Bureau, nakikitang may epekto sa presyuhan ang sanctions na Amerika at European Union sa Russia, sa gitna na rin ng patuloy na gera ng Russia at Ukraine.
28:03Mga kapuso, trivia muna tayo ha?
28:11Alam niyo ba na trendy ngayon ang kaboses daw ng kasama natin si Kuya Kim?
28:16Papasakaya siya sa OG.
28:18Kuya Kim, ano ba? Este, ano na?
28:21Kilala nang siya sa Pampagod Vibes ni Darlene Kay.
28:27Magandang gabi mga kapuso. Ako pong inyong Kuya Kim.
28:29Ay teka, ba't parang may mali?
28:34Kuya Kim, ano raw?
28:37Kuminsa na kayong namalikmata sa kanyang kafes na si Gong Yoo?
28:41Pwes ngayon, tama ang inyong naririnig.
28:45Ang Chivia King at Kuya ng Bayan na si Kuya Kim at Yanza, mayroon namang kaboses.
28:51Sa ganito klase lugar, tubo-tubo ang mga puno.
28:53Siya ang video editor na si Mon, na ang tila pagkakapareho ng boses kay Kuya Kim, patok online.
28:59Kuya Kim, ano kong masasabi niya?
29:02Chivia time!
29:03Si Mon, sideline niya raw ang pagiging voice actor.
29:06Ang hilig kong gayahin na kahit wala naman ang mga idea kung ano yung sinasabi ko.
29:12Mukhang ang talitalino po kasi.
29:15Hindi na gaya ko si Kuya Kim.
29:16Oh, alam niyo ba?
29:17Ito ay natagpuan noong 1977.
29:20Ang isang Japanese sailor mula sa Japan.
29:23Biro nga ng ilang netizens, siya raw ang Kuya Kim na medyo kinulang sa pag-review.
29:28Alam niyo ba?
29:31At nabuko na nga siya mismo ni Kuya Kim, ang kanyang panggagaya ni repose niya.
29:37Nagulat ako na parang kinikilig ako kasi idol ko si Kuya Kim.
29:42So ayun, sana hindi siya nga galit.
29:45Mag-cross kaya ang landas ng dalawa?
29:47Dahil kimportante ang may alam, yan ang ating aalamin sa mga susunod na araw.
29:52Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.
29:56At yan ang mga kwento this Saturday night.
30:01Ako po si Nelson Canlaspia, Ivan.
30:05Thank you, Nelson.
30:07Thank you, Nelson.
30:08Iba na yung tanong, no?
30:09Imbes na Kuya Kim, ano na?
30:10Kuya Kim, sino ka?
30:12Ikaw ba yan?
30:13Pag nakapikit ka, iisipin mo si Kuya Kim talaga yung nagsasalita.
30:17Tama, huwag ko ha, ang galing.
30:19Mga kapuso, maraming salamat po at abangan po ninyo bukas ang protesta ng bayan,
30:23ang special live stream coverage ng GMA Integrated News,
30:27gagay ng kabi-kabilang protesta kontra katiwalian.
30:30Tumutok po sa YouTube at Facebook pages ng GMA Integrated News mula alas 8 ng umaga.
30:37At yan po ang mga balita ngayong Sabado para sa mas malaking isyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
30:43Ako po si P.R. Canghel.
30:44Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
30:50Nakatoto kami, 24 oras.
Comments