Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang protesta ng bayan, ang special coverage ng GMA Integrated News sa mga protesta kontra katiwalian.
00:18Silipin natin ang sitwasyon sa pagtitipon sa luneta, mag-uulat si Darlene Cai.
00:23Darlene, anong latest dyan?
00:24Iban, napakarami pa rin ng mga tao dito sa luneta na lumhok sa kilos protesta kontra korupsyon.
00:35Katulad ng nakikita nyo dito sa aking likuran.
00:37Talagang wala ng espasyo sa pagitan ng mga tao.
00:40Sa pinakahuling tala o ulat mula sa Manila DRRMO ay may 49,000 yung crowd estimate as of 10.45pm.
00:51Yung mga tao dito sa luneta, nakakonsentrate sila dito sa kahabaan ng Rojas Boulevard sa tapat ng Rizal Monument.
01:01So nandito yung stage kung saan nagkakaroon at nagpapatuloy yung programa.
01:06Alas 9 pa ng umaga, nagsimula yan.
01:09Merong mga cultural performances na nagsasalita yung iba't ibang personalidad doon sa entaplado.
01:16Sa ngayon, ang nagsasalita ay isang profesor mula sa Universidad ng Pilipinas.
01:20Tapos bukod dito, Ivan, kahit galit na galit, mataas yung emosyon ng mga tao rito
01:28dahil nga sa kanilang panawagan ng paniningil, ng pananagutan doon sa mga sangkot sa korupsyon
01:34ay disiplinado naman at organisado naman yung pagkilos dito.
01:39Ang ibig kong sabihin ay payapa at peaceful pa rin yung protesta
01:43dahil yan din naman yung panawagan ng mga nag-organize itong kilos protesta.
01:47Pero sa kabila niyan ay hindi pa rin maiwasan yung ilang incidents
01:51dahil sa sobrang taas ang sikat ng araw at maalinsangan yung panahon.
01:56Meron nahilo, kanina binigyang humingi ng atensyon o ng pagtulong mula sa medical personnel
02:04at narinig din natin kanina mula sa entablado na may nawawala ng cellphone
02:10at meron ding nawawala na bata at isang PWD.
02:14So kasama yan doon sa ipinananawagan at inaanunsyo dito sa stage
02:17at agad naman silang tinutulungan ng mga nandito.
02:21Meron din naman mga medical personnel dito sa palibot ng luneta
02:24kasabay ng mga law enforcement personnel, mga polis na nakabalibot dito
02:30para pa rin siguruhin na magiging maayos at mapayapa yung sitwasyon dito sa luneta.
02:36Yan ang latest mula rito sa Maynila.
02:38Bala sa ibang!
02:40Salamat, mabalikan ka namin dyan para sa latest sa sitwasyon sa luneta, Darlene Kai.
02:46Baka puso para sa mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
02:50Ako po si Ivan Mayrina ng GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
02:56Magpapatuloy ang special livestream coverage ng GMA Integrated News
03:00sa aming YouTube at Facebook pages.
03:03Tutok lamang po.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended