00:00Bukod sa Bagyong Mirasol, dalawang bagyo pa ang binabantayan na posibleng pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility
00:07bukas na ayon sa pag-asa ay tatawaging Bagyong Nando.
00:11Sa ngayon, si Bagyong Mirasol ay nananatiling tropical depression na may lakas na 90 km per hour malapit sa gitna
00:19at nasa vicinity ito o bahagi ito ng Apayaw, binabaybay niya ang northern section ng Luzon.
00:25Magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulaan sa Ilocos Region at Cordillera Region
00:30ang habagat naman ang patuloy na magdadala ng maulap na panahon at isolated rains
00:35sa nalalabing bahagi ng bansa dito sa Visayas at sa Mindanao.
00:40Nakataas naman ang signal number one sa mga sumusunod na lugar sa Ilocos Region, Cordillera Region at Cagayan Valley Region.
00:47Base naman sa latest forecast track, lalabas ang Bagyong Mirasol mula sa Ilocos Provinces
00:54sa anumang oras ngayong gabi matungong Luzon Strait sa mabagal na 15 km per hour
00:59pero posible pang mag-intensify yan bilang tropical storm.
01:04Sa matala update naman sa climate, iniulat ng United Nations World Meteorological Organization or WMO
01:10na ang butas ng ozone sa ibabaw ng Antarctic ay mas maliit noong 2024 kesa sa mga nakalipas sa taon.
01:18At tuluyang mawawala na sa mga darating na dekada, ito ay sanhin ng natural atmospheric factors at matagumpay na pagkilos worldwide.
01:27Kinumpara ang forecast ng WMO na magre-recover ang butas ng ozone na nadiskurbe noong 1980.
01:35Dahil dito, tiyak na mababawasan ang risk ng skin cancer, cataracts at pagkasira ng ecosystem dala ng matinding UV exposure.