Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Tanggap ito ng chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestigarin sa flood control projects.
00:36Ang chairman naman ng House Infrastructure Committee may agam-agam sa isang napili.
00:41May unang balita si Mark Salazar.
00:47Karagdagan daw para sa pagbusisi sa mga maanumalyang flood control projects
00:51ang binubuong Independent Commission on Infrastructure o ICI ng Malacanang.
00:56Pero si House Public Accounts Committee Chairman Terry Ridon may agam-agam sa pagtalaga kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special advisor ng komisyon.
01:07Marami hong mga sinabi si Mayor Magalong na una laban sa House Infrastructure Committee.
01:13Ang sabi niya una, ito po ay yung anti-moral pejorative na parang lokohan lang.
01:20Pakalawa, sabi niya nagmamaang maangan po yung mga miyembro ng komite.
01:26Tapos pakatlo, ang sabi niya ho ay mga kriminal yung mga miyembro po ng komite po na ito.
01:35Welcome naman para kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson ang ICI.
01:42Lalo't hindi lang flood control projects ang iimbestigahan.
01:46Hiling din ng Senador, palawigin ang sumbong sa Pangulo website para isama ang lahat ng proyekto ng lahat ng ahensya.
01:53Ang detalye ng budget mula National Expenditure Program hanggang General Appropriations Act at lahat ng amyenda at nag-amyenda ng budget hanggang sa implementasyon.
02:06Pag-uusapan daw ng House Infrastructure Committee ang susunod na hakbang kapag gumalaw na ang ICI.
02:12Pero kung si Ridon ang tatanungin, dapat nilang tapusin ang sariling imbestigasyon.
02:18Magkaiba po yung mandato ng ICI at nito po ang House Infrastructure Committee.
02:24This is an inquiry in aid of legislation. So pwede po itong magtuloy-tuloy.
02:29Bukod sa sinisili pa ng Infracom ang mga proyekto sa Bulacan, nakapila rin ang mga proyekto sa Benguet at Davao City.
02:36Maraming po kailangan pag-usapan pa. So yung Benguet na pinantuhan po ng Pangulo kung saan siya ay nagsalita tungkol dun sa rock shed at tungkol po dun sa rock netting, gusto rin po natin siya sa atin.
02:49Very important and very timely po kasi na magpunta rin po roon kasi nga halos sa linggo-linggo hong nagbabaha sa Davao City ngayon.
02:58So I think very important to na maging bahagi po ng pagsisiyasat po ng komite yung usapin po ng flood control ng Davao City.
03:07Marami pa rin ani ang dapat sagutin ang mga diskaya gaya ng bakit simula 2022 lang ang kanilang ibinubulgar na korupsyon.
03:15Kailangan din daw kumpletuhin ang mga testigo mula DPWH Bulacan First District Engineering Office ang kanilang testimonya na nagsasangkot sa ilang senador.
03:25Kung magsabi naman ng Sen. Joel at Sen. Jingoy na gusto nilang magpunta sa house hearing, malaya po silang magpunta po roon at ibigay po ang kanilang side pero hindi po natin sila pepwersahin.
03:41Kinukuha pa namin ang panig ni Sen. Joel Villanueva tungkol dito.
03:46Pero sabi ni Sen. Jingoy Estrada sa GMA Integrated News, hindi niya kailangan dumalo sa pagdinig ng kamera dahil mayroong sarili ang Senado
03:55at aabangan niya raw si dating DPWH Assistant D. E. Bryce Fernandez para gisahin sa kanyang mga paratang.
04:03Sa Huwebes itutuloy ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.
04:06Inaasahan ng pagbabalik ng mga testigo kabilang si DPWH Engineer JP Mendoza na wala na sa house custody simula noong biyernes.
04:16Ito ang unang balita. Mark Salazar para sa GMA Integrated News.
04:21Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended