Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Samatala mga kapuso, taugnay naman po dun sa pagbibitew ni Mayor Benjamin Magalong.
00:06Nagbitew na nga po itong bilang advisor or special advisor ng Independent Commission for Infrastructure,
00:14itong si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
00:17Hindi pa malinaw sa ngayon kung tinanggap na ito ng Malacanang.
00:20Pero nauna rito ay pinagutos po ng palasyo sa kanilang legal team na i-review ang pagdatalaga kay Mayor Magalong sa kanyang posisyon.
00:28Narito po ang unang balita ni Jonathan Angad.
00:35Mayor Benjamin Benji Magalong, special advisor and who will act as investigator for the ICI.
00:43Dalawang linggo matapos i-anunsyo ang magiging papel ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ICI o Independent Commission for Infrastructure,
00:51iba na ang sinabi ng palasyo.
00:53So liliwanagin po natin, ang pagtalaga po sa kanya ng Pangulo ay bilang special advisor at hindi po lead investigator or in any other form na pag-iimbestiga.
01:05Kinagabihan, nag-resign si Magalong sa ICI.
01:08Sabi niya sa liham na ipinadala kay Pangulong Bongbong Marcos,
01:11ang pahayag daw ng palasyo tungkol sa kanyang trabaho na taliwas daw sa nakasaad sa kanyang appointment
01:16ay nagpapahina rao sa tungkulin at mandatong ipinagkatiwala sa kanya.
01:21Nagkaroon na rin daw ng duda sa kanya bilang bahagi ng ICI.
01:25Naging malinawa niya na hindi na kailangan ng kanyang servisyo.
01:28Nag-sorry si Magalong sa mga taga Baguio dahil naging busy rao siya sa ICI.
01:34Ang pahayag na ito ni Magalong, binanggit ni Yusek Castro sa kanyang briefing
01:37nang i-anunsyo niyang pinareview ni Pangulong Bongbong Marcos sa legal team ang pagtalaga kay Magalong.
01:43Binanggit din ni Yusek Castro na may mga puna ng pagbibigay kay Magalong ng trabaho bilang ICI special advisor habang siya ay mayor.
01:51Sabi ng isang labor group labag sa konstitusyon ang dalawang trabahong binigay kay Magalong.
01:56Nakasaad daw kasi sa Section 7 Article 9b na ipinagbabawal ang mga nahalal na opisyal
02:02na ma-appoint sa kahit anong opisina ng gobyerno habang sila ay nasa termino pa
02:07maliba na lang kung payagan ng batas o required sa hinihingyeng trabaho ng kanilang posisyon.
02:12Binanggit din ang palasyok ang puna na posibleng umanong may conflict of interest
02:17lalot may tennis court at parking area project sa Baguio
02:20na ang kontraktor ay St. Gerard Construction Company,
02:24kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Sarah at Curly Diskaya
02:28na sangkot sa mga maanumaliang proyekto sa gobyerno.
02:32Dati nang sinabi ni Magalong na ang proyekto maayos na isagawa at alinsunod sa batas.
02:37Nilinaw din muli ni Magalong sa kanyang pahayag na walang conflict of interest.
02:42Nagbitiw raw siya para protektahan ang integridad ng ICI.
02:46Anya hindi madali ang magbitiw pero naniniwala siyang kailangan niya itong gawin.
02:51Kahit wala na siya sa ICI, itutuloy niya ang laban kontra korupsyon.
02:55Hindi pa sinasabi ng palasyo kung tinanggap na ba ng Pangulo ang resignation ni Magalong
02:59pero sabi ni Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office
03:03na kalulungkot ang pagbibitiw ng alkalde sa ICI.
03:07Gate ni Gomez, mas mataas sa kahit na sino ang hinihingi ng taong bayan mula sa ICI.
03:13Iginagalang daw ng palasyo ang independence ng komisyon
03:15at dapat daw hayaan ito sa pagganap ng kanilang mandato.
03:19Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
03:24Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:26Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended