Natunton ng GMA Integrated News sa Quezon ang construction company na iniugnay ni dating DPWH Engineer Brice Hernandez kay Senador Jinggoy Estrada. Nadiskubre rin naming may ilang proyekto ang kumpanya roon na hindi pa tapos, kahit na 2024 pa ang target na completion date.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Natuntun po ng GMA Integrated News sa Quezon ang construction company na iniugnay ni dating DPWH Engineer Bryce Hernandez kay Sen. Jingoy Estrada.
00:12Nadiskubri rin naming may ilang proyekto ang kumpanya roon na hindi pa tapos kahit na 2024 pa ang target na completion date.
00:22Nakatutok si Ian Cruz.
00:23Lumutang ang pangalang WJ Construction nang banggitin nito ni dating District Engineer Bryce Hernandez kognay sa mga kickback na flood control projects.
00:35This was the time na mayroon pong project na binigay si Boss Henry Alcantara kay Ms. Beng Ramos through Ms. Mina of WJ Construction.
00:47So yun po yung ginamit na license or contractor.
00:51At dandyan po yung pag-uusap kung kailan po magde-deliver ng obligasyon dahil kailangan po ni Boss Henry.
01:00Nasangkot pa ang pangalan ni Sen. Jingoy Estrada dahil staff daw niya ang Beng Ramos na contact daw ng WJ Construction.
01:08Itinanggi ni Alcantara na may ganitong usapan at project.
01:12Itinanggi rin ni Sen. Jingoy na may kinalaman siya sa proyektong ito at wala rin daw siyang staff na Beng Ramos.
01:18Pero may CCTV daw na hawak si Sen. Blue Ribbon Committee Chair Pan Filo Lacson nang magpunta raw ang taga WJ Construction sa Senado.
01:27Dumalaw dito talaga yung WJ. Ang pangalan niya at Amina.
01:32Ipapatawag namin yun.
01:34Kasi tatanungin namin, although may idea kami kung saan siya nagpunta rito, kaninong opisina ang dinalaw niya.
01:40Sa sumbong mo sa Pangulo website, may isang proyekto na nakalista sa WJ Construction na Flood Mitigation Structure sa Estero de San Miguel sa Barangay 385 sa Manila City sa halagang 24.5 million pesos na may completion date na June 2024.
01:58Maayos ang proyekto at gumaga na raw ito, sabi ng kagawad sa lugar.
02:02Sa DPWH website naman, may iba pang proyekto ang WJ sa Maynila at Quezon Province.
02:09Sa Notice of Award document na ito mula sa DPWH website, may halos 10 milyong pisong kontrata na na-award sa WJ Construction para sa pagkapatayo ng Flood Control Mitigation Project sa Barangay 6, Lukman, Quezon.
02:23August 13 lang ito na-award.
02:25Dalawang araw lang matapos ang press briefing ng Pangulo tungkol sa mga flood control project.
02:32Nagpunta ang GMI Integrated News sa Lukman pero di naminahanap ang proyekto.
02:38Wala pa rin daw nababalitaan ang Municipal Engineering Office kung nasimula na ang proyektong ito.
02:44Ang meron daw na proyekto ng WJ ang konstruksyon ng Bypass and Diversion Road malapit sa bagong Municipal Hon ng Lukman na patungo sa bayan ng Tayabas at Pagbilaw.
02:54Sa Karatula, makikita na mahigit 68 milyon pesos ang proyekto na mula sa 2024 national budget.
03:02Nagsimula ito April 2, 2024 at dapat tapos na noong October 2024.
03:07Pero tila, di pa tapos ang proyekto.
03:10Sabi ng mga trabahador na nakausap namin, walang trabaho kanina dahil hindi raw magandang panahon.
03:15Hindi kasama ang WJ sa labin limang contractors na sabi ng Pangulo ay nakakuha ng bulto ng flood control projects mula toong 2022 hanggang 2025.
03:25Nakuha namin ang isinumiting audited financial statement ng WJ Construction sa Securities and Exchange Commission.
03:33September 21, 2021 ito nabuo.
03:36Isa itong one-person corporation.
03:38Ibig sabihin, iisa lang ang stockholder na ito.
03:42At ito na rin ang director at president.
03:44Base sa mga dokumento na isinumite sa Securities and Exchange Commission, isang Warren Jose ang panging stockholder, direktor at presidente ng kumpanya.
03:5430 milyon pesos ang capital stock ng kumpanya.
03:57Nasa Lucena City, ang opisina ng WJ Construction Corporation.
04:03Isang babae lang ang humarap sa amin.
04:05Ang legal officer daw nila ang magbibigay ng pahayag kaya iniwan namin ang contact number sa kanya.
04:11Ang babaeng nakausap din namin ang sumagot sa teleponong nakalagay sa DPWH document ng WJ Construction.
04:19Sa impormasyon ng City Hall ng Lucena, updated daw ang permit at pagbabayad sa City Treasurer's Office ng kumpanya.
04:25Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz sa Katutok, 24 Oras.
Be the first to comment