Skip to playerSkip to main content
Hindi lang naman ngayon may mga opisyal ng gobyerno na nasangkot sa katiwalian. Mula sa mga dating senador hanggang sa mga dating pangulo, marami nang naakusahan at meron pang nakasuhan. Ang tanong ng taumbayan, may napanagot ba noon... at paano naman ngayon?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sandra Aguinaldo
00:30May nakulong ng dating Pangulo, ilang Senador at mga dating opisyal ng gobyerno matapos madawit sa katiwalian.
00:37Nariyan ng kontrobersya kaugnay sa pagtanggap umano ng weting payola at stock manipulation na nauwi sa impeachment at pagpapatalsik sa pwesto kay dating Pangulong Joseph Estrada.
00:50Si Estrada nakulong at nahatulang guilty sa kasong plunder pero kalaunan ay nabigyan ng executive clemency.
00:56Nariyan ang umano'y maanumaliang NBN ZTE deal noong 2007.
01:02Maling paggamit ng pondo ng Philippine Charities Whipsticks at Fertilizer Fund Scam o pondo ng fertilizer na nagamit umano sa kampanya sa 2004 elections.
01:13Naaresto pa nga si dating Pangulong Gloria Arroyo at nakulong.
01:18Pero nakalaya din noong 2016 matapos mapawalang sala sa kasong plunder.
01:23Nakulong sa kasong plunder si Janet Lim Napoles at mga senador na sinabong Revilla at Jingoy Estrada habang na-hospital arrest si Juan Ponce Enrile.
01:34Pero napawalang sala si Revilla Estrada at Enrile.
01:37Ngayon si Napoles na lang ang nakakulong matapos mahatulat.
01:40Panahon ni dating Pangulong Duterte sa panahon ng pandemya, sinasabing may katiwalaan din na nalasa.
01:48Ang umano'y overpriced medical supplies na binili ng gobyerno sa Farmally Pharmaceutical Corp.
01:54Nasa korte pa ang kaso at nakakulong si Lloyd Christopher Lau, dating opisyal ng procurement service ng Budget Department.
02:01At ngayon nga, nalantad naman ang sabwatan sa maanumalyang flood control projects.
02:08Sa pagsusuri raw ng grupong Right to Know Right Now, isang Freedom of Information Advocacy Group,
02:14nakita nilang naging mas malawak at garapal ang katiwalaan sa flood control.
02:19So, nagbaba ng project si Ganyan, ang ganyang politiko, ibababa sa field, let's say sa DPWH.
02:30And that project was the result of, kaya na, that's why it was identified with the politician,
02:41is because it's the politician that was responsible for the insertion of that project in the GAA.
02:49At may sinasabi na, nalagay pa lang sa GAA, ay tumatakbo na yung SOP.
02:58Hindi pa na, hindi pa nagbabayaran o hindi pa nga nabibid, tumatakbo na yung SOP.
03:07Ngayon kaya nakikita, but how, you know, how brazen the system has become.
03:16Panawagan ng grupo sa gobyerno, tiyaking mapapanagot ang dapat managot.
03:23Si Pangulong Marcos may binuod ang Independent Commission for Infrastructure
03:26na hahabol sa mga nangurakot sa pondo para sa flood control projects.
03:31We have subpoena powers.
03:32We have enough authority to investigate anything and anyone.
03:35Sa ngayon, hindi pa rin pinapangalanan kung sino ang bubuo sa komisyon.
03:39Ang DPWH, nagsimula ng maghain ng mga kaso laban sa ilang opisyal ng kagawaran.
03:43Ang pangako ni Secretary Vince Dizon, hindi raw ito matatapos sa pagpapakulong ng mga sangkot.
03:50Kailangan ibagi ang pera ng tao nito.
03:53I will meet with the Anti-Money Gondery Council sa lunes para ma-discuss na natin
04:01ang possible freezing and later on forfeiture of assets ng mga involved depot sa graphing pangalakaw ng pondo.
04:14Gagawa rin daw sila ng mga pulisiya para masarhan ang butas na naginging daan ng katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.
04:22Pero paano matitiyak na kapag hubo pa na ang ingay at nabaling na ang interes ng publiko sa iba,
04:28patuloy na sisingilin ang mga nagkasala.
04:31Sabi ng Right to Know Right Now, dito papasok ang kahalagahan ng paglulukluk
04:37ng matinong ombudsman na magpupursige sa kaso.
04:41Naglabas din ang Right to Know Right Now koalisyon ng isang statement
04:45that calls for a bold and correct choice for the next ombudsman.
04:51One that is fiercely independent and proactive.
04:55The greater mandate and responsibility falls on the institutions
05:02constitutionally designed to provide us precisely that function.
05:08And that's the office of the ombudsman.
05:09Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang paghanap sa bagong ombudsman
05:13na hahalili sa nagretirong si Samuel Martires.
05:17Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended