Skip to playerSkip to main content
Hindi matunton ang isang dike project sa Naujan, Oriental Mindoro na idineklarang tapos na at pinondohan pa man din ng mahigit 192 million pesos. 'Di rin makita ang apat na iba pang proyekto! may report si Maki Pulido.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi matunto na isang DICEP o DICEP project sa nauha na Oriental Mindoro na dineklarang tapos na at pinunduhan pa man din ng mahigit 192 million pesos.
00:12Di rin makita ang apat na iba pang proyekto. May report si Maki Pulido.
00:20Kabilang ang Oriental Mindoro sa mga flood prone area na nabanggit ni Pangulong Marcos,
00:24pangontra sana sa baha ang mga DICEP project doon tulad sa Sitio DIC, Barangay Apitong, sa nauhan.
00:31Idineklara itong tapos na pero nang puntahan daw ng team ni Sen. Ping Lakson, wala silang nadat ng proyekto.
00:37Pinunduhan ito ng 192.9 million pesos.
00:42Pinuntahan ng GMA Integrated News ang Barangay Apitong at nakausap namin ang kanilang kapitan.
00:48Ito po ang Sitio DIC. Kahit isa pong project na Mega DIC wala po kayong makikita.
00:54Ay ako po, 50 years na dito, na nakatira. Ay wala po ito po Sitio DIC.
01:00Wala po kayong makikita po, year yata po ng 2024.
01:04Na sana kung naisagawa po yan, ay hindi na po naapituhan itong barangay namin.
01:09Sabi pa ni Oriental Mindoro, Governor Bonds Dolor, hindi rin mahanap ang apat sa anim na proyektong nakalista
01:15sa 2024 at 2025 General Appropriations Act na may kabuang halaga na mahigit isang bilyong piso.
01:22Sa 2024 budget, may dalawang DIC Esplanade Construction Project para sa Sitio DIC.
01:28300 million pesos ang halaga ng isa at 200 million pesos naman ang isa.
01:34Kung nakonstruct ba nito nila somewhere or hindi pa nila nagagawa, that I do not know.
01:40But definitely wala.
01:41Sa 2025 General Appropriations Act naman, may tatlo pang proyekto sa barangay Apitong na tig 300 million pesos.
01:50Dalawa lang ang nahanap ng kapitan, parehong nasa Sitio San Isidro ng barangay Apitong.
01:55Ang isa may mga nakatambak na bakal at ilang nakabaong sheet piles.
02:00Ayon sa kapitan ng barangay, Sunwest Inc. ang construction company na namamahala sa proyekto.
02:05Bakit nyo po alam na Sunwest?
02:07Ay yun po nakikipag-coordinate sa akin.
02:09Bakit po sila nag-coordinate?
02:12Pinalam po nila na may project po dito.
02:15Nakalinyang proyekto nito sa Sirang Dyke sa mag-asawang Tubig River na Sunwest din ang kontratista.
02:21Malaking bagay sana ang flood control project para sa mga residenteng nakararanas ng baha.
02:26Ay talaga nakakasama ng lobo yun.
02:29Ay binawawalang pera yun eh.
02:31Ang delikado pagkikito tumawid lang tapos gamit yung motor dahil po malakas ang agos.
02:36Sinusubukan pang kuna ng panig ang Sunwest Inc.
02:40Sabi ng media office ng Department of Budget and Management,
02:43aalamin pa nila kung nailabas na ang pondo para sa apat na proyektong hindi mahanap sa barangay Apitong.
02:49Bukod sa mga nawawalang proyekto,
02:51pinunari ni Lakso ng iba pang sirang flood control project
02:54sa mga bayan ng Baco at Nauhan na bahagi ng District 1 ng probinsya
02:58na posibli raw na congressional insertions.
03:02Pero sabi ni Oriental Mindoro 1st District Representative Arnan Panaligan,
03:06nakalista na mga proyekto sa National Expenditure Program
03:09na hinahanda ng Department of Budget and Management bago ihain sa kongreso.
03:14Gusto ko lang linawin na ang proponent niyan ay walang iba kundi ang DPWH.
03:20At iyan ay kasama na sa National Expenditure Program or NEP na dumadating sa kongreso.
03:29Sabi ng media office ng DBM,
03:31ang implementing agency tulad ng DPWH
03:33ang magsusumite sa kanila ng listahan ng mga proyekto
03:36para masama ito sa National Expenditure Program.
03:40Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag ang DPWH.
03:44Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:48Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:51Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments

Recommended