00:00Inasa na mas maraming Pilipino ang makikinabang sa Konektadong Pinoy Act
00:04na layong mapalawak ang coverage ng internet sa bansa.
00:08Yan ang ulat ni Rod Lagusad.
00:13Ganap ng isang batas ang Konektadong Pinoy Bill matapos maglaps ayon sa Malacanang.
00:18Layo ng batas na mapalawak pa ang maabot ng internet sa bansa at mapababa ang halaga nito.
00:24Kasama rin dito ang mapadali ang licensing process para sa mga internet service provider
00:29at makaikayat ng mga bagong player.
00:32Para kay Ronald na madalas naka-work from home,
00:34malaking bagay kung mababawasan ang gastusin sa internet service buwan-buwan.
00:39Malaking tulong kapag bumaba yung deal sa internet
00:42kasi ngayon currently yung binabayaran namin is nasa 2,000 plus na.
00:48So kung mas dadami yung player na magpaprovide ng internet,
00:52mas bababa yung consumption namin, yung babayaran.
00:55So malaking tulong siya sa amin.
00:56Makakagaan din sa bulsa ang bagong batas para kay Nanay Shirley.
01:01Mas maraming matutulungan kasi, lalo na ngayon sa mga presyo ng wifi or mga internet, data.
01:11So mas makakatulungan ngayon sa mas maraming.
01:13Sa bahagi ng Department of Information and Communications Technology,
01:17dahil sa batas ay masisiguro na ang pagkakaroon ng malawak,
01:20maaasan at abot kayang internet para sa bawat Pilipino.
01:23Ayon ka-sekretary Henry Aguda, hindi lang ito tungkol sa pagkakaroon ng network,
01:28kundi pagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino.
01:31Ayon sa kalihim sa pagkakaroon ng akses sa internet,
01:34nagsisilbi itong pundasyon para sa pagkakaroon ng kalidad na edukasyon,
01:38paglago ng industriya ng e-commerce,
01:40accessible na mga serbisyo mula sa pamahalaan,
01:43at mas matibay na mga komunidad.
01:45Binigyan din ng kalihim ang sinabi ng Pangulo
01:48na wala dapat na Pilipinong maiwan sa digital age.
01:51Ayon naman kay Senate President Francis Escudero,
01:55sa pagpasan ng batas,
01:56inaasahan niyang mas mabilis na rollout ng internet connectivity services
01:59sa bawat lugar sa bansa, maging sa mga baryo-baryo.
02:03Kasama ang Department of Economy, Planning and Development
02:05ay agad na magkupulong ang mga stakeholder
02:07para buuwi ng implementing rules and regulations nito
02:10sa loob ng siyamnapung araw.
02:12Pero kasabay nito,
02:13una nang pinuna ng Philippine Chamber of Telecommunications Operators
02:16ang panukala
02:16dahil sa usapin ng regulatory gaps at national security risk
02:19dahil hindi na requirement ang legislative franchise
02:22para sa mga new player.
02:24Aking kay Gudel,
02:25hindi pinapahina ng batas ang cyber security.
02:28Lahat ng telco na bago, napapasok,
02:32kailangan tumupad day one
02:34doon sa cyber security requirement
02:36ng DICT, CICC,
02:37at ng other government agencies.
02:40Dapat pareho sila ng mga dating telco.
02:42Yung dinagdag ng bata,
02:43sabi niya,
02:44hindi enough na meron kang cyber security compliance sa Pilipinas.
02:48Within two years,
02:50dapat meron ka na rin international certification.
02:54Dagdag pa ni Aguda,
02:55nakipag-usap na siya
02:56at naipaliwanag niya na sa mga telco
02:58ang panukala
02:59at naiintindihan siya ng mga ito.
03:01Inimbitahan na rin ang kalihima mga telco
03:03na makiisa sa gagawing konsultasyon.
03:05Sa inilabas na payag
03:06ni Converge ICT Solutions Incorporated
03:08CEO and co-founder Dennis Uy,
03:10sinabi nito na makikipaugunayan ito sa pamalaan
03:13para masiguro
03:14ang tamang implementasyon nito.
03:15Rod Lagusad
03:17para sa Pambansang TV
03:18sa Bagong Pilipinas.