00:00Inimbestigahan ng Senate Sergeant at Arms ang sumbong na may gumamit-umanon ng marihuana sa loob mismo ng gusali ng Senado.
00:08Sa incident report, pinangalanan ang pinaghinalaang staff bilang si Nadia Montenegro, na ngayon ay staff ni Sen. Robin Padilla.
00:16Nakatutok si Mark Salazar.
00:22Simoy ng tila marihuana sa loob mismo ng gusali ng Senado?
00:26Yan ang nireport sa Senate Sergeant at Arms, hindi lamang isa, kundi sa dalawa ng pagkakataon.
00:33Batay sa incident report ni LSO1 Victor Patelo, itinawag sa kanya noong Hulyo ang tungkol sa malakas na amoy sa 5th floor.
00:41Nang inspeksyonin, wala rin siyang nakitang naninigarilyo.
00:45Nito namang August 12, isa ulit staff ng isang Senador,
00:48ang nagsumbong na may kakaibang amoy na nanggagaling sa ladies' room ng extension offices ng mga Senador.
00:54Inahilintulad nito ang amoy sa marihuana.
00:58At sabi niya, ang tangi umanong na sa area ay si Nadia Montenegro,
01:02ang dating aktres na si Nadia Montenegro ay staff ngayon ni Senador Robin Padilla.
01:07Nang tanongin ni Patelo si Montenegro, itinanggin niyang nanigarilyo siya sa loob ng ladies' room o gumamit ng marihuana.
01:14Pero sinabi nitong meron siyang vape sa kanyang bag, kaya baka ito raw ang pinanggalingan ng kakaibang amoy.
01:20Sinusubukan naming makakuha ng pahayag mula kay Montenegro.
01:23Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Secretary Attorney Renato Bantug Jr.
01:28na inatasan niya ang Senate Sergeant at Arms na agad magsagawa ng imbestigasyon.
01:33Sa utos din ni Senate President Chief Escudero,
01:36ipinadala ng Secretary of the Senate ang incident report tungkol sa umanoy paggamit ng marihuana
01:41sa opisina ni Sen. Padilla para sa kanyang kaalaman at naakmang aksyon.
01:47Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Sen. Padilla, pero ayon sa kanyang Chief of Staff na si Attorney Rudolph Phillip Jurado,
01:54iniimbestigahan na nila ito at pinagpapaliwanag na rin ang nasasangkot nilang lady staff.
02:00Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
02:06Depthouse
02:11Depthouse
02:12Spurs
02:15Depthouse
02:16DepthIO
02:18Depth Sweden
02:20Depth практи
02:26Depth
02:27Depth
Comments