Skip to playerSkip to main content
Inireklamo na ng DPWH sa Ombudsman ang 20 opisyal nito at apat na construction companies kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects. Tila nadadamay naman ang iba pang empleyado ng kagawaran sa galit ng publiko kaya pinayagan silang hindi mag-uniporme para iwas-harrasment.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inireklamo na ng DPWH sa Ombudsman,
00:04ang 20 official nito at 4 construction companies
00:09kaugnay ng umanoy anomalya sa flood control projects.
00:13Tina na dadamay naman ang iba pang empleyado ng kagawanan
00:17sa galit ng publiko.
00:19Kaya pinayagan silang hindi mag-uniforme
00:22para iwas harassment.
00:24Nakatutok si Joseph Moro.
00:30Mismong si Public Works Secretary Vince Dizon
00:33ang tumayong complainant sa Ombudsman
00:35laban sa mga 20 official ng kanyang ahensya
00:38at 4 na mga construction companies.
00:40Ito ay para sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
00:44Malversation of Public Funds at Paglabag
00:46sa Government Procurement Act.
00:48Nangunguna sa mga sinampahan ng reklamo
00:50galing sa DPWH Bulacan District 1.
00:53Sina dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara,
00:57dating Assistant District Engineer Bryce Erickson Hernandez,
01:01Construction Chiefs na Sina JP Mendoza
01:03at John Michael Ramos
01:05at mga tagaiba pang opisina ng District 1 hanggang cashier
01:09dahil nabayaran ng ilang ghost project
01:11tulad ng binisita ng Pangulo sa Barangay Piel
01:14sa Baliwag Bulacan.
01:16Pinakita din ng Pangulo,
01:17may resibo, nabayaran ang SIMS trading.
01:22So may nag-issue, may mga nag-authorize ng pagbayad doon.
01:27In-reklamo rin ng limang taga-construction companies.
01:30Sinasali Santos ng SIMS Construction Trading
01:33na umaming nag-deliver ng mga kahong-kahong pera
01:36kay Hernandez,
01:37Mark Alan Arevalo ng Wawa Builders,
01:40Robert Imperio ng I'm Construction Corporation,
01:43Maria Roma Angeline Rimando ng St. Timothy Construction Corporation
01:47at Sara Diskaya para rin sa St. Timothy.
01:50Hindi pa kasama sa reklamo ang asawa niyang
01:52si Pacifico o Curly Diskaya.
01:55Si Sara Diskaya lang po ang umamin under oath
01:58na siya ang beneficial owner ng St. Timothy.
02:03Pero, wag po tayong mag-agaga.
02:06Kagaya ng sinabi ko,
02:07marami pa to at una pa lang ito.
02:09Sa investigasyon ng DPWH Internal Audit Service o IAS
02:13mula August 13 hanggang 20,
02:15lumabas na may sabwatan at paulit-ulit na scheme o sistema
02:19ang mga inereklamong taga DPWH
02:21sa mga kontraktor para palabasing natapos na mga proyekto
02:26at masingil ang gobyerno sa siyam na proyekto
02:29sa Malolos, Hagonoy, Baliwag, Bulacan at Kolumpit sa Bulacan.
02:33Ang halaga ng mga proyekto hindi bababa sa 249 million pesos.
02:39Lampas na kung tutuusin sa 50 million pesos na halaga
02:42para makapagsampan ng reklamang plunder.
02:45Ang pinaka-madaling approve at pinakamabilis
02:51ay itong mga kasong sinama natin dito.
02:54Ang kailangan, ang kahihinat na nito
02:56ay makulong ang mga dapat makulong.
02:59Sa lalong madaling panahon, open and shut case ang mga ito.
03:04Hiniling din ng DPWH sa ombudsman
03:06na magsagawa ng forfeiture proceedings
03:08at makipag-ugnayan sa Anti-Money Laundering Council
03:11para sa mga iba pang paglabag.
03:14Ang importante dito, maibalik ang pera ng tao.
03:18Ngayong may nakahain ng formal na reklamo o complaint
03:21dito sa ombudsman,
03:23ang ombudsman ay magsasagawa ng preliminary investigation
03:25at pagkatapos ng investigasyon
03:28ay maghahain naman ng formal na kaso
03:30sa Sandigan Bayan kung saan ito lilitisin.
03:34Sinusubukan pang makuha ng GMA News
03:36ang panig ng mga kinasuhan.
03:38Pero ang abogado ni Hernandez
03:40gusto pa raw mabasa ang buong complaint.
03:42I haven't seen the complaint just yet.
03:46However, my take lang is
03:49have we seen the complete picture?
03:51Bakit meron ng agad criminal complaint?
03:53And I just want to see sino ba ang respondents dito?
03:57Naglabas naman ng memo si Dizon
03:58na pumapayag na huwag muna magsuot ng mga uniform
04:01ang mga taga-DPWH.
04:04Ito raw ay hiling ng union ng mga taga-DPWH
04:06dahil sa mga nararanasang harassment
04:09o pangungutya sa mga taga-DPWH.
04:12May proseso po tayo.
04:15We will all get the justice
04:19that we all deserve as Filipinos.
04:22Para sa GMA Integrated News,
04:25Joseph Morong nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended