Skip to playerSkip to main content
Inilunsad ngayong araw ng Department of Agriculture ang isang masterlist registry system para mas mapadali ang proseso sa pagbili ng P20 kada kilong bigas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilunsad ngayong araw ng Department of Agriculture
00:03ang isang master list registry system
00:07para mas mapadali ang proseso
00:09sa pagbili ng 20 pesos kada kilong bigas.
00:14Kung paano makakapagparehistro alamin
00:16sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
00:22Mano-mano naglilista mga bumibili ng 20 pesos kada kilong bigas
00:26sa mga kadiwa store
00:27Ayon sa Department of Agriculture, nakakatagal yan sa pagbili
00:31at may ilang nagpapabalik-balik kaya mahirap i-monitor
00:34kung sobra na sa limit ang nabibili.
00:37Kaya naman ngayong araw, formal nang inilunsad ng DA
00:40ang master list registry system
00:42kung saan maaaring magrehistro ang mga benepisyaryo
00:45sa mga piling P20 bigas outlet.
00:48Sa susunod, maaaring niya rin magparehistro sa mga LGU
00:52mga piling paaralan maging online sa pamagitan ng government app
00:56gaya ng e-gov.ph.
00:59Kailangan lang magdala ng ID
01:00at kapag rehistrado na,
01:02may ibibigay na QR code
01:04na gagamitin tuwing bibili ng benteng bigas,
01:06target ng pamahalaan
01:08na maabot ang 15 million na households sa taong 2026.
01:12Layunin ang registry system na ito
01:14na mas mapabilis at mapapadali.
01:18Ang pagkakakailinan ng mga qualified beneficiaries,
01:22kailangan magkaroon kayo ng QR code
01:24para makapag-avail ng P20 rice
01:26for starting January 2026 hanggang June 2028.
01:33Sa gitna niya, sinisikap din daw ng DA
01:35na gawing mas abot kaya ang presyo ng ilang bilihin
01:38tulad ng karning baboy, sibuyas at carrots
01:41na mataas ang presyo dahil sa mahigpit na supply.
01:45Ang pulang sibuyas halimbawa
01:46umaabot ng P300 pesos kada kilo o higit pa
01:49kapresyo na ng isang kilong baboy.
01:52Paisa-isa na lang po yung binibili,
01:54lalo na po yung sibuyas, napakamahal ngayon.
01:57Sobra magastos.
01:59Sa mga sahog pa lang, halos ano na eh.
02:02Pambili mo na ng ulam.
02:03Meron nga yung red onion na P300, di ba?
02:06I mean, P280, P200.
02:09Eh ang cost nila to bring that in,
02:11it's only P60 pesos eh.
02:12Abuso naman yun.
02:13DA will ask for show cost
02:15and maybe DPI also.
02:17Pero ang police powers nito na sa DPI
02:19actually nila sa amin.
02:20But kung matrace namin saan namang galing
02:23yung imported na item na yun na binibenta
02:27na mataas,
02:27malamang isuspend namin yung importation privilege
02:33nung kumpanya na yun.
02:34Pagpasok ng Disyembre,
02:36magtatakda ng maximum sa gesture retail price
02:39ang DA sa ilang bilihin.
02:41Ang target na presyo,
02:42P370 pesos kada kilo sa liyempo
02:45at P340 pesos sa kasim at pigi.
02:48P120 pesos naman sa imported at lokal na sibuyas
02:52na puti at pula,
02:53P120 pesos din sa carrots.
02:55Pero daing na mga nagtitinda sa litex market
02:58sa Casan City,
02:59mahirap ibenta sa ganitong presyo
03:01kung wala namang mapagkukuna ng mas mura.
03:04Kung may magbibigay sa amin
03:05ng mas mababa,
03:06like 100,
03:08siguro kakayanin.
03:09Pero ngayon kasi mataas talaga
03:11yung mukuha namin ngayon.
03:13Nag-range po ng P270.
03:14Paano magbibenta namin ng P120?
03:16Magde-deliver sa amin ng babay
03:18kung matano presyo bigyan nila.
03:20Pero yung presyo yung gano'ng kaya nang benta.
03:22Sa Marikina Public Market naman,
03:24may nagbibenta na ng imported na sibuyas
03:27sa halagang P120 pesos kada kilo.
03:30Pero hindi raw nila kayang iparehas
03:32ang presyo ng lokal na sibuyas.
03:34Paiba po araw-araw ang presyo namin eh.
03:36Hindi po pwedeng iparehas sa P120.
03:38Para sa GMA Integrated News,
03:40Bernadette Reyes,
03:41Nakatutok 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended