A man on a mission si Dingdong Dantes para sa special documentary ng GMA Public Affairs na “Broken Roads, Broken Promises.” Nag-ikot siya para silipin ang mga hindi natupad o hindi natapos na mga proyekto ng gobyerno tulad ng mga paaralan, kalsada at flood-control projects.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00A man on a mission si Ding Dong Dantes para sa special documentary ng GMA Public Affairs na Broken Roads, Broken Promises.
00:11Nag-ikot siya para silipin ang mga hindi natupad o hindi natapos na mga proyekto ng gobyerno tulad ng mga paaralan, kalsada at flood control projects.
00:22Makichika kay Athena Imperial.
00:23Mainit ang pagsalubong ng mga residente ng isang bayan sa Northern Samara kay Ding Dong Dantes habang patungo sa isang paaralan doon.
00:35Pero ang pagpunta ni Ding Dong doon, hindi para sa isang show at hindi rin para mag-promote ng pelikula.
00:41Ang purpose ng pagpunta namin doon ay para kausapin ng isang case study for this documentary na ginagawa natin under Public Affairs.
00:53Katunayan, nagtungo sa iba't ibang bayan si Ding Dong para sa napapanahong GMA Public Affairs Special Documentary na Broken Roads, Broken Promises.
01:05Tungkol ito sa mga hindi natupad at hindi natapos na infrastructure projects mula sa mga paaralan, mga kalsada at flood control projects na dapat sana ipipigil sa pagdaloy ng baha sa mga kabahayan at kabuhayan para makontrol ang pinsalang dulot nito.
01:22Yung title pa lang sumasagisag na yun sa mga pangako na hindi talaga natupad and how important infrastructure is in the development of us Filipinos na sadly sa nakita nating estado ay talagang nasira at hindi na ipatupad dahil sa korupsyon.
01:42Hanggang sa pag-deliver ng mga services ng ating mga health workers na dahil yung mga kalsada ay hindi konektado sa isa't isa, nandidelay ang pag-deliver ng mga services na ito sa mga nangangailangan.
01:56Batid man ni Ding Dong ang paksa ng dokumentaryo pero iba pa rin daw pala ang pakiramdam na makausap niya ang mga biktima ng baha.
02:03Iba kapag nabibigyan ng muka, di ba yung problema? Nararamdaman mo talaga yung kanilang paghihirap, yung kanilang frustration at yung kanilang mga pangarap.
02:14Umaasa si Ding Dong na sa pamamagitan ng dokumentaryong ito, mas maraming Pilipino ang mas mamulat sa kalagaya ng bansa.
02:21Sana through the documentary, mas maging mulat tayo bilang mga Pilipino tungkol sa nangyayari talaga sa ating mga kababayan and hopefully dahil alam na natin talaga yung kung gaano kaseryoso ang problema, mas mabuksan din ang isip ng mga taong kailangan tumugon dito.
02:39Definitely more so dun sa mga talagang accountable dito.
02:43Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
Be the first to comment