Skip to playerSkip to main content
Kumbaga sa edad, "kwarentahin" na ang EDSA People Power na hindi na inabutan ng maraming Gen Z at Gen Alpha.
Pero higit pa diyan ang dahilan kung bakit nalilimutan na ang ipinaglaban noong 1986 ayon mismo sa mga tinaguriang "pag-asa ng bayan".
Gayunman, may sagot din sila sa kung paano pupukawin ang diwa ng EDSA kahit sa mga hindi na naniniwala.
Ang EDSA 40 sa mata ng kabataan tinutukan ng special report ni Mav Gonzales.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Makakapuso, kumbaga sa edad, 40-hin na ang EDSA People Power,
00:05na hindi na inabutan ang maraming Gen Z at Gen Alpha.
00:08Pero higit pa riyan ang dahilan kung bakit nalilimutan na ang ipinaglaban noong 1986,
00:15ayon mismo sa mga tinaguriang pag-asa ng bayan.
00:18Gayunman, may sagot din sila sa kung paano pupukawin ang diwa ng EDSA,
00:23kakit sa mga hindi na naniniwala, ang EDSA 40 sa mata ng kabataan.
00:29Tinutukan ng special report ni Mau Monsacos.
00:38Sabado, karaniwang araw ng gimmick ng mga kabataan.
00:44Kabilang sila sa mga ipinaghanda ng konsert sa Quezon Memorial Circle.
00:54Malinaw ang ipinunta ng ilang dumalo.
00:59Malinawan po yung project po ng QC.
01:01Gusto rin po namin mapakinggan yung mga singers.
01:06Pero karamihan sa aking nakausap, walang alam sa kung para sa ano ang konsert.
01:11Na-kick off ng paggunita sa ika-apat na pong anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.
01:17Na-ibinigyan ng Diyos ng malayang pag-iisip.
01:22Siyempre po may lungkot pero siguro yung tema po ng 40th People Power Anniversary po para sa akin
01:28ay mas parang pagninilay no, self-reflection yung inisip ko na parang hindi matatanggi
01:33na naging malaking parte ng kwento ng ating bansa.
01:36Si Lola Corey, si Tito Noy, si Lolo Ninoy.
01:39And for the latter too, for all of them, very proud po ako sa naging legacy.
01:44Pero ganito pa rin yung kalagayan natin.
01:46So kailangan din natin magtanong na saan po tayo nagkulang.
01:53Kung tutuusin, sa mismong People Power Revolution noong 1986,
01:58kabilang sa mga lumahok ay mga kabataan.
02:10Tulad ni Volt na naaalala pa kung paano ipinagbawal noon ang Voltes 5
02:15na tumalakay sa konsepto ng revolusyon.
02:17As young as I was, preteen or 14 years old ako noon, napaka-trivial no.
02:23Voltes 5 generation kasi ako.
02:25Na-adding kami sa Voltes 5 and then bina ni Marcos.
02:32Pero nagkaedad na ang mga kabataan noon
02:34at ang mga ipinanganak sa taong yon, kwarentahin na.
02:41Habang ang pinakamatanda sa mga Gen Z,
02:44ipinanganak mahigit isang dekada matapos ang People Power.
02:47Ang mga nangyari sa EDSA at ang mitya nitong Marcia Law,
02:51nalalaman na lang nila sa mga textbook.
02:53Naalala ko tinuro lang sa akin noong EDSA noong elementary
02:56as grade 6, grade 6 ako.
02:59Doon ko nalaman unang-unang EDSA kasi hindi rin naman siya
03:03nakukwento ng mga magulang ko.
03:05Ang naalala ko lang,
03:07kakaya nagkaroon ng people power
03:09dahil doon sa Marcia Law yung patuloy ng pagigipit pa ng gobyerno.
03:12O kung ikunento ng mga magulang at ibang nakatatanda.
03:17Since may lolo,
03:18so ang experience niya raw po noong martial law,
03:20batas militar, pinasara yung schools temporarily.
03:22Umuwi po siya sa kalinggal,
03:23dala-dala po niya yung law school books niya.
03:26Tapos in-inspeksyon po talaga ng military,
03:28isa-isa yung bawat page,
03:29para tignan kung may subversive materials.
03:32Pero di tulad niya si Ferdinand,
03:34na laking norte at ipinangalan
03:36kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
03:39Iba ang kanyang karanasan na bagaman totoo
03:42ay hindi kabuoan ng kasaysayan.
03:44Lumaki ako na,
03:46nakikita ko yung mga proyekto na ginawa noon,
03:48sa example,
03:49nila Marcos noon.
03:51Pero nung merong,
03:53sa high school ko sa Manila Science,
03:55kinuwento yung mga desa parasidos,
03:57yung mga alumni namin na,
03:58pinaglaban yung mga karapatan nila.
04:01Doon ako namulat na iba pala yung kasaysayan.
04:08At higit sa mga nangyari noon,
04:11tila nakalimutan din pangatawanan
04:13ng mga Pilipino
04:14ang mga ipinaglaban ng EDSA.
04:16Ang inheritance sa amin ng EDSA ay
04:19dynastic politics,
04:21unfinished reform,
04:24elite na pagpapatuloy na administration.
04:27So, for us,
04:28it's really a continuous effort for democracy.
04:32Kaya siguro kahit pa marami namang
04:35nagsasabing buhay pa ang diwa ng EDSA,
04:37batay sa isa sa mga huling survey
04:40ng SWS tungkol sa issue,
04:43kung pangako lang ng EDSA ang pag-uusapan,
04:46marami ang naniniwalang,
04:47konti o halos wala talagang natupad.
04:50Ano sa tingin niyo yung naging problema
04:52na hindi natutunan from the martial law era
04:56na bakit tumawid dito sa panahong ito
05:00yung mga naging problema na noon?
05:02As a Filipino,
05:03mapag-ano po kasi tayo,
05:05parang we give lagi na parang chance to others
05:09hanggang sa nakakalimutan natin siya.
05:12We forgive, yes,
05:13pero dapat yung lesson,
05:15yung nangyara is dapat maging aral siya
05:19hanggang sa mga susunod na panahon.
05:25Pero sa mismong concert,
05:27kung saan tila marami na ang nakalimot,
05:29may bumubulong na pag-asa.
05:31Ang pag-alala kasi sa EDSA
05:33iniangkla sa isang isyong relate sa mga kabataan.
05:37Tinawag itong awit at aksyon kontra korupsyon.
05:40Sobrang halaga po ka,
05:41at saka minulat ko na rin po noon
05:45hanggang sa nag-aaralan ko.
05:47Yun na po yung mga pinag-aaralan na.
05:49Natutuwa ako na interesado sila.
05:53Natutuwa ako nung nire-rehears ko
05:55yung handog ng Pilipino sa mundo.
05:56Alam nila yung kanta.
05:58They give importance to this day
06:00regardless of what you believe in,
06:03regardless of who your future president is.
06:06Kung ganyan ang attitude ng ating kabataan,
06:09then our country definitely has hope.
06:12Tungkol naman talaga sa isyo ng pamamahala
06:15ang diwa ng EDSA,
06:16hindi sa anumang partido o pamilya.
06:19Marami sa mga demonyo na inaway nila,
06:24na pinalayas nila noong panahon
06:26ng diktatulang Marcos ay tinayang umabalik ngayon.
06:28Yung korupsyon,
06:29yung pangabuso sa karapatang pantao.
06:31So may bagong urgency po
06:33yung pag-unita natin ng 25.
06:35Pero hindi lang pag-unita,
06:36pero yung pag-renew po natin
06:38ng ating pag-tutol dito sa korupsyon.
06:44Pero may hamong dapat harapin
06:46ang mga kabataan.
06:48Kung noong 1986 na wala pang cellphone,
06:51nalagpasan ng mga nag-organisa sa EDSA
06:54ang kontrol ni Marcos Sr. sa media.
06:57Ang mga kabataan ngayon
06:59na armado ng gadgets at social media,
07:01dapat malagpasan ang epekto
07:03ng maling impormasyon.
07:04We studied TikTok, YouTube,
07:07and Facebook for months.
07:09And it's harder because even Gen Z
07:12are easily played when it comes to videos.
07:15Filipinos are, sorry to say,
07:18but easily manipulated
07:20when it comes to news.
07:22Misinformation, disinformation.
07:25Itinutulak ngayon na palawigin
07:26ang People Power Revolution
07:28sa kurikulum ng mga estudyante.
07:30Sa Catholic schools, we do that.
07:32Kaya nga pag February 25
07:34or the whole week of that,
07:36may mga film viewing.
07:38Kapag dependent lang kami sa textbooks,
07:41ay yung mga textbook producers natin,
07:43yung mga publishers natin,
07:44ayaw naman nila
07:46ng mga contentious issues
07:48kasi wala silang benta
07:50sa ibang mga private schools.
07:52Dinadaanan lang naman yan
07:54pero walang lalim.
08:00Sa huli,
08:02ang pinakamahalagang tanong,
08:03siya siya ang naniniwala
08:05na may pata sa pabalang pinas.
08:09Oo,
08:10ayon sa mga Gen Zing ito,
08:11kung aalisan ng kulay ang EDSA.
08:13Sana yung understanding
08:15at appreciation natin ng EDSA
08:17hindi lang tungkol sa
08:19kung sinong nakaupo,
08:21kung anong kulay yung papanigan mo.
08:22Unang step doon ay makinig
08:24sa mga kapwa-kabataan din
08:27na siguro hindi kami kapareho
08:28nang iniisip
08:30yung pagtanaw sa EDSA
08:31o kahit anong political issue na yan.
08:33Tingin ko yung pakikinig
08:35ay opens up so many possibilities
08:37para maintindihan
08:38kung ano ba yung issue
08:39na dala-dala ng isa't isa
08:41and ano ba yung common.
08:47Tulad ng paglaban sa katiwalian
08:49na issue ngayon
08:51sa gitna ng flood control scandal.
08:53Hindi ko po alam
08:53kung yung mismong salitang EDSA
08:55o people power
08:56ay resonant po sa mga Gen Z,
08:58sa mga Gen Alpha,
08:59pero sa September 21,
09:01meron pong mga college students po
09:03na nangimbita po sa akin
09:04na sumama sa isang pagkilos,
09:06buhay na buhay pa rin po
09:07sa mga Gen Z,
09:08sa mga Gen Alpha.
09:14Sa huli,
09:16baka sa paglaban sa mga issue
09:17at hindi lang sa isang kalsada,
09:20nahahanap
09:20ang pagkakaisa.
09:27Para sa GMA Integrated News,
09:30Mav Gonzalez,
09:31Nakatutok,
09:3224 Oras.
09:33Mav Gonzalez,
09:35Mav Gonzalez,
09:36Mav Gonzalez,
09:37Mav Gonzalez,
09:37Mav Gonzalez,
09:38Mav Gonzalez,
Comments

Recommended