00:00We're going to have a update from the Bureau of Internal Revenue.
00:03First of all, what is Revenue Memorandum Circular No. 74-2025
00:11and what is it worth to do in the Ease of Doing Business Act?
00:15In the following, the Ease of Doing Business Act is the Revenue Memorandum Circular or RMC No. 74-2025
00:23ay ang pinakabagong updated checklist of documentary requirements na nilabas natin
00:28para sa mga frontline registration-related services ng BIR.
00:33Kabilang dito, yung pagkuha ng TIN, pagre-rehistro ng negosyo,
00:37pag-update ng registration information at pagsasara ng negosyo.
00:42Layunin nito na gawing simple at mas mabilis ang proseso ng pagre-rehistro sa BIR.
00:47Ang mga requirements ay binawasan at ginawang streamline upang hindi maging pabigat sa ating mga taxpayers.
00:54Halimbawa, bago pa man ang RMC na ito, tinanggal na natin ang requirement ng mayor's permit
01:00sa pagre-rehistro ng negosyo sa BIR.
01:03Ito, again, bilang bahagi ng pagsunod sa Ease of Doing Business sa pagsisimula ng negosyo.
01:10Ano naman, Comjunio, mga pagbabago dito sa bagong checklist kumpara dun sa old version nito?
01:17Dito sa updated, nilinaw natin dito sa checklist yung mga ilang requirements
01:21na dati ay nagdudulot ng kalituhan o iba't-ibang interpretation.
01:27Dahil yung mga iba, syempre, minsan hindi natin nakikita at iba-iba yung nagiging tingin
01:32ng iba't-ibang tao kaya nagkakaroon ng confusion.
01:35So, una dito na ginawa natin, kailangan may original na firma o wet signature
01:41na tinatawag yung taxpayer kung may authorized representative na nagtatransact sa BIR.
01:46Pangalawa dyan, yung secretary certificate ay dapat pirmahan ng duli-appointed corporate secretary.
01:53Hindi pwede yung pipirma yung assistant corporate secretary as a substitute.
01:58Para naman na sa mga one-person corporation or OPC,
02:02ang kailangan ay written resolution at hindi board resolution.
02:06Clarification lang, Comjun. Meron bang particular requirements na idinagdag para sa specific taxpayer groups
02:14tulad ng self-employed, professionals, o yung non-individual entities?
02:20Wala naman po tayong dinagdag na mga requirements para dito sa mga self-employed individuals,
02:26professionals, at corporations na nanatiling simple at streamlined ang requirements.
02:32Again, alinsunod yan sa prinsipyo ng ease of doing business na imbis na dadagdagan natin ang requirements
02:38ay titignan natin kung paano mas magiging malinaw or paano pa natin babawasan ang mga requirements.
02:44Para mas lalong maunawaan ng ating mga kababayan, Comjun, paano makikinabang ang mga bagong taxpayer,
02:51lalo na yung mga nagsisimula pa lamang ng kanilang negosyo sa updated checklist na ito?
02:58At ano yung magiging epekto nito sa compliance ng maliliit na negosyo o yung MSMEs?
03:04Yung magiging epekto nito, mas magiging madali at malinaw ang pagre-rehistro ng ating MSMEs at mga bagong negosyante
03:15dahil mas kaunti at simple na lamang ang mga hinihinging dokumento.
03:20Wala na rin itong bayad, inuulit natin, walang bayad ang pagre-rehistro sa BIR.
03:26Of course, maliban yan dun sa kinakailangan na documentary stamp tax lang na 30 pesos lang naman
03:31para sa Certificate of Registration. Ibig sabihin, wala nang dagdag na gastos o requirements para makapag-rehistro.
03:39Pinapayuhan po namin ang ating mga kababayan na siguraduhin muna na kumpleto ang kanilang requirements
03:44bago pumunta sa BIR para maiwasan din ang pabalik-balik at mapabilis ang proseso ng kanilang applications.
03:52Kailan effective itong updated checklist, Comjun, at paano ito ipapatupad dun sa mga district offices ng BIR?
04:02Simula po ito noong August 1, 2025. Effective na ang updated checklist requirements
04:07at ipinapatupad na ito sa lahat ng ating BRR Revenue District offices sa buong bansa.
04:13So, disseminated na po yan at alam na po nila ito.
04:16Tungkol naman dun sa letter of authority na inilabas ang BIR sa top 15 contractors,
04:23ano po yung naging basihan ng ahensya sa pagpili sa mga ito?
04:27Ang naging basihan po, ano, initial ay ang top 15 contractors na mismo isiniwalat ng ating mahal na Pangulo Ferdinanda Marcos Jr.
04:36kaugnay sa flood control projects.
04:39Batay dito, nagsagawa din tayo ng preliminary investigation,
04:43ang ating mga examiners, dahil napakalaki ng pondong inilaan ng bayan sa mga proyektong ito.
04:49So, nahahanapan din natin ng sapat na basihan upang magsagawa ng tax fraud audit laban sa kanila.
04:57Ano ba yung saklaw nitong audit ng gagawin ng BRR at kailan inaasahang makukompleto o matatapos ito?
05:07Ang mga contractors na, again, yung mga nabanggit, ano, so saklaw yan, definitely.
05:12At itong mga contractors ay isa sa ilalim sa tax fraud audit kung saan na tututukan ang posibleng kaso ng tax evasion at iba pang obligasyon sa buwis.
05:22Yan lang na, mililinaw natin ang saklaw ng authority ng BRR ay matingnan kung talaga bang nagbayad sila ng buwis
05:29at kung may kinakailangan, karagdagang buwis silang dapat bayaran.
05:33Hindi mahirap tayong makapagbigay ng timeline dahil ang BRR ay marami pang prosesong kinakailangan gawin.
05:42Nakadepende ito sa mga dokumento na aming hihingin mula sa mga contractors at iba pang government agencies.
05:49Kaya nakasalalay din ang bilis ng proseso sa kanilang cooperation.
05:54Makakaasa naman kayo sa ating publiko na kaagad naming ilalabas ang aming mga findings.
05:59At magagawa din natin yan. Kung ano yung ultimately makikita natin, depende na kung anong magiging aksyon natin.
06:07So sigurado yun, come June na yung findings nyo ay isa sa publiko para ma-insure yung transparency at pati yung accountability ng contractors.
06:18Isasubmit naman natin yan dahil merong Section 217 na hindi namin kayang ipakita talaga lahat itong findings na ito.
06:28Pero oras na hiningi naman yan sa amin at ibibigay naman namin, hiningi na ito sa Senado at sa House of Representatives,
06:36ibibigay din natin yan at maaari namin itong ipresenta sa pamanggiton ng executive session.
06:42Pero sila, pwede nilang isa publiko yan at once na nakapagsampa na rin tayo ng kaso,
06:48kung meron man tayong makitang findings ng criminal case or criminal liability,
06:54magsasampa tayo ng kasong criminal sa Department of Justice.
06:58And once na nasasampa na yan, isa publiko na ang resulta ng aming pag-audit.
07:06Of course, pwede rin natin ilabas yan kung may pahintulot ang mismong contractor na inaudit natin.
07:10Ano sa palagay mo kung June na magiging epekto nito sa proseso ng public bidding para sa government projects?
07:18Marami. Una-una, ang mga contractors na hindi makakapagpakita ng tax clearance o updated tax clearance
07:26dahil hindi nagbayad ng tamang buwis ay hindi na makakasali sa public bidding ng mga proyekto ng ating pamahalaan.
07:34Mapitigilan din ang pagbayad sa kanila ng gobyerno para sa kasalukuyang proyekto
07:41dahil bago kabayaran sa mga projects mo, kinakailangan ng tax clearance mula sa BIR or updated tax clearance.
07:50Kaya naman yan ang importante.
07:52Kung hindi makapagpakita ng updated tax returns at clearances yung contractors,
07:58ano yung agarang aksyon na gagawin ng BIR?
08:02Yun nga, kung makita na talaga yung mga findings natin at hindi talaga makapagpakita ng updated tax returns at clearance
08:09ang contractors natin, tapos makita natin na may mga liabilities talaga sila
08:14na dito lalo na sa mga proyektong ginawa nila na hindi naman tama ang pagkakagawa,
08:19ay maaari natin silang kasuhan ng tax evasion.
08:22Maaari din na yung maaharang din ang kanilang participation sa mga darating na government projects.
08:29At again, pwede hindi silang mabayaran sa kanilang mga kasalukuyang proyekto.
08:34But again, limitado lang ang BIR sa tax obligation at hindi sa mga Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
08:41Meron bang susunod na listahan kom-ju ng iba pang government contractor na isa sa ilalim din sa ganitong klaseng audit?
08:49Malaki ang pag-asa na madadagdagan pa ang mga isa sa ilalim sa tax fraud audit.
08:56Dahil again, yung itong unang 15 na ito ay pauna lang ito.
09:00Ang kami ay nagsasagawa ng parallel investigation at patuloy na susuporta sa investigation ng ating Pangulo at Senado at Kamara.
09:09So as the hearings go by, marami tayong nakikita.
09:13And doon din sa aming pag-audit pagka meron din tayong nakikita ang mga kinakailangan na mga kailangan pang i-audit.
09:20Dahil yung nag-enter into mga joint ventures with all these 15 corporations.
09:24At yung mga iba'y pa pang mga sasanga dyan ay iimbestigahan din natin.
09:29Nabanggit din kung June sa pagdinig sa camera na may tax deficiencies, di umano yung mga contractor, yung mag-asawang Pasifiko Descaya at Cesare Descaya.
09:40Ano po yung hapbang ng BIR tungkol dito? At na-check po ba ang kanilang mga record?
09:46Na-check na natin yan. In fact, nagawa na natin yan even before na pumutok itong issue na ito.
09:52So tinitingnan na natin dahil meron ng naunang reklamo laban dito sa mag-asawa at sa mga kumpanya.
10:00So tinitingnan natin at malapit na rin tayong matapos sa sinasagawa nating audit sa kanila.
10:07Kasalukuyan, nakikipag-unayan kami sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang agad matapos itong aming audit.
10:15Kailangan lang namin suriin yung lahat ng posibleng datos para masiguro na kumpleto at tama ang aming findings.
10:22Kasi maraming information na kinakailangan kaming kunin.
10:25So we have to make sure lang na kumpleto ito para talagang kung ano yung tax liabilities nila
10:30at kung ano yung potential criminal liability nila ay maisampan natin all together.
10:35May tanong tayo, Comjun, mula sa ating kasamahan sa GMA Integrated News na si Ivan Mayrina.
10:41Ano daw po ang isinasagawang imbisigasyon ng BIR sa mga opisyal ng DPWH na halos bilyon ang hinahawakan pera in the last three years?
10:53Yan, nag-simula na rin tayo.
10:55Hindi lamang tayo naglilimit dito sa investigation natin sa mga contractors,
11:01kundi na rin sa mga nababanggit na mga personalities dito sa mga hearings na sinusubaybayan natin
11:07whether sa House of Representatives or sa Senado.
11:10At nakikita natin, lumulutang na itong mga pangalan na ito at malaki-laki yung figures.
11:15So, iniimbestigahan din po natin na sinisimulan na rin po natin ang imbisigasyon sa mga personalities na ito.
11:22Very busy as usual.
11:24Maraming salamat sa mga update mula sa Bureau of Internal Revenue, Commissioner June Numaki.
11:30Maraming salamat sa mga.