Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/22/2025
Panayam sa NLEX Corp. kaugnay ng sitwasyon sa expressway matapos ang naranasang baha at matinding trapiko sa bahagi nito kagabi

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala po, nakaranas ng matinding trapiko sa bahagi ng North Luzon Expressway,
00:05dulot ng pagbahak kahapon, kaugnay niyan, alamin natin ang sitwasyon doon,
00:10lalot nagpapatuloy pa rin ang masamang panahon.
00:14Nasa linya natin ngayon si Sir Robin Ignacio, ang AVP for Traffic Operations ng NLEX.
00:20Magandang hapon po, ginoong Robin.
00:23Magandang hapon po, ma'am, at magandang hapon din po sa ating mga taga-subaybay.
00:27Okay, hihingi lang po kami ng update sa sitwasyon sa NLEX.
00:31May na-monitor pa rin po ba kayong pagbaha dahil talagang standstill din po ang biyahe ng mga sasakyan dyan a few hours ago?
00:40Opo, sa mga oras na to, wala naman po tayong namamonitor,
00:44na itatalang mga pagbahang mga lugar dito sa kahabaan ng NLEX, both directions.
00:49At yun po, umpisa pa po nung humupa yung baha dito sa Patsul de Blas area.
00:54Nung mga around 1.30 po kagabi ay wala na po tayong naitatalang mga pagbaha.
01:00At sa kasalukuyan po, ay maayos din po yung daloy ng traffic natin sa lahat po ng areas ng NLEX, both directions po.
01:09Opo, saan po ba talaga ang mga trouble spots?
01:12Ano po yung mga areas talaga dito sa NLEX na madalas bahain?
01:17Yung pinaka-flood-grown areas po dito?
01:21Opo, dito po sa may Balintawa Clover Leaf, yun po medyo madalas po ang pag-build up ng tubig po dyan.
01:27Kaya po tayo, meron din pong pumping station po dyan sa area na yan.
01:31Ganun din po itong area nga ng Paso de Blas, medyo madalas din po yung pag-build up ng tubig dyan.
01:37Kaya meron din po tayong in-install ng pumping station po dyan sa ilalim po ng Paso de Blas-Valenzuela Interchange.
01:47Okay, so bukod po dyan, ano pa po yung ginagawa po ng NLEX para maibisan pa ang pagbaha sa expressway natin?
01:56Opo, yun po yung ating ginagawa.
02:00Kagaya ng mga pumping stations nga po natin, kahit po nag-work po siya maghapon.
02:05Kung na-monitor po natin, ang NLEX ay nadadaanan po both directions maghapon yan kasi tuloy-tuloy po yung pumping po natin ng tubig.
02:14Pero dumating po yung punto na talagang overflowing na po yung mga tubig dito sa labas, sa vicinity po ng NLEX.
02:22Kaya kahit po tayo ay nagpa-pumping, bumabalik na lang po karamihan yung tubig.
02:26At yun po, hindi na po napigilan yung pagtas ng tubig.
02:30Kaya ang ginawa po natin, nag-open na lang po tayo ng median openings para makapag-uturn po yung mga sasakyan na natrap po sa loob.
02:38Ganun din po na sinara na po natin yung mga entries para po hindi na po sila makadagdag po dun sa mga kasalukuyang nakatrap po dun sa loob ng expressway.
02:48Ano po nakikita niyong solusyon? Kasi pinapump out niyo yung tubig galing sa NLEX patungo po dun sa labas ng highway.
02:57And yet, yung pong tubig bumabalik din, sabi po ninyo. So parang it's a very ang-anghira po ng situation. Parang umiikot lang po yung tubig.
03:05Opo, pagka talagang saturated na po yung tubig ang area po within yung vicinity ng NLEX, yun po yung nangyari.
03:13So, dahil po sa pangyari ito, tiyak po tinitignan po ulit ang aming management kung ano po yung kailangan gawin para po maiwasan po yung pagbahain.
03:23Coordination na rin po siguro with DPWEH at saka yung mga karating lugar na LGUs po natin.
03:29Okay, sinabi niyo kanina na wala naman po kayong natalang mga trapiko. What about mga aksidente po?
03:38Mas mabagal naman po siguro mga taong magmaneho kapag malakas po ang ulan, hindi po ba?
03:42Apo, tama po. Halos wala naman po tayong naitala ng mga aksidente. May mangilan-ngilan lang po na minor at wala na rin pong i-injure.
03:52So, mabilis din po natin nakiklear. So, yun naman po yung mas magandang naitala po natin.
03:58Wala po tayong major road accidents na nararanasan o naitala.
04:04At mahalagang impormasyon para sa mga madalas na bumabaybay dyan po sa NLEX, ano po ang mga numero na dapat nilang ilista sa kanila pong telepono para in case meron pong emergency?
04:17Apo, pwede lang po silang tumawag sa aming hotline na 1, 3, 5,000.
04:24At ganoon din po na pwede po silang mag-send ng message sa aming X account, ano yung Twitter account po, at NLEX Expressways.
04:32At pwede rin po silang gumamit po dito sa may SCTX at sa elevated expressway po natin.
04:39Meron din po tayong mga emergency call boxes po dyan na kung saan may kamera pa po, kaya mas mabilis makita po ng aming mga personnel sa traffic control room at mapapadalahan po ng assistance.
04:51Sige po, maraming salamat po sa oras na ibigay niyo sa amin.
04:55Dinoong Robin Ignacio, AVP for Traffic Operations ng NLEX.

Recommended