00:00Samantala ay nilabas na babala laban sa fake news, kaugnay ng mga ulat tungkol sa mga batang inabandona,
00:07ating tatalakayin kasama si Assistant Secretary Rowena Makalintal,
00:11ASSEC for Operations and Services ng National Authority for Child Care.
00:16ASSEC, magandang tanghali po.
00:19Magandang tanghali, mapag-arugang tanghali po, Director Cheryl Bundo,
00:23at sa lahat po ng mga tagapakinig ng Bagong Pilipinas sa PTV4.
00:27ASSEC, una po sa lahat, ano po ang nagtulak sa NACC na maglabas ng babala laban po sa fake news,
00:35kaugnay ng mga ulat tungkol sa foundlings, o yun pong mga batang inabandona?
00:42Opo, nitong nakaraang araw, mga nakaraang araw po, meron pong lumaganap at nag-viral o nag-trend po,
00:48na post patungkol sa isang bata na nakitang nakasabit sa puno sa Agusan del Sur.
00:53Hindi po ito totoo. Wala pong foundling, wala pong bata na natagpuan, na nakasabit sa puno,
01:01doon po sa local government unit na nabanggit.
01:03Ang ating pong Regional Alternative Child Care Office ay agaran po naming ninotify patungkol sa post na ito.
01:09Na ito, si Yusek Janela pa po mismo ang nakakita ng post, Director Sheryl.
01:15At binerify po agad ng NACC through our Regional Alternative Child Care Office sa Karaga.
01:21Sila po ay nakipag-coordinate sa local government unit po ng Bayugan sa Agusan del Sur.
01:28Nakipag-usap po at nakipag-ugnayan sa local social welfare and development officer.
01:32At doon po agad nating nalaman na wala pong ganoong pangyayari.
01:37Naglabas din po ang kanilang local government unit ng panawagan na hindi po totoo na meron pong batang natagpuan sa kanila pong bayan.
01:50Kaya naman po naglabas ng babala ang NACC sa ating mga kababayan dahil hindi po maganda na tayo ay naglalabas ng mga fake news patungkol sa mga batang ito.
02:04Ang mga bata po na inabando na o mga foundlings natin, they deserve the right to a dignity.
02:10They deserve the right to nationality, identity, and of course the full respect po bilang isang human being.
02:20At hindi po maganda na nai-stigmatize po sila at pinapakita po yung mga ganitong hindi naman po katotoha ng pangyayari patungkol sa mga batang ito.
02:31Opo, opo. Asek, gaano po ba kalala yung paglaganap ng ganitong klase ng maling impormasyon sa social media?
02:38Ano po ba yung nakikita ninyong epekto nito sa mga bata at sa kanilang karapatan?
02:45Unang-una po, kapag po kasi may mga ganitong insidente, asek, na nakikita po, inaalam po agad yung veracity dahil syempre kailangan po agad ma-rescue yung bata,
02:57mabigyan ng intervention, matulungan po natin, at mahanap ang magulang, ma-applyan po ng birth certificate kung wala pang birth certificate ang bata.
03:05So kung meron pong mga false information, false news na naganito, nababagabag po yung mga taong bayan natin.
03:11Unang-una, nagagalit sila sa pamahalaan, nagagalit sila sa nanay, nagagalit sila sa social workers, nagagalit sila sa gobyerno.
03:21E wala namang pambasihan ang galit na iyon dahil hindi naman po totoo na may mga ganitong bata.
03:26Kagaya po nitong fake news na ito, although hindi pa naman po laganap ito, kauna-unahan po ito na na-monitor namin,
03:36na officially po eh nakita namin at the right time, na nakita po namin, although doon po sa panawagan namin,
03:45hindi naman namin in-specify na ito yung actual case na yun.
03:48But this was brought about by that post po na sinasabi na may batang nakitang nakasabit sa Agusan del Sur na hindi naman po totoo.
03:57Kaya po naglabas po agad kami ng panawagan, nabababala po sa ating mga kababayan na i-verify po muna natin kung totoo ba o hindi
04:07bago po tayo mag-post na mga ganitong klaseng istorya kasi nakakabagabag po sa mga taong bayan.
04:13And syempre, hindi po maganda na may mga balita na mga batang ganito na napapabayaan.
04:22These are children in need of special protection and when this report reached the government,
04:27reached our local government units, reached the DSWD and the NACC,
04:32agaran po natin silang binibigyan ng intervention at nire-rescue po natin agad.
04:35Asik, paano naman po nagiging isang anyo ng pang-aabuso at pagsasamantala ang pagpapakalat ng fake news
04:43tungkol po dun sa mga batang walang magulang o di kaya po yung mga detalye ng kanilang kapanganakan?
04:50Opo, nami-misinterpret po kasi at syempre na to-twist po yung information.
04:56In the process po kasi kailangan natin silang gawa ng child case study report.
05:00Doon po hinahanap natin yung totoong magulang, inaalam po natin yung totoong circumstance sa pagkapanak ng bata,
05:07sa pagkakahanap ng bata at patungkol na rin po sa legal background ng bata.
05:12Kapag po may mga fake news, nahihirapan po tayong alamin yung katotohanan
05:16para ito po ay may reflect sa kanilang child case study report.
05:20At ito pong child case study report ay importanteng dokumento po ito
05:23para sila ay ma-applyan ng birth certificate
05:26at kung ang bata ay to be declared as legally available for adoption,
05:31basihan din po ito ng petition for CIDICLA
05:33hanggang sa umabot na po sa advanced phases po ng adoption.
05:39So, importante po talaga yung truthful, accurate information patungkol sa bata.
05:44Kaya po as much as possible, we are repudiating fake news about children
05:50kasi po hindi naman po sila kapag po may mga ganitong information na a-actionan po natin.
05:57Okay po sana kung totoo eh, kasi kung totoo, at least po may intervention po tayo na maibibigay,
06:03maililigtas natin agad ng bata, ma-proceed po tayo sa tamang case management.
06:08Pero kung hindi naman po totoo, nagkakaroon po tuloy ng maling interpretation
06:14o maling appreciation sa proseso po na ginagawa natin in child protection.
06:20Bagamat may mga challenges po economically,
06:24lahat po ng ating local government units, ang ating po DSWD,
06:28ang ating po pamahalaan, ay patuloy po sa ating pagpapalaganap at pagpapatibay
06:33ng pagbibigay proteksyon sa mga bata, lalo na po kung ang mga bata ay wala na magulang
06:38or at the risk of losing parental authority.
06:41Asek, dahil alam nga natin ang mga karapatan, ang pinag-uusapan natin
06:45at pag-iwas sa paglabag sa batas para maunawaan ng ating mga kababayan,
06:51pakipalawanag naman po ang nilalaman ng Republic Act No. 11767
06:56o itong sinasabing Foundling Recognition and Protection Act
07:00na dapat tandaan ng publiko upang hindi malabag ang mga karapatan ng mga batang ito.
07:06Pakipaliwanag naman, Asek.
07:09Apo, salamat po, Asek, Joey.
07:12Para po sa Foundling Recognition and Protection Act,
07:15it provides a greater amount of protection,
07:20securing the rights, providing the identity of the foundling
07:26as a natural-born Filipino citizen and providing penalties po for acts inimical to their general welfare.
07:32So kapag po meron tayong nakitang foundling,
07:35sila po ay agaran natin i-case manage para po mahanap natin agad ang magulang.
07:45Kasi po, kung meron pong magulang na lulutang,
07:49kaya po nagpapanawagan tayo sa buong Pilipinas,
07:52kung meron po bang nakakakilala o may magulang ang batang ito,
07:55dahil ang gusto po sana natin ay maibalik ang bata sa pangangalaga ng kanilang magulang.
08:01Ma-establish po natin na hindi biktima ng trafficking,
08:05hindi biktima ng kidnapping, hindi biktima ng abduction ang bata,
08:09kaya nakikipag-coordinate din po tayo sa ating mga kapulisan.
08:13Pag na-establish po natin na wala pong police report na may batang kinidnap,
08:18may batang ninakaw, we proceed po sa pag-i-exhaust po ng mga remedies
08:23para mahanap pa rin kung meron bang kamag-anak o nakakakilala sa bata.
08:27After a period of 3 months na wala po talagang lumutang,
08:30despite our diligent efforts, panawagan, report po ng barangay, report ng kapulisan,
08:37dun lang po natin i-declare na ang bata ay isang foundling,
08:41i-register po natin sa ating mga local civil registration
08:44para po ang bata ay magkaroon ng certificate of live birth of persons with no known parents.
08:51Para po natin masiguro na mabigyan natin ang proteksyon ng bata
08:54dahil ang bata ay isang Filipino citizen as certified po ng kanyang birth certificate.
08:59And then kung ito po, dahil ito po ay foundling,
09:02ito po ay mahahanapan natin ng magulang na mag-aampon sa kanila.
09:06Kung saan man po nakita ang foundling na yun,
09:08meron po tayong mga prospective adoptive parents sa ating mga regional alternative child care offices
09:13na willing pong mag-aampon at nagdadasal po na makapag-aampon ng ating mga baan ng bata.
09:19At ito pong mga foundling na ito ay po pwede pong ma-petition to be declared legally available for adoption
09:25at mahanapan po natin ang magulang.
09:27Kasama rin po doon sa provision, sa important provision po ng Foundling Recognition Act
09:34is para nga po sa mga nanay, kung hindi na po nila gustong alagaan ang kanilang anak,
09:39ayaw na nilang alagaan, meron po tayong mekanismo sa ating batas
09:44upang huwag po ninyong ilagay sa alanganing sitwasyon
09:47o sa mga delikado o piligrong kondisyon ang mga bata.
09:50Pwede po natin silang isurrender sa ating mga safe haven provider.
09:54Pwede po kayong pumunta sa DSWD facilities, sa child caring agencies natin,
10:00sa mga residential care facilities po ng DSWD
10:03o kahit sa inyong local social welfare development officers po,
10:07po pwede po ninyong isurrender ang bata para po,
10:11kesa naman po itapon nyo lang kung saan-saan.
10:14Meron po kayong, mapoprotektahan po kayo against violation ng abandonment.
10:19Kung dito po ninyo ilalagak at isusurrender ang mga bata,
10:23hindi po kailangang itapon, hindi po kailangang iwan kung saan-saan ang inyong mga anak
10:27kung hindi nyo na po sila gusto o kaya pang alagaan.
10:31Meron po tayong mekanismo, isurrender po ninyo sila sa ating mga safe haven providers
10:36para po sila ay maalagaan at maprotektaan at hindi po mapahamak ang kanilang mga buhay.
10:42So yan po yung mga important provisions ng Foundling Recognition Act,
10:46ASIC, Joey, and Director, Cheryl, na gusto po natin ipaalam sa ating mga kababayan.
10:51Hindi po kailangang itapon ng inyong mga anak, hindi po kailangang iwan sa kung saan-saan
10:55kung hindi nyo na po sila kayang alagaan.
10:58Maaalagaan po sila ng pamahalaan at maipapaampun po natin sila.
11:02Hindi nyo po kailangang ilagay sa disgrasya o peligro ang kanilang mga buhay.
11:06ASIC, ano po yung posibleng parusa o hakbang na pwedeng gawin
11:11laban sa mga individual o social media accounts po
11:14na sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga Foundling?
11:20Ang alam ko meron po tayong provision sa Revised Penal Code.
11:24Meron din po tayong provision under Republic Act 11642 and 11767.
11:32Kasi po itong mga bata na ito ay protectado po ng confidentiality provision ng ating batas
11:40because they are human beings, they are Filipino citizen,
11:45they are children in vulnerable situation.
11:47All the more po na dapat napoprotektahan po ang mga information patungkol sa kanila.
11:52Also, kung may kompleto pong elements, pwede rin hong mapasok itong mga fake news about the foundlings
12:02na nagkakalat po, the perpetrators may also be held liable for cyber libel.
12:08Under the Revised Penal Code po, publishing or spreading false information,
12:14injuring the reputation of children or agencies can also constitute libel.
12:18The law on domestic administrative adoption ensures confidentiality po sa mga cases na mga bata
12:27and dissemination of unverified information about these foundlings
12:30breaches confidentiality and protection standards po na ginagarantee natin sa mga bata na ito.
12:38So, marami pong po pwedeng ikaso sa mga entities po na nagpapakalat ng fake news
12:44patungkol sa ating mga bata na nangangailangan ng special protection.
12:47Asik Rowena, para lang masabing verified information, si Asik Albert Huto, hindi si Asik Joey.
12:53Opo, okay lang po.
12:54Sorry po, sorry po.
12:55No problem, no problem.
12:56No problem.
12:57Okay lang po, kasama yan sa ating paninigurado na ang nakukuha nating balita
13:01mula sa bagong Pilipinas ngayon ay accurate.
13:03Okay lang po yun.
13:04So, Asik, paano po hinihikayat ng NACC ang publiko na maging mas responsable
13:10sa pagbabahagi ng impormasyon sa social media, lalo na kung may kinalaman sa mga bata?
13:16Opo, kung ang information po ay may batang natagpuan sa ganitong lugar,
13:22pwede na po agad mag-verify sa ating mga local government units
13:25through their local social welfare development officer or through their public information office.
13:31Lahat naman po ng mga directory information ay readily available naman po online.
13:35Asik Albert, di po ba?
13:37So, meron po tayong mechanism for us to do due diligence and just verifying kung totoo po ba o hindi
13:43itong post na nakikita natin para right there and then, tayo na po mag-self-regulate
13:48ng mga ipopost natin.
13:50Hindi po dapat nagagamit yung mga kalunos-lunos na sitwasyon ng mga bata
13:54para lang sa content, lalo na kung hindi naman po totoo.
13:59Dahil meron po tayong pananagutan,
14:02kada nagpapakalat po tayo ng mga information sa ating publiko.
14:07Alright, maraming salamat po sa inyong oras.
14:10National Authority for Child Care Assistant Secretary for Operations and Services,
14:15Rowena Makalintal.
14:16Thank you, Asik.
14:16Maraming kong salamat, Director Sherry and Asik Albert.