00:00Pinuri at pinasalamatan ng Department of Education Secretary Sani Angara
00:06ang mga public school teachers, non-teaching staff at ibang poll watchers
00:11sa matagumpay na 2025 national and local elections.
00:15Ayon kay Angara, ang commitment ng mga tauhan ng DepEd
00:18ay magsilbi sa bayan ay nakatulong na matiyak ang maayos na pagdaos ng halalan.
00:24Hindi lamang aniya sila mga lingkod bayan, kundi mga tagapangalaga rin ng demokrasya.
00:30Sa datos ng DepEd, mahigit 660,000 na tauhan ng kagawaran ang nagsilbi sa katatapos lang na halalan.
00:37Samantala, nakapagtala ang DepEd Task Force ng 603 election-related issues
00:43sa kanilang 24-7 Command Center.
00:47Kabilang sa mga natanggap na report ang aberya sa mga automated counting machine o ACM,
00:52irregularidad sa mga balota at resibo at voters' list.
00:55Ayon sa DepEd, agad naman natugunan ang mga ito sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Elections
01:01at ibang ahensya ng pamahalaan.