00:00Samantala, maaari ng mag-avail ng emergency loan ng mga miyembro ng Government Service Insurance System o GSIS
00:07na nakatira sa ilang lugar na nasa state of calamity dahil sa magkakasunod na bagyo at epekto ng habagat.
00:15Ayon sa GSIS, bukas na ang kanilang emergency loan facility sa Quezon City, Cavite, Umingan, Pangasinan at Kalumpit, Bulacan.
00:24Ang mga miyembro na mayroon ng existing emergency loans ay pwedeng makahiram ng hanggang 40,000 pesos
00:31habang ang first-time borrowers ay pwedeng makautang ng hanggang 20,000 pesos.
00:38Payable ito sa loob ng tatlong taon na may 6% annual interest at walang processing fee.
00:45Inaasahan namang bubuksa na rin ng GSIS ang emergency loan facilities sa iba pang lugar na nagdeklera na ng state of calamity.
00:54Inaasahan.