00:00Mas mapapadali ang paghuli sa mga traffic violator ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
00:08Ikakalat na sa mga pangunang kalsada dito po sa Metro Manila,
00:15ang isang daang mga swift traffic action group o itong STAG na may suot-suot na mga body-worn camera.
00:23Si Bernard Ferrer sa Sandro ng Balita.
00:26Isa-isang inisyuhan ng violation ticket na mga tauan ng swift traffic action group o STAG ng MMDA
00:34ang mga iligal na kaparadang sasakyan sa kabaan ng Maginhawa Street, Quezon City.
00:39Bahagi ito ng paglulunsad ng isang daang body-worn cameras para sa pagpapatupad ng no contact apprehension policy o NCAP ng MMDA
00:47at paghahanda para sa pagpapatupad ng street parking policy.
00:51Ayon sa MMDA, ang mga body-worn camera ay kakalat sa mga pangunang kalsada sa Metro Manila at mga itinalagang mabuhay lanes.
00:59Ang mga device na ito ay konektado sa MMDA Communications and Command Center upang mapabilis ang monitoring ng mga paglabag sa trapiko.
01:07Pinamumunuan ng STAG ni Traffic Operations Officer for Edison Bongnebrija.
01:12Tiniyak ng MMDA na dumaan sa mga susing paghahasanay ang mga personal ng STAG ukol sa tamang paggamit ng body-worn cameras,
01:19data privacy protocols, at standard operating procedures upang matiyak na responsable at naayon sa batas ang paggamit ng mga ito.
01:27Ang mga mahuling paglabag gamit ang body-worn cameras ay maaaring makita sa loob ng 24 na oras sa pamamagitan ng may huli app.
01:34Ngayon man, nilinaw ng MMDA na ang mga violation ay daraan pa rin sa manual review.
01:40Samantala, eginit ang MMDA na walang magiging overlapping sa tungkulin ng STAG at ng Special Operations Group Strike Force na pinamumunuan ni Gabriel Go.
01:49Dahil limited nga yung team natin, dalawa lang yung teams natin na under kay Gabgo for clearing,
01:55kaya naglagay tayo ng no-contact apprehension para mas maraming maka-cover na area, mas mabilis, mas mababalikan.
02:05Susubukan na magkaroon ng dalawang team sa bawat lungsod at munisipalidad sa Metro Manila
02:09at posibleng itong palawakin depende sa magiging resulta.
02:13Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:18Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.