00:00Nagsama-sama ang mga cameraman mula sa Integrated State Media sa ikatlo at huling bahagi ng ISM News Workshop 2.0.
00:08Ito'y para linangin ng kanilang kalaman at kakayahan sa tamang pagtahin ng mga kwento.
00:14Si Gabbelega sa report.
00:18Isinagawa ng Integrated State Media o ISM News Operations ng Presidential Communications Office
00:24nitong weekend ang ikatlo at huling bahagi ng ISM News Workshop 2.0.
00:30Sa pagkakataong ito, mga cameraman, assistant cameraman at iba pang nasa likod ng camera mula sa Integrated State Media
00:37ang sumalang sa nasabing workshop.
00:40Pagpapakita ito ng ISM ng pagpapahalaga at pagkilala sa kontribusyon ng mga news crew.
00:46Dito ay tinuruan ang mga cameraman at mga assistant cameraman ng mga pinakabagong trend at teknik sa kamera.
00:52Natutunan rin ng mga kalahok ang tamang pagtahin ng kwento sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga teknik sa paggamit ng editing softwares.
01:02Para kay Erica, nakauna-unah ang babaeng cameraman ng PTV.
01:06Malaki ang pagpapasalamat niya na natanggap bilang cameraman ng network at nagpapasalamat rin siya na mga kalahok sa workshop.
01:13Napakalaking break po neto for me kasi yung pag-explore ko outside, yung mga coverages outside, yung translasyon, very much good experience for me.
01:23And ang ganda po, tapos lahat po ng mga balita na napapahatid natin sa ating mga kababayan, it is all very essential to our country po.
01:32Para sa cameraman ng IBC na si Brex, mahalaga ang mga ganitong uri ng workshop sa kanila.
01:38Marami kang matututunan kung paano yung framing, yung editing, tsaka masaya-masaya siya.
01:45May coordinator ng bawat isa. Matututunan sa bawat learnings ng iba't ibang cameraman.
01:51Natutunan naman ni Ronel Abundo na Radio Pilipinas na hindi dapat ginagawang komplikato ang video editing.
01:57Yung pinaka-importante doon na natutunan namin is dapat sa input pa lang o sa source pa lang, tama na po lahat yung mga materials.
02:07So that along the process, tama po yung magiging, at correct po yung magiging output po natin.
02:14Marami rin natutunan ang social media writer ng Philippine Information Agency na si Benjamin sa naging workshop ng ISM.
02:22Napaka-importante niya kasi at least kahit tayo yung pasabakin sa mga gantong work, makakapag-provide tayo ng quality service,
02:33ng timely, accurate at relevant na information para po sa ating mga kababayan.
02:41Malaking tulong naman para kay DK Sarate ang mga ganitong workshop para maging permanent sa kanyang pesto bilang reporter ng Radio Pilipinas.
02:49Napakahalaga para sa mga katulad ko na nag-a-apply sa gobyerno, sa plantilya, itong mga workshop na ito.
02:56Kasi bukod doon sa marami kaming natutunan, may mga requirements kasi yung civil service na kailangan may inatinant kang mga seminar para makapasok ka.
03:05Actually, nung nakaraan, pasok na talaga ako eh. Tanggap na sana ako sa plantilya.
03:10Ang problema na lamang, wala akong certificate ng seminar.
03:16Kaya nahirapan ako maghanap.
03:19Umabot ng halos sa kalahating taon, hanap ako ng hanap ng seminar na related sa pagiging media personnel.
03:27Wala talaga ako makita. Buti na lamang, nagkaroon ng pa-workshop itong PCO sa pangunguna ni Aseca Alana Francisco.
03:35At nabigyan ako ng pagkakataon na matuto at magkaroon din ang aking mga requirements para sa aking plantilya.
03:42Pagbibigay DA ng Integrated State Media News Operations ng PCO,
03:46Marami pang nakakasang workshop sa mga government media workers sa susunod na taon
03:51na layuning pagyamanin ang kakayahan ng mga nasa harap at likod ng kamera.
03:56Gav Villegas para sa Pambansang TV sa Bago Pilipinas.
Be the first to comment