Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
Modus na pinagkakakitaan umano ng mga junior official ng DPWH, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson | ulat ni Daniel Manalastas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson ang bagong modus na umano'y pinagkakakitaan ng mga junior official ng Department of Public Works and Highways.
00:09Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:15Hindi pa man humuhupa ang mga kontrobersiya sa flood control scandal,
00:20na kinasasangkutan umano ng mga tiwalik opisyal ng pamahalaan, pati na ng ilang kontratista.
00:25Isang panibagong racket umano na naman ang binisto ni Sen. Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson,
00:33na umano'y nangyayari sa Department of Public Works and Highways,
00:37at kinasasangkutan umano ng mga junior personnel.
00:40Anya, may tinatawag daw na karagdagang requirements na pinapataw ng mga junior personnel
00:47sa antas ng District Engineering Office,
00:49at bukod pa raw ito sa regular na komisyon at obligasyon na pinagbabayaran umano ng mga kontratista.
00:57Sabi ng Senador, naging systemic na ang kalakalan kung saan nagbago at sa sobraan niyang katakawan,
01:05nagdadagdag ng nagdadagdag ng pagkakitaan.
01:09At pati kada pahina raw ng bidding documents at material testing report
01:14at iba pang documentary requirements, umano'y pinipresyohan na.
01:18Inilabas ng opisina ni Lacson ang mga nakalap na impormasyon
01:22na kasama sa sinisingil ng mga junior officials.
01:26Halimbawa na lang daw dito ang mga dokumento para sa planning and design,
01:31material testing report, bid documents, at marami pang iba.
01:35Ang pinakapina-parusahan daw dito ay ang mga taxpayer
01:39kasi raw ang mga kontraktor hindi naman daw magpapalugi
01:43at iaawas na lang sa gagawin umanong substandard na proyekto.
01:48Sinusubukan pang kunin ang PTV News
01:50ang panig ni DPWH Secretary Vince Dizon
01:54pero wala pa siyang tugon.
01:56Dahil naman sa tindi ng anomalya sa flood control,
01:59tingin ni Sen. Ping,
02:00Is it also the worst that you've seen so far?
02:03I think so, yes.
02:04Even worse than yung napawales na.
02:06Yun din ang observation ni Secretary Dizon.
02:09Sabi naman ni Senate President Tito Soto,
02:12kahit pa may independent commission,
02:14ipagpapatuloy pa rin ang Senado
02:16ang investigasyon in aid of legislation
02:18sa flood control scandal.
02:21Sabi ni Lacson, sasalain din nila
02:23ang mga padadaluhin na testigo o resource person sa pagdinig.
02:27Hindi naman lahat ng kailangan sa DBM
02:31kailangan present sila dyan.
02:35So, i-calibrate natin para maayos lang yung salansan ng tanungan.
02:41Iginita man ni Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano
02:44na dapat agad sampahan ang kaso
02:47ang mga malinaw na sabit sa ghost projects.
02:50Pangamba ng Senador,
02:52paano kung libo-libo pala
02:53ang mga tauhang dawit sa anomalya?
02:56Baka raw manggulo lang ang mga ito.
02:59Sa susunod na linggo,
03:00ipagpapatuloy ng Senado ang kanilang pagdinig.
03:03Daniel Mananastas,
03:04Parang sa Pambansang TV,
03:05sa Bagong Pilipinas.

Recommended