00:00Binago ng Kongreso ang ilang protocol sa pagbubukas ng 20th Congress
00:04sa harap yan ng kalamidad na pinagdadaanan ng bansa.
00:08Yan ang ulat ni Danielle Manalastas.
00:12Tuwing sona, ganito ang nakasanayang eksena.
00:16Pero may pagbabago ngayong taon.
00:19Kasunod ang pagtama ng mga bagyo at habagat
00:21na maraming mga kababayan natin ang apektado hanggang sa ngayon.
00:25We will forego with fashion style na entrance.
00:33Mas magiging formal na lang tayo ngayon
00:36para naman din mapakita natin ang ating pakikisa sa mga kababayan natin
00:42na patuloy pa ngayon ay nakakaranas ng epekto na mga bagyong dumaan.
00:48Sa inilabas na memo ng Secretary General ng Kamara,
00:51ang red carpet ay maigpit na gagamitin para sa ingres at official protocol.
00:57Wala na raw stage ceremony at fashion coverage.
01:01Pero maaaring pa rin mag-interview ang media sa mga daraan dito.
01:05Sa kasuota naman, mananatili pa rin ang formal attire
01:08at inihimok ang mga dadalo na magsuot ng barong o filipiniana.
01:12Sa pagbubukas naman ang sesyon ng 20th Congress sa Senado,
01:17kinumpirma ni Senate President Jesus Cudero na walang red carpet sa Senado.
01:22Panawagan naman ni Sen. Loren Legarda
01:24gawing simple lang ang opening ng sesyon pati na ang mismong zona
01:28at gawin ng okasyon para solusyonan ang mga problema ng bansa.
01:33Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.