00:00Binigyan ng Bureau of Customs ng Palugit ang mag-asawang diskaya para makapagpakita ng mga dokumentong magpapatunay na hindi smuggled ang ilan sa kanilang luxury cars.
00:12Si Paquette de Jesus sa Sentro ng Balita, live.
00:18Yes, Angelique, nasa kustodian na ng Bureau of Customs at aabot sa 30 luxury vehicles sa mga diskaya na kontroversyal ngayon bilang kontrakto.
00:30Sa mga umanoy, maanumalyang flood control projects.
00:34Mayroon ng inisyan na pagsusuri ang customs sa mga naturang sasakyan kung saan walo ang maaaring maituring sa ngayon bilang smuggled.
00:46Ito ay dahil lumalabas na walang import entry ang mga naturang sasakyan kaya't binibigyan ng labing limang araw ang mga diskaya pati na ang mga consignee para magpakita ng kaukulang dokumento
00:59bago maglabas ang BOC ng warrant of seizure and detention.
01:04Kabilang sa mga sasakyan na mga diskaya na posibleng smuggled, sabi ng BOC, ay ang Rolls Royce, Toyota Cundra, Toyota Sequoia, Mercedes Benz, Brabos, Lincoln Navigator, Brent T. Bentayga, at Toyota Land Cruiser 300 Series.
01:22Pag hindi kami satisfied o hindi magandang kanilang pagkakapaliwanag, tutuloy po tayo ng seizure proceedings.
01:33At this point, mukhang doon na rin naman patungo yung direksyon na yan eh.
01:37Binibigyan lang natin ng pagkakataon yung consignees na pinagbilahan ito at yung mismong owners ngayon.
01:45Pwede din namang outright pinasok. Marami tayong shorelines eh. Pwedeng ipinasok yan through some other means.
01:53So, makikita namin yung complete picture, sabi nga ni Commissioner, once we get to the next phase of the investigation.
01:59Pito naman sa mga luxury vehicle ay may import entry pero walang payment certification kaya't kabilang sasusunin kung may hindi tamang buwis na napayaran.
02:12Angelique, higit sa sampung tauhan ng BOC ang iniimbestigahan din ngayon kung paano nakalusot itong mga sasakyan na walang import entry at payment certification.
02:29Again, persons of interest pa lang yan. At titignan natin, pagpapaliwanagin natin kung bakit nakalusot o dumaan sa kanila yung mga sasakyan
02:40nang hindi nagkaroon ng tamang dokumento at hindi nagbayad ng tama. Doon sa mga ganun yung sitwasyon.
02:47We will have to make even our own people accountable.
02:52Kasama naman sa iimbestigahan ng BOC, ang apat na opisyal ng Department of Public Works and Highways
03:01na sinasabing nagmamayari rin ng mga mamahaling sasakyan.
03:07Angelique, hindi naman isinasantabi ng BOC na bukod doon sa 30 luxury vehicles na nasa kanilang kastudiya,
03:15ay mayroon pa nga ibang mamahaling sasakyan ang mga diskaya dahil nga nasabi nila sa kanilang interview noon
03:22na nasa apat na po yung kanilang pagmamayari ng mga sasakyan.
03:28Angelique.
03:29Yes, so Patrick, sa makatwid, hindi dumaan sa local car dealer itong mga sasakyan ito
03:36at ipinasok o ipinuslit lamang galing sa ibang bansa.
03:43Angelique, ilinawin ko lamang, mayroon mga local dealer itong mga sasakyan.
03:49Kaya nga, tabi lang sa pinagpapaliwanag ng BOC yung mga consignee nitong mga luxury vehicles
03:55dahil nga yung walo, gaya ng aking nabanggit, ay walang import entry.
04:00Yung pito, mayroong nga import entry, ay wala namang payment certification.
04:05So yan, ay mayroong 15 days ang mga diskaya, pati na yung mga consignee
04:09para magpakita ng mga kaukulang dokumento dito sa mga mawahaling mga sasakyan.
04:16Angelique.
04:16Okay, maraming salamat sa iyo, Patrick De Jesus.