Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Tumupong sa KTV Bar at ilang abandonadong establishment sa Barangay Camuning, Quezon City, kaninang madaling araw.
00:10Damay sa sunog ang ikalawang palapag na isang bahay na nasa likurang bahagi ng commercial establishments.
00:17Wala namang nasaktan sa insidente.
00:19Kwento ng ilang naapektuhan bago ang sunog nakita nilang may pumutok sa isang poste.
00:25Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad.
00:27Kabilang sa mga inaalam ang halaga ng ari-ariang nasunog.
00:33Sa Quezon City pa rin, dalawang daang pamilya ang nasunogan din po sa Barangay Culiat.
00:39Pati ang isang pinaglanamayan sa lugar, inilikas.
00:43Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:48Naglalagablab na apoy ang gumulat sa mga residente ng Barangay Culiat sa Quezon City pasado alas 7 kagabi.
00:55Dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga bahay.
00:59Kaya mabilis na lumaki ang sunog na umabot sa ikalimang alarma.
01:03Hindi bababa sa sandaang truck ng bombero ang lumispunde.
01:07May mga transformer at poste ng kuryente ang nadamay.
01:11Ayong muusok po ng transformer, naagapan naman po natin siya.
01:14Sa supply po ng tubig, wala po tayong problema.
01:16Masigip lang po talaga yung daan papasok dun sa loob, sa area.
01:20Kinailangang gumamit ng self-breathing apparatus ang mga bombero dahil sa kapal ng usok.
01:26Ang ilang residente, halos walang naisalbang gamit.
01:30Lumapas ko ako ng pintuan.
01:32Biglang pagtingala ako sa bubunga namin, sa kapitbahay namin, may sumigaw na may sunog na.
01:37Hindi ko talaga kinaya kasi biglang gumulak yung apoy.
01:41Kaya wala akong naisalban na kamit kahit isa.
01:43Sabi sa asawa ko, ate Gemma, ate Gemma, lumabas na kayo, lumalaki na ang sunog.
01:48Kaya tinignan namin, aba ito na nga, sobrang lakas na.
01:51Kung anong dala namin, ito na, hindi na kami nakapaglabas ang gamit.
01:55Ang importante, iligtas ko tayo.
01:58Nagbayanihan ang mga residente para tulungan ng mga bombero sa pag-apola ng apoy.
02:03Ang pamilya namang ito, nagtulong-tulong na mailikas ang kabaong ng kanilang kaanak na nakaburon.
02:09Yung kapatid ko, yung bilas ko, anak, sila tulung-tulong sila, mga lima sila bumuha at pababa.
02:16May harap, siyempre, mabigat sa loob natin.
02:17Siyempre, bahay mo yun eh.
02:19Basta importante, iligtas ang pamilya namin.
02:22Ayon sa barangay, abot sa dalawandaang bahay ang natupok ng apoy.
02:27Tinatayang dalawandaang pamilya o sanlibong individual ang apektado.
02:32Sobrang nakakahindik kasi fifth alarm.
02:37So, ang daming mga na talagang kagayan yan o taga City Hall umiiyak.
02:44Wala talaga siyang na-save kasi pauwi pa yung ano eh, yung mga nanay, mga tatay.
02:51May isa kong batang nahawakan.
02:54Hinahanap namin sa Facebook yung nanay niya kasi hindi niya makontakt.
02:59Naiwan niya yung cellphone. Buti nakita nung isang ninang.
03:03Sa evacuation center ng barangay, nagpalipas ng gabi ang mga apektadong residente.
03:09Inaalam pa ng BFP ang sanhinang apoy.
03:12Gayun din ang pinsalang dulot nito.
03:16EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:19Mayinit na balita, naglabas na ng subpina ang Department of Justice,
03:30kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
03:33Detaly tayo sa ulat on the spot ni Salima Refran.
03:36Sam!
03:37Raffi, inihahain na nga ng process server ng Department of Justice ang mga sabpina
03:46para kina Charlie Atong ang aktres na si Gretchen Barreto
03:50at nasa anim na pong iba pa para sa mga reklamo kaugnay na nga missing Sabongeros.
03:55Ayon yan mismo kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullion.
03:59Para ito, sa preliminary investigation sa mga reklamang multiple murder,
04:05kidnapping with serious illegal detention,
04:07enforced disappearance,
04:09paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
04:11direct bribery,
04:12corruption of public officials,
04:14obstruction of justice,
04:16at paglabag sa International Humanitarian Law.
04:18Sinimula ng pagsisilbinang Sabinas kagabi at nagpapatuloy ito ngayong araw.
04:23Kasama rin sa pinasabina si dating NCRPO Chief Jonel Estomo at labing walong polis.
04:29Nakatakda ang unang pagdinig sa susunod na linggo, September 16.
04:33Kinukuha pa ng GMA Integrated News ang panig ni Ang, Barreto at Estomo,
04:39pero nauna na nilang itinanggi ang kaugnayan sa pagkawala ng mga sabongero.
04:43Yan muna ang latest mula nga dito sa Department of Justice sa Maynila.
04:46Raffi.
04:47Maraming salamat sa Lima Refran.
04:51Ito ang GMA Regional TV News.
04:55May init na balita mula sa Visayas at Mindanao,
04:59hatid ng GMA Regional TV.
05:01Patay sa disgrasya ang isang motorcycle rider sa Lapu-Lapu, Cebu.
05:06Cecil, paano nangyari yung disgrasya?
05:08Raffi nabangga at nagulungan ng gumtruck ang 20-anyos na rider.
05:15Sa pool sa CCTV ang pangyayaring yan sa Barangay Buwaya.
05:20Kita ang pag-overtake ng motorsiklo sa pulang truck malapit sa isang intersection.
05:25Nang nasa harap na ang motor, nabangga at pumailalim ito sa truck kasama ang rider na dead on the spot.
05:32Ang biktima magsusundo lang sana sa kanyang ama na galing sa trabaho.
05:37Kinustudian ng pulisya ang driver ng gumtruck.
05:40Batay sa investigasyon, pareho silang may kasalanan ng biktima.
05:44Ang rider nag-overtake sa kanan kaya posibleng hindi raw napansin ng truck driver.
05:49Ang driver naman, hila tuloy raw sa pagtakbo kahit malapit ng mag-stoplight.
05:54Nagka-areglo na ang parehong panig.
05:56Hindi na raw sasampahan ng reklamo ang driver sa pangakong sasagutin niya ang pagpapalibing.
06:0527 biktima ng human trafficking ang sinagit ng mga otoridad sa Bunggaw, Tawi-Tawi.
06:11Ayon sa Ministry of Social Services and Development Bar,
06:14galing sa Luzon ang mga biktima na nirecruit para magtrabaho sa Thailand at Malaysia
06:20gamit ang mga peking dokumento.
06:23Aristado ang tatlong nag-recruit sa kanila.
06:26Binigyan na ng mga otoridad ng tulong ang mga biktima.
06:29Nasa pangangalaga na sila ng Department of Social Welfare and Development
06:33habang nagpapatuloy ang investigasyon.
06:36Wednesday latest mga mare at pare.
06:44Bago pa ang highly anticipated movie nila na Love Is So Bad,
06:49overwhelming na ang hatib na kilig ng Dust Bia sa isang music video.
07:00Premier pa lang, usap-usapan na ang pagbida ni na Dusty New at Bianca Devera
07:05sa kinakabakan MV ng OPM band na Lily.
07:10As of writing, trending at number one yan sa X na may maigit 300,000 posts.
07:16First project ito ng Dust Bia sa labas ng bahay ni Kuya.
07:19Pero langdam pa rin sa outside world ang chemistry ng dalawa.
07:24Enjoy sa panunood ng MV Premier,
07:26si na Dusty New at Bianca kasama ang kanilang fans.
07:30Bago yan, galing naman ang duo sa acting workshop
07:33para sa upcoming movie nilang Love Is So Bad
07:36kung saan makakasama nila si Will Ashley.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended