Skip to playerSkip to main content
Kailangan munang magpasa ng batas para sa mungkahing snap election ni Sen. Alan Peter Cayetano, ayon sa Comelec. Maaari rin itong magdulot ng kalituhan at gulo, ayon kay Senate President Tito Sotto. Personal na sagot naman ng tagapagsalita ng Palasyo, bakit hindi si Cayetano ang maunang magbitiw.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kailangan munang magpasa ng batas para sa mungkahing snap election ni Sen. Alan Peter Cayetano ayon sa COMELEC.
00:09Maaari rin itong magdulot ng kalituhan at gulok ayon kay Sen. President Tito Soto.
00:15Personal na sagot naman ng tagapagsalita ng Palacio.
00:18Bakit hindi si Cayetano ang maunang magbitiw?
00:23Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:24Ang ideya ni Sen. Alan Peter Cayetano para maibalik ang tiwala ng mga tao sa gobyerno at sa mga opisyal nito,
00:35mag-resign ang presidente, vice-presidente, mga senador at kongresista at magsagawa ng isang snap elections.
00:43Pero hindi sila pwedeng tumakbo.
00:45Pero sabi ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, labag daw ito sa saligang batas.
00:51That one is not feasible because you cannot prevent them from running kasi wala namang disqualification sa kanila.
00:59Everybody has a right to run if he's qualified.
01:02At kung gagawin talaga ang snap elections, sinabi ni COMELEC chairman George Erwin Garcia,
01:07kailangang magpasa ng batas para dito.
01:10Kung lahat sila nag-resign, kakailanganin ang komisyon ng batas ng COMELEC
01:15kasi hindi naman kami pwede basta kikilos nang wala tayong batas sa pagkukondakt ng halalan.
01:20Babala rin ni Sen. President Tito Soto, bukod sa walang legal na basihan ang pagsasagawa ng snap elections,
01:26magdudulot lang daw ito ng kalituhan at kaguluhan.
01:29Ito cannot be an option eh.
01:31What do you do with those who are not guilty?
01:33What do you do with those who are newly elected and have no bad records?
01:41What do you do with them?
01:44Itadamay mo doon sa mga guilty or sa mukhang guilty kung hindi mo guilty.
01:49Kung meron bang marumi, ba't natin itadamay yung mga malinis doon sa marumi?
01:54We will be entering something like uncertainty and chaos in the political world.
02:06Sa kasaysayan ng Pilipinas, minsan ang nagkaroon ng snap elections.
02:10Taong 1986, sa gitna ng kabi-kabilang batiko sa loob at labas ng bansa sa kanyang pamumuno,
02:15nagpatawag sino ay Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng snap elections para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
02:23Pero sabi ng Comelec, magkaiba ang sitwasyon noon at ngayon.
02:27Ang 1986 snap elections, nangyari raw bago nagkabisa ang kasalukuyang 1987 constitution,
02:34kung saan nalinaw kung kailan gagawin ang eleksyon.
02:36Bago nag-1987 constitution, meron tayong presidente na napaka-powerful
02:43and at the same time, meron tayong interim batas ng pambansa.
02:46So, kombinasyon siya ng parliament and at the same time, presidential setup.
02:51In fact, noon ay pe-pwede kasi yung kapangyarihan ng Pangulo,
02:56hindi lang pang-executive, pati legislative, ay nasa kapangyarihan ng ating Pangulo.
03:01So, hindi rin nag-fix ng term at that time.
03:04So, ibig sabihin, kaya at pe-pwede noon. Ngayon, hindi na.
03:08Sa sugestyo ni Cayetano, sinabi ng Malacanang na wala silang panahon sa ganitong klase ng pamumulitika.
03:14Sabay-sabing tumutok sa pangangailangan ng mamamayan at hindi sa pansariling interes lang.
03:20Ang sinabi naman ni Cayetano na magbitiw ang mga opisyal para makapagsagawa ng snap elections,
03:25sinagot sa isang live stream ni Palace Press Officer Yusecler Castro sa kanyang personal YouTube channel.
03:32But if, sabi nga natin, mauna ka na, tutal, aminado ka, politicians are suspects, kasama ka,
03:41ikaw ang umamin, ikaw pa lang ang umamin, edi, ikaw ay suspect.
03:46Hininga namin ang reaksyon dito si Cayetano.
03:49Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended