00:00Mas maghihigpit pa ang Philippine Contractors Accreditation Board
00:04sa kanilang guidelines at proseso ng pagbibigay ng lisensya
00:08sa mga kumpanya sa harap ng pinaiting na kampanya kontra katiwalian.
00:13Sa ngayon, ayon kay Trade Secretary Cristina Roque,
00:16posibleng madagdagan pa ang mga kumpanyang matatanggala ng lisensya
00:20sa harap ng investigasyon sa mga maanumalyang flood control projects.
00:25Ang sentro ng balita mula kay Denise Osorio.
00:31Inanunsyo ni Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque
00:34na mayroon pang dalawang board members ng Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB
00:40ang naghain ng kanilang resignation nitong nakarang September 2.
00:44Paliwanag ni Roque, bilang presidential appointees,
00:47inaantay na lang ang formal na pagtanggap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang pagbibitiyo.
00:52Of course, they're not off the hook, so they're still part of the total investigation.
00:57Kasabay nito, tiniyak ng DTI na nagpapatuloy ang investigasyon
01:01at posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga kumpanyang matatanggalan ng lisensya.
01:06Inaasahan rin ang mga karagdagang pagbibitiyo sa pwesto mula sa PCAB.
01:10Kasi if there are companies that have also violated the same violation or similar,
01:15basta they don't follow the rules, then they will definitely be,
01:19their license will also definitely be removed.
01:21Are all these reservations related to the flood control issue?
01:24We can't really say for sure, no, but we are investigating this.
01:27The investigation is still ongoing.
01:29But once we get update on this, definitely we will make everything known
01:35kasi hindi naman natin pwedeng itago ito.
01:38Kailangan talaga natin to let the public be aware of this.
01:42Dagdag pa ng kalihim.
01:43Inaasahan na rin ang mas mahigpit na guidelines at direct supervision ng DTI
01:47sa proseso ng licensing ng PCAB para matiyak na hindi na maulit ang anomalya.
01:53Ito ang mga pinahayag ng pangunahan ni DTI Secretary Roque
01:56ang factory visit at surveillance audit sa Steel Asia Manufacturing Plant
02:00kasama ang Fair Trade Group at Bureau of Product Standards.
02:04Bahagi ito ng mandatory certification program ng DTI
02:07na sumasaklaw sa 109 products gaya ng bakal,
02:10cemento, plastic at steel pipes, appliances, ilaw at iba pa.
02:16Ibig sabihin nito kapag nasa listahan,
02:18bawal mag-produce o mag-import ng walang Philippine Standards License
02:22mula sa Bureau of Product Standards.
02:24Every three years ang renewal ng license,
02:26pero taon-taon bumibisita ang DTI
02:29kasama na ang mga biglaang inspeksyon
02:31para masiguro ang consistent na kalidad ng produksyon.
02:35Gusto din natin makita kung ano talaga ang nangyayari
02:38sa mga planta ng mga manufacturing industries like this.
02:42Binigyang diin ni Roque na malaki ang kontribusyon
02:44ng manufacturing industry sa kita ng bansa
02:47kung kaya't sinimulan na ng DTI ang mas agresibong pagbisita,
02:51hindi lang sa malalaking planta,
02:53kundi pati sa maliliit na negosyo
02:54at iba pang lugar kung saan sinoshowcase ang mga produkto.
02:58Pero nilinaw ni Secretary Roque
02:59na walang kinalaman ang kanyang pagbisita
03:02sa naturang planta
03:03sa mga kasalukuyang issue
03:05ng mga anomalya sa mga proyekto.
03:07Nagkataon lang talaga siya
03:09na eksakto doon sa issue.
03:12But then again,
03:14if we relate it also to the issues,
03:16it also shows that companies such as Steel Asia
03:18follow the strict standards set by the DTI
03:21and also set by the construction industry.
03:24So, hindi naman lahat part of a problem eh.
03:28Denise Osorio,
03:29para sa Pambansang TV,
03:30sa Bagong Pilipinas.