00:00Sa Solano, Nueva Vizcaya, nagkapareho sa resulta ng boto ang dalawang kumakandidato sa pagkakonsihal.
00:08At dahil kailangan na nilang magproklama ng nanalo sa kanilang bayan, kailangan nilang gawin ang isang proseso.
00:14Kung ano ito, alamin natin sa Balitang Pambansa ni Ben Moses Ebreo ng PIA Nueva Vizcaya.
00:21Sa pambihirang sitwasyon, ay nagkaroon ng tosscoin sa pagitan ng dalawang kumakandidato sa pagkakonsihal sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya,
00:32matapos makakuha ng parehong boto pagkatapos ang inabangang bilangan nitong nakaraang halalan.
00:37Base sa resulta ng bilangan, parehong nakakuha ng 13,451 na boto sina Dave Thomas Santos at Doc Clifford Tito, parehong bagito sa politika.
00:48Sa harap ng Municipal Board of Canvassers at sa kanilang mga taga-suporta, isinagawa ang tosscoin kung saan ang nanalo ay si Santos.
00:56Nagpapasalamat ako sa lahat ng Solanoan na kahit naging ganun, kahit hindi naging malawak yung exposure ko sa tao,
01:03talagang nakita nyo, pinagkatiwalaan nyo, minahal nyo ang Senior Municipal Counselor-Elect na si Dave Santos,
01:13kahit na pa kung ano man yung naging estado ko during the campaign period.
01:18Tanggap naman ni Tito ang resulta at wala namang naging isyo sa kanya ang pagtabla ng kanilang boto.
01:24Ayon sa dalawa na ngayon ay magkaibigan na, pareho silang maninilbihan sa bayan
01:29at nangakong magkaagapay sa paggawa ng mga ordinansa at programa para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Solano.
01:37Nagpasalamat din ang dalawang Counselor-Elect sa kanilang mga naging taga-suporta nung halalan,
01:43lalo ng mga kabataan na siya nilang naging sandigan sa kanilang hangaring maglingkod sa bayan.
01:49Mula sa PIA Nueva Biscaya, Ben Moises Hebreo, Balitang Pampansa.