Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inahana po ngayon ang isang mag-asawang negosyante at kanilang kasosyo
00:04na halos dalawang buwanang nawawala matapos umunong pumunta sa isang business transaction.
00:10Bukod sa cash, may dala rin daw noon ang tatlo na relong nagkakahalaga ng 20 million pesos.
00:17Balitang hatid ni Marisol Abduramad.
00:23Tatlong anak po'y naiwan nila eh.
00:25Kaya hindi po biro na basta na lang po ganyan silang mawawala.
00:30Ang gusto po namin, mabalik po sila. Maawal lang po para po sa pamilya po.
00:35Nagmamakaawa ang kaanak ng mag-asawang negosyanteng si Henry Angelo at Margie Pantuliana
00:40at kasosyo nilang si Richard Cadiz na dalawang buwan nang nawawala.
00:44July 6 down noong umaga, huling nakita ang tatlo.
00:47Nakuhanan sa CCTV ang pag-alis ng mag-asawa sa kanilang condo unit
00:51hanggang pumasok sa kanilang sasakyan kasama ang kasosyo at hanggang makaalis sila.
00:56Around 12 p.m. po, hindi na po sila nakakontakt.
01:00Papunta roon noon sa isang business transaction sa Pasig ang tatlo.
01:04May time sale din silang dala at may dala rin silang cash.
01:07Ibig sabihin may katransaction sila roon.
01:09Two months na, wala pang kumukontakt, wala pang nagpaparandam,
01:13asking for anything from your family po?
01:17Wala po.
01:17Bandang alas 4 daw noong hapon ng araw na yun,
01:21may nagvideo call pa raw gamit ang telepono ng babaeng biktima sa kanyang bunsong anak.
01:25So nagtanong po kami sa bata kung ano pong nakita niya or narinig niya.
01:30Sabi niya po wala.
01:32Inilapit raw nila sa CIDG ang problema makalipas ang dalawang linggo.
01:35Pero wala raw nangyari.
01:37Kaya humingi na sila ng tulong sa Presidential Anti-Organized Crime Commission.
01:41Parang a business deal that gone wrong.
01:47Yun ang tinitignan natin dito.
01:49Bukod sa hindi pa matukoy na halaga ng pera,
01:52may dala rin daw ang mga biktima na rin loong nagkakahalaga ng 20 million pesos.
01:56Maybe yung mga ka-transaction dito,
02:00nag-interest dun sa mga daladala niyang valuables like the watch and maybe the money.
02:07Sa backtracking na ginawa ng PAO,
02:10nakita sa Cavite da kung 7.30 ng gabi noong July 6
02:13ang sasakyan ng mga biktima at isang puting van na tila nakasunod sa kanila.
02:18Ayon sa PAO, ilang araw matapos silang mawala,
02:21nagkaroon pa raw ng mga transaksyon sa ATM.
02:24There were a lot of withdrawals made.
02:27Actually kung susumahin natin, millions ang nakita natin.
02:31But that's for a specific time period lang.
02:35Hindi pa natin na-check-check yung bago o yung iba.
02:40Di ba may limit na halimbawa 50,000 o 100,000 ang kayang i-withdraw.
02:44So that's why everyday nagkakaroon ng withdrawals.
02:47Ayon sa PAO, itinuturing daw na persons of interest ang mga nakatransaksyon ng mga biktima.
02:52Nag-alok na ng 300,000 pisong pabuya ang mga kaana.
02:56Sa sino mang makakapagbigay ng informasyon hinggil sa mga nawawala.
03:00Bubuo raw ang PAO ng Special Task Group sa tulong ng iba pang Law Enforcement Agency
03:06na tututok sa mga nawawalang negosyante.
03:09Umaasa naman ang pamilya ng mga biktima na buhay na makakabalik sa kanila ang mga nawawalang kaanak.
03:15Ayon naman sa CIDG, nagsagawa sila ng ambisigasyon ng idulog ito sa kanila.
03:20Mag-i-issue daw ng sabpina ang CIDG sa mga resource person.
03:24Para magbigay lina o sanasabing bagay, isanaw itong leksyon sa CIDG para pabutihin pa ang kanilang feedback mechanism at komunikasyon sa pamilya ng mga biktima.
03:34Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:39Oras na para sa Web's Latest, mga mari at pare.
03:48Busy as a bee raw ngayong bare months si Kapuso Global Fashion Icon Heart Evangelista.
03:56This month, balik Europe si Heart para dumalo sa sunod-sunod na Fashion Week sa Paris at Milan.
04:02Ang ilan sa mga ganap niya roon, mapapanood sa season 2 ng Kapuso Reality Show na Heart World.
04:10Last Tuesday naman, dumalo si Heart sa exhibit opening ng isang luxury brand na siya ang ambasadress.
04:162 million pesos ang dinonate ng brand para sa preservation ng tubataha leaves.
04:21Chika ni Heart sa inyong mare sa kabila ng kanyang book schedule,
04:25here and abroad, priority pa rin niya ang paglalaan ng family time, lalo na sa Pasko.
04:32Huli ka mang pagmamaltrato ng handler na yan sa isang K9 unit sa Pasig.
04:40Ayon kay U-scooper Nicole Andrea, sinubukan niyang sigawan at pigilan ng pananakit sa aso,
04:45pero malayo siya kaya hindi naririnig ng handler.
04:48Wala pang pahayag ang mismong handler, pero sa isang pahayag ng agency niya,
04:52sinabing suspendido muna ang handler dahil sa insidente.
04:56Bibigyan siya ng retraining at reassessment.
04:59Tiniyak na ang ahensya na nasa ligtas na kalagayan ng aso at hindi na mauulit ang insidente.
05:14Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
05:18Makalipas ang dalawang taon mula ng masira,
05:20hindi pa rin naaayos ang isang flood control project sa Dumangas, Iloilo.
05:25Sara, bakit hindi pa rin naaayos?
05:27Raffi, hindi raw sakop ng warranty ng kontraktor ang pinsala dahil hindi raw istruktura nito ang problema,
05:36ayon sa Iloilo 2nd District Engineering Office.
05:39Nasira raw kasi ito dahil sa epekto ng bagyong beti noong May 2023.
05:44Halos isang taon lang mula nang natapos ito noong August 2022,
05:49sa halagang mahigit 19 milyon pesos.
05:51Sabi ng District Engineer, posibleng hindi kinaya ng slope protection ng agos ng tubig kaya ito napinsala.
05:58Halos kalahati ng 200 metrong proyekto ang nasira at gumuho.
06:03Ayon sa Iloilo 2nd Engineering District Office,
06:06hindi kasama sa budget ng kanilang opisina para sa susunod na taon ang nasabing proyekto kaya hindi pa ito makukumpuni.
06:13Nagkaroon ng pagsabog sa isang resort sa Talisay Cebu dahil sa mga naghalong kemikal.
06:21Nangyari daw ang pagsabog ng sabuya ng isang empleyado ng chlorine ang swimming pool.
06:26Sa imbesigasyon ng pamunuan ng resort,
06:28ang binamit niyang timba, muriatic acid pala ang laman at hindi tubig.
06:33Ayon sa Talisay CD-RRMO, nagdulot ng hazardous materials o hazmat reaction ang paghahalo ng chlorine at muriatic acid.
06:42Napuruhan ang empleyadong nagsaboy na nagpapagaling sa ospital.
06:46Bukod sa kanya, naapektuhan din ng nalanghap na kemikal reaction ang tatlo niyang katrabaho,
06:51labing dalawang bisita at tatlong nakatira malapit sa resort.
06:55Labing lima sa kanila ang dinala sa ospital at na-discharge na rin.
06:58Ipinatigil muna ng Talisay City Legal Office ang operasyon ng resort.
07:03Handa naman daw ang pamunuan nito na sumunod sa anumang utos ng mga otoridad.
07:09Sa ibang balita, may bakante pang apat na party list seat sa House of Representatives ayon sa Commission on Elections.
07:17Sabi ni Kamilic Chair Garcia na bakante ang dapat saan ng tatlong alokasyon para sa Duterte Youth Party List
07:23matapos in-nullify o isa walang visa ang kanilang registration.
07:27Pinal na raw itong desisyon sa September 29 kung hindi dudulog sa Korte Suprema ang Duterte Youth.
07:34Ang isa naman ang narita ng party list seat ay dahil sa resolusyon ng Comelec on Bank
07:38na 64 dapat at hindi 63 ang mga kinatawa ng party list sa Kamara.
07:44Base kasi sa Konstitusyon at Party List System Act, 20% dapat ng Kamara ay mga party list representatives.
07:52Sinusuri pa ng Comelec kung kaninong party list dapat ibigay ang mga natitirang pwesto.
07:57Sampu na ang Nasawi sa gita ng kabi-kabilang protesta kontra korupsyon sa Indonesia.
08:06Una nagsagawa ng silot protesta sa Parlamentary ng Indonesia sa Jakarta.
08:10Pumalat ang gulo sa iba't ibang bahagi ng bansa ng Masawi,
08:14ang isang motorcycle taxi rider matapos mabangga ng polis.
08:17Sinibak na sa pwesto ang nakabanggang polis na nagpaliwanag na hindi niya ito sinasadya.
08:22Inilalaban ng mga nagpaprotesta ang panukalang nagbibigay ng buwan ng housing allowance sa mga politiko.
08:29Pinakakansilanan ng Presidente ng Indonesia ang panukala.
08:32Kinalampag po ng ilang militante at mga biktima ng baha ang harap ng compound ng Pamilya Descaya sa Pasig.
08:51Himingi na po tayo ng detalya sa ulat on the spot ni Jun Veneracion.
08:55Jun?
08:55Conny, sumugod nga ang mga militante at ilang biktima ng baha sa compound ng Pamilya Descaya dito sa Pasig City.
09:18Kinalampag at pinagbabato nila ng putik ang gate ng mga Descaya.
09:21Gumamitin sila ng spray paint para markahan ng protesta nila ang bakod.
09:25Ito raw ang ganti nila sa pagsalaula sa pondo ng Pamahalaan.
09:30Partikular ang mga anomalya sa flood control project kung saan kasama ang kontratistang si Sara Descaya sa mga iniimbestigahan.
09:37Habang nalulubog daw sa baha ang maraming Pilipino, may mga tao tulad ng mga Descaya na lumalangoy sa karangyaan.
09:43Sabi naman ni Colonel Hendricks sa Mangaldan, ang hepi ng Pasig City Police,
09:47malinaw na labag sa batas ang ginawa ng mga Ralista.
09:50Pwede raw silang kasuhan ng malicious mischief.
09:53Pero iba paubaya daw ng PNP sa Pamilya Descaya kung magsasampas sila ng kaso.
09:58Kahit walang permit, pinayagan daw nila ang mga Ralista.
10:01Hindi akala ng mga pulis na mauwi ito sa pambabato ng putik at bandalismo.
10:06Magdi-deploy daw ng dagdag na mga pulis sa area para huwag na maulit ang nangyari ngayong araw.
10:11Paulit-ulit ang sinasabi ng panig ng Pamilya Descaya na wala silang nilabag na batas sa kanilang mga proyekto.
10:18Wala pa silang pahayag kaugnay ng nangyaring protesta ngayong araw.
10:23Connie, sa ngayon ay nalimis na ng mga tauhan ng Pamilya Descaya.
10:27Yung putik sa gate dito sa compound, ang natitira na lang ay yung mga bandalismo sa kanilang bakod.
10:36Balik sa'yo, Connie.
10:37Maraming salamat, June Veneracion.
10:41Maraming salamat.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended